CHAPTER 13

2.1K 90 3
                                    

ILANG LINGGO PA ANG LUMIPAS AT NAGING MAGANDA NAMAN ANG TAKBO ANG KANYANG TRABAHO SA RESTAURANT.

Sa umaga ay nag-aaral siya sa hapon naman may part time job siya at sa gabi ay may trabaho naman siya sa Club. Nakakaramdam din siya minsan nang pagkapagod sa kanyang ginagawa pero hindi naman siya pwedeng magpahinga.

Mahalaga ang bawat minuto na dumadaan sakanya. Ang kinikita nito sa Club ay tinatabi niya lahat para sa pambayad sa hospital at ang kinikita naman niya sa Restaurant ay siyang pinagkakasiya niya sa pag-aaral nila nang kanyang kapatid at gastusin sa bahay.

Minsan parang gusto nang sumuko nang kanyang katawan pero kapag naiisip niya si Ivan at kanyang ina sa Hospital ay napapalakas muli ang kanyang loob.

"Salamat sa libre mo ha.."

"Ang sarap nitong ice cream ate" tuwang tuwa ang kanyang kapatid maging si Rocky na siyang kasama niya na nag-grocery ngayong araw. Ngayon lang kasi siya walang pasok sa eskwela at day off niya sa Restaurant kaya naman inaya niya sina Ivan at Rocky na lumabas.

"Nagustuhan niyo ba?--"

"Ruby?!"

Sabay silang tatlo na napatingin sa pinanggalingan nang boses na tumawag sa kanyang pangalan. "Amber..ikaw pala!"

"Nandito din pala kayo..hindi na kasi kita naabutan kagabi sa Dressing Room mo hindi rin kita makontak sa cellphone mo"

"Sorry Amber..lowbat iyong cellphone ko nakalimutan ko kasing i-charge..bakit? May problema ba?"

Ngumiti si Amber sakanya at inayos ang pagkakalagay nang bag nito sa balikat. "May offer kasi ako..baka pang gusto mo--"

Napababa ang tingin ni Amber sa kanyang kapatid at tinanguan si Rocky. "Ivan! Tara muna doon bili tayo nang pop corn tara!"

Inakay ni Rocky ang kanyang kapatid at inilayo sakanila ni Amber. "Anong offer yan Amber?" Tanong niya dito.

"May kliyente kasi tayo sa Club na magce-Celebrate nang kanyang birthday sa isang Hotel at gusto niyang mag-Hire nang isang Dancer mula sa Club and he wants you..kung okay lang sayo. Anyway malaki ang kikitain mo dito. Huwag kang mag-alala pasasamahan kita sa mga Bouncer mo."

Bigla siyang napaisip. Ang totoo niyan kailangan parin niya nang pera pero natatakot siya lalo at Boys night out iyon sa isang birthday celebration kung saan lalaki lang ang naroon may mga babae sin siguro pero mangilan-ilan lang.

"Ano Ruby? Payag ka ba? Sayang naman ito lalo pa at hindi kana tumatanggap nang Exclusive Dance"

Napakagat labi siya dahil hindi niya alam kung ano ang magiging desisyon niya.

"Sige payag ako.."

Hinawakan ni Amber ang kanyang braso at napangiti. "Okay sige. I-charge mo iyong cellphone mo ha? Para matawagan kita at masabi kung saang lugar gaganapin. Nga pala mamayang gabi na iyon. Mauna na ako sayo Ruby. Bye"

Nagbeso-besi sila bago umalis si Amber. Napapaisip siya tuloy kung tama bang tinanggap niya ang offer na iyon lalo pa at mamayang gabi na iyon! At wala pa siyang practice sa kung anong gagawin niyang sayaw mamayang gabi sa Party.

Nakatulog na si Ivan nang makarating sila sa kanilang bahay. Nagpakahirap pa sila ni Rocky na buhatin ito. Nang magkaharap sila nang kaibigan sa mesa ay natanong nito ang sinabi ni Amber.

"Ano nga palang sinabi ni Amber sayo kanina?"

"May offer kasi siya sakin kaso biglaan mamayang gabi na iyon"

"Saan? Anong offer?"

Napaupo siya sa mahabang bangko paharap sa mesa. Umupo naman si Rocky paharap sakanya. "Birthday Party nang isang kliyente sa Bar. Itetext nalng daw niya ako kung saang lugar gaganapin."

"Sasayaw ka sa Birthday Party nang isang lalaki? Naku! Hindi kaya delikado iyan Ruby? Lalo pa at madaming kalalakihan doon na mahuhumaling na naman kay Ruru!"

"Sayang naman lalo pa at kailangang kailangan ko nang pera ngayon tsaka ngayon lang ito hindi na mauulit"

***********
"Mabuti naman Isaac dumalo ka dito sa Birthday Party ni Creek! Ano na? Di ba kayo magbabati niyan?!"

Sinisiko siko sila nina Matthew at Casper at tinulak pa para magkalapit sila ni Creek. Magmula kasi nang magkainitan sila hindi na ulit sila nag-usap pa.

"Pre! Pasensiya ka na sa kung anong nangyari nung nakaraan--bigla uminit ulo ko" hingi ni Creek sakanya nang tawad

Tinapik niya ang balikat nito at napangiti sa kaibigan. "May kasalanan din naman ako muntikan na kitang nasuntok. Pasensiya kana rin"

"Ayeeehhh! Talo niyo pa ang ang nagka MU na mag-jowa!--arayyyy!!"

Sabay nilang itinulak si Matthew dahil sa pangangatyaw nito sakanila.

"Mabuti talaga at nakapunta ka dito sa Party ko..dahil may surpresa ako sayo mamaya!! I'll make sure matutuwa ka sa mangyayari mamaya."

Hindi niya maiwasang ma-curious sa sinasabi ni Creek sakanya. "Anong surprise yan? Ikaw may Birthday pero ikaw pa ang may regalo kay Isaac? Nakakapagtampo naman yata iyan!" Wika ni Casper

"Sira ulo! This is for us! Lahat tayong nandito pero pinaka alam kung masisiyahan mamaya ay si Isaac..believe me! Excuse muna ako may pupuntahan lang ako"

Hindi nagtagal ay may ipinasok sa loob nang kwarto na isang napakalaking karton. Ano na naman kaya ang pakulo ni Creek sa birthday nito?

"Alright! Guys eto na! Dahil birthday ko ngayon imbes na ako ang aliwin niyo ay kayo ang aaliwin kong lahat..sana..sana magustuhan niyo ang inihanda kung pampagana, pampapawis at higit sa lahat..pampa-HARD sa gabi niyo!"

Biglang naging madilim ang paligid at nang sumindi ang ilaw ay ibat ibang kulay na iyon na gaya sa Bar. Biglang tinampal ni Creek ang karton bago umalis sa mini stage at nabitin ang kanyang pag-inum sa alak nang biglang lumabas mula sa malaking karton ang isang babae napaka sexy at two piece lamang ang suot. Manipis ang suot nitong bra at panty kaya kahit madilim at pasindi sindi lamang ang maliliit na  ilaw ay hindi niya maitatanging kilala niya ang babaeng ito..

"Pre! Bakit hindi mo sinabing hi-nire mo si Ruru?! Walastik pre! Pampa-Hard nga! Naninigas na ako dito!" Sigaw ni Matthew na biglang nakapagpainit sa kanyang ulo ngunit kinontrol niya ang kanyang sarili.

Ilang linggo na siyang hindi nagpunta sa Club at naisipan niyang iwaksi sa kanyang isipan ang babaeng ito ngunit bakit ganun? Kung kelan nakapagpasiya na siyang kalimutan ito ay nagtagpo parin ang kanilang mga landas?

At aaminin niyang habang sumasayaw ito ngayon sa maliit na entablado ay hindi niya maiwasang mapalunok! At ang mga lalaking kasama niya ngayon na nanonood at nakapalibot kay Ruru sa entablado ay nakakapag-painit sa kanyang dugo gusto niyang hilain ang mga ito palayo kay Ruru at pilipitin ang mga leeg nang mga ito..

Ayaw niyang may ibang pumapanood sa babaeng ito. Dahil gusto niya--ay siya lang!

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon