HINDI ITO MAPAKALI SA KANYANG KINATATAYUAN HABANG PATINGIN TINGIN SA BUNGAD NANG GATE.
Napatingin ito sa kanyang suot na relo. Malapit nang magsimula ang program sa kanyang birthday pero wala parin ang pinakahihintay niyang bisita.
"Hi Isaac! Happy Birthday!"
Lapit sakanya ni Feliza at tinangkang halikan siya ngunit iyon mismo ang pagkakita sa isang napakagandang babae na papasok sa gate.
"Excuse me!"
Iniwanan niya si Feliza at malapad ang kanyang mga ngiti nang salubungin niya ang pinakamagandang babaeng nakilala niya. She's wearing a red simple dress na bumabagay sa ganda nito.
"Akala ko di ka na darating.."
Sumilay ang ngiti nito sa labi at mas lumapit pa sakanya. "Pwede ba naman iyon? Pasensiya ka na nahuli ako.." hingi ni Ruby nang tawad sakanya.
"It's okay! Napakaganda mo tonight..well araw araw naman maganda ka kaya di na ako nagtataka kung bakit mas gumanda ka pa ngayon"
"Sus! Nambola ka pa!"
"Halika ipapakilala kita kina Mama"
Hinawakan niya ang palad nito at magkadaop ang kanilang mga kamay nang humarap sila sa kanyang mga magulang.
"Excuse me Ma, Pa. iI would you to meet my girlfriend, Ruby"
"Hi iha! Nice to meet you! Oh..napakaganda mo ngang talaga hindi nga nagkamali sa pagsasabi at pagkukwento sayo ni Isaac" wika nang kanyang ina na kumindat pa sakanya. Hindi matapobre ang kanyang mga magulang kaya naman malakas ang loob niyang ipakilala si Ruby sa mga ito.
"Kinagagalak ko din po kayong makilala Maam--"
"Oh! Don't call me Maam, call me Tita"
"Si--sige po Tita"
"Good evening ladies and gentlemen!"
Naagaw ang pansin nilang lahat nang magsalita ang isang babae sa mini stage. Lahat sila ay nagulat maging siya dahil si Feliza ang nakahawak sa mic at hindi ang inatasan nilang emcee!
"What's going on?" Tanong nang kanyang ina na ipinagkibit balikat niya. Sa nakikita niya ay medyo lasing ito dahil kanina pa ito umiinum.
"Hey! I just want to say--Happy Birthday Isaac. My one and Only Isaac! Hi there!" Kumaway ito sakanya at nakita niya kung paanong hindi naging komportable si Ruby sa kanyang tabi. Inakbayan niya ito at pinisil ang balikat kung saan napatingin ito sakanya.
"Okay lang ako" she mouthed.
"Anyway! Okay na ako. Tanggap ko naman na wala na tayo but you know? Kung paano bumaba yung tingin ko sa sarili ko then suddenly hindi ko matanggap na pinagpalit mo lang ako sa isang kagaya niya?" Sinenyasan niya ang emcee na kunin na kay Feliza ang mic ngunit nakipag-agawan itoz
"Just a little moment guys! Konting oras lang! Ako..isang anak mayaman! Isang edukada! Galing sa respetadong pamilya! Nasakin na lahat di ba? But why? Bakit ako pinagpalit sa isang--empleyada? Empleyada niya mismo! Isang babaeng working student at--sa tingin mo ba kilala mo na talaga siya Isaac?"
Naramdaman niya ang panginginig nang katawan ni Ruby kaya ginagap niyang muli ang kamay nito at nanlalamig iyon.
"Don't listen to her okay? Come on.."
Hihilain na sana niya si Ruby nang muling magsalita si Feliza. "Don't go Isaac! Listen to me..hindi pa ako tapos..tinatanong kita kung kilala mo ba talaga ang babaeng iyan?"
"Yes! And please! Stop what you talking about dahil kahit anong sabihin mo diyan hindi magbabago ang pagmamahal ko sakanya! Mahal ko si Ruby!"
"Talaga? Kahit na malaman mo pa kung ano talaga ang totoong trabaho niya?"
Kinalabit siya ni Ruby at inayang umalis na lang ngunit hindi niya mapapayagang pagbintangan ito ni Feliza kaya gusto niya itong dare!
"Saan? Ano bang alam mo?"
Nagbulungan ang mga tao and seeing Ruby ay hindi ito mapakali sa kanyang tabi.
"Bakit hindi mo siya tanungin? Ask her! Di ba?? Ruru?"
Kumabog ang kanyang dibdib pagkarinig sa pangalan sa na iyon. Bumaba ang kanyang tingin kay Ruby at inantay ang sasabihin nitong hindi iyon totoo.
"She's a slut! Isa siyang bayarang babae at Dancer nang Club! Ang isang babaeng minsan mong kinabaliwan sa Stage! Si Ruby at si Ruru ay iisa!"
"Tell me--hindi totoo ang sinabi niya.."
Tumulo ang luha ni Ruby sa mata at bigla nalang tumakbo palabas nang gate. Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman. May pagpapasalamat na nakilala niya si Ruru pero mas masakit..masakit na malaman ang katotohanan na isang bayaran at dancer nang club ang kanyang girlfriend. Si Ruby na isang napaka-inosenteng babae nang nakilala niya pero may tinatago pa lang kamandag!
"Oh! Ruru is your Girlfriend? Siya pala ang pinalit mo sa anak ko? Anyway! Sino namang hindi mahuhumaling kay Ruru na girlfriend mo? Ang galing niyang sumayaw sa stage! Don't you know that I booked her for one night sa Exclusive Dance? I really like her body swaying! I want to touch--"
Bumalandra sa harapan nang madaming tao ang matanda. Masyado na siyang madaming iniisip at isa pa itong dadamay sa kanyang galit!
"Daddy!" Tumakbo si Feliza palapit sa kanyang amang nakatikim nang kanyang kamao. Wala siyang salita at agad na umalis sa Party.
************
Tanging iyak lamang ang kanyang ginawa habang pinapatahab siya ni Rocky sa kanyang tabi. Alam niyang plano iyon lahat ni Feliza ang pagsisiwalat nito nang kanyang natatagong lihim. At ano pa nga bang magagawa niya gayong alam na nang lahat maging si Isaac na siya si Ruru."Sinabihan kita noon pero hindi ka nakinig. Ano na ang gagawin mo ngayon?"
Pinunasan niya ang kanyang luha sa pisngi at pahikbing humarap kay Rocky. "Hindi ko alam. Kitang kita ko kung gaano kalaki yung galit ni Isaac sakin kanina. Alam kong hindi niya ako kayang tanggapin. Wala akong mukha na maihaharap sakanya ngayon"
Nasa ganoong pag-uusap sila nang may mahihinang katok sa kanilang pintuan. Nang pagbuksan iyon ni Rocky ay bumungad sakanila si Peter.
"Peter! Anong ginagawa mo dito?"
"May update ako sa kaso nang Itay mo Ruby eto.."
Parang nanghina ang kanyang tuhod at napaupo sa sofa habang nakatakip ang kanyang palad sa kanyang bibig. Rumagasa ang luha mula sa kanyang mata..
"Hindi! Hindi..hindi ko siya mapapatawad!!!"
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Любовные романы-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...