CHAPTER 18

2K 84 1
                                    

ARAW-ARAW NALANG AY PALAGI SIYANG PINAPANGITI NI ISAAC. KAPAG NASA TRABAHO SILA AY WALA NA ITONG GINAWA KUNDI ANG BANTAYAN ANG BAWAT KILOS NIYA.

Kinikilig siya lalo dahil sa pagkindat kindat nito sakanya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Ni hindi na rin nga niya minsan maitago ang kilig dahil kadalasan para na siyang tanga na napapangiti nang mag-isa.

Ewan ba niya pero naging masaya ang pang araw-araw niya at mas ginanahan siya sa pagbangon sa bawat araw magmula nang manligaw sakanya si Isaac.

Minsan pa nga nang mag-isa siya sa counter ay napadaan si Isaac sa kanyang likuran at nabigla siya nang may inilapag itong maliit na papel agad niya iyong kinuha at itinago sa kanyang bulsa kapagkuwan ay nagpaalam para mag CR.

'Meet me at the storage room'

Napakagat labi siya at sinulyapan ang binata na patungo sa storage Room. "Detdet may kukuhanin lang ako sa Storage Room" paalam niya sa kasamahan nito bago sinundan si Isaac.

Pagpasok palang niya ay may humila na sakanya sa gilid nang pintuan. Napasinghap na lamang siya nang may matitigas na braso na pumulupot sa kanyang bewang.

"Na miss kita"

Napangisi siya sa tinuran nito. Paano ba naman ay palagi silang nagkikita sa Restaurant pero kung umasta ito akala mo naka Long Distance Relationship sila. Narinig niya ang pagpindot ni Isaac sa seradura nang pinto, ni lock iyon nang binata. Naisip niya kung ano ba tumatakbo sa isip nito ngayon. Kinabahan siya nang inikot siya nito at pumaharap siya kay Isaac. Nakaupo ito sa case nang mga inumin at nakasandal ang likod sa pader habang hindi pinakawalan ang kanyang bewang at niyakap siya nito.

"Am I so fast?

Nakaramdam tuloy siya nang hiya dahil parang hinahayaan lamang niya ang binata na gawin ang mga ganito sakanya pero kasi nagugustuhan niya iyon. Ang paglalambing ni Isaac ay isa sa mga bagay na hindi niya kayang iwasan.

"Ayos lang ba na yakapin kita? Please let me know para itigil ko ang mga ito kung hindi ka komportable" naging malungkot ang mga mata ni Isaac sakanya habang titig na titig ito sa kanyang mga mata. Bakit ganun? Kapag nakikita niya itong malungkot ay nasasaktan siya? Paano naman kung sabihin niyang ayos lang ang ginagawa nito baka isipin naman nito na napakadali naman niyang makuha. Pero paano nga ba? Gustong gusto niya ang pakiramdam na malapit ito sa binata. Pakiramdam niya secure siya.

"Paano kung sabihin kong hindi ayos? Ititigil mo ba?"

Hindi nagsalita si Isaac at unti-unting bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. "Its okay..sabi ko nga makakapaghintay naman ako. Tara na sa labas"

"Isaac"

Ngumiti ito nang tipid tsaka siya nito hinila at hinalikan sa noo "it can wait, hayaan mo at palagi kung pipigilan ang sarili ko na yakapin ka..promise last muna ito"

Lumabas si Isaac sa Storage Room at naiwan siyang gulong gulo pa din ang isip. Paano nalang kung bigla itong mainip at magsawa sakanya? Hindi na yata niya kayang mangyari na lumayo sakanya ang binata.

***********
"Uy! Ruby mabuti nandiyan ka na!" Hinila ni Rocky ang kanyang braso papasok sa kanilang bahay at nagmamadaling tinulak siya nito. Napatigil siya sa paghakbang nang makita ang isang tao na nakaupo sa mahabang sofa at katabi nito ang kanyang kapatid. Nakatingin ito sakanya kapagkuwan ay napangiti.

"Hi..magandang gabi sayo Ruby" napatayo ito at bumati sakanya.

"Si Peter yan! Naaalala mo ba? Ang gwapo niya di ba?!!! Uhmmm..iwan muna namin kayo diyan maghahanda kami nang meryenda" inakay ni Rocky ang kanyang kapatid papuntang kusina. Naupo siya sa tabi ni Peter.

"Ikaw pala. Bakit ka pala nandito?"

"Ah..kasi--gusto lang kasi kitang dalawin matagal na kasi kitang hindi nakita. Kumusta kana pala?"

Oo nga matagal na niya itong hindi nakikita magmula nang mag-aral ito nang high school sa ibang bansa. Wala na silang naging balita dito mula noon at ngayon nga isa na itong pulis at nagbabalik ito sakanila.

"Eto..maayos parin naman kahit papano. Ikaw? Congrats nga pala isa kanang pulis ngayon.."

Ngumiti ito nang tipid sakanya. "Salamat. Nabalitaan ko ang nangyari sa Itay mo kinalulungkot ko ang nangyari Ruby, maging sayong Ina"

Tumango siya dito pagkatapos ay inilapag ang kanyang bag sa gilid nang upuan. "Gusto ko sanang hawakan ang pag-iimbestiga sa kaso nang iyong ama"

Napatingin siya sa gawi ni Peter "kung sana ay may pera lang ako para--"

"Huwag kang mag-aalala wala ka namang dapat  bayaran at kagustuhan ko ito. Gusto kong makatulong sayo"

Parang napaso ang kanyang balat nang hawakan nito ang kanyang palad na nakapatong sa kanyang hita at dahil sa pagkabigla ay inilayo niya ang kanyang kamay. Hindi siya naging komportable sa paghawak ni Peter sakanya.

"Maraming salamat kung ganoon. Pero sa tingin mo ba--may magagawa ka pa sa kaso ni Itay? Hindi bat closed na iyon dahil wala namang lumabas na testigo?"

"Okay lang iyon. Pwede pa namang buksan ulit ang kaso at imbestigahan pa. Ako na ang bahala doon at pinapangako ko sayo Ruby bibigyan natin nang hustisya ang pagkamatay nang itay mo"

Nang makaalis si Peter ay agad siyang inusisa ni Rocky na para bang atat na atat malaman kung ano ang kanilang pinag-usapan.

"Ano na nga? Magkwento ka na! Ito naman nahiya pa eh.."

"Wala nga! Ano bang sasabihin ko eh patungkol lang naman sa kasi ni Itay iyon na siya na daw ang hahawak sa kasi ni Itay" paliwanag niya dito.

"Yun lang?"

Tumango siya "Oo nga po! Yun lang"

"Eh sino naman iyong naghatid sayo? Para kasing kilala ko.."

Napalunok siya dahil alam niyang ang tinutukoy nito ay si Isaac. Nakita kaya sila nito kanina?

"Si--sino? Wala naman ah..baka naman namamalik mata ka lang? Ako ba talaga?"

"Hay naku Ruby! Magusap nalang tayo after nang Show mo. Tara na baka ma late ka pa!"

Eto na naman ang oras para siya ay maging si Ruru at hindi niya alam kung hanggang saan pa siya aabot.

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon