CHAPTER 25

2.2K 89 3
                                    

ITO NA ANG PINAKAMASAYANG ARAW PARA KAY RUBY. NAKATANGGAP SIYA NANG TAWAG MULA SA HOSPITAL AT ISANG NAPAKAGANDANG BALITA ANG BUMUNGAD SAKANYA.

"Inay.."

Hindi niya mapigilang mapaluha habang pinagmamasdan ang kanyang ina na gising na mula sa tatlong buwang pagkakatulog nito. Halos hindi siya makapaniwala kaninang umaga nang tawagan siya nang hospital para ipaalam na gising na ang kanyang ina.

"Inay!! Miss na miss ko po kayo!"

Hagulhol nang kanyang kapatid habang yakap yakap nito ang kanilang ina na nakahiga sa kama. "Ako din anak namiss ko kayo nang husto nang ate mo"

Umagos ang butil nang luha nang kanyang ina at ginagap ang kanyang kamay "Anak kumusta ka? Tatlong buwan akong nakatulog at nandito ako sa hospital paano natin ngayon mababayaran ang gastos dito?"

Tipid siyang napangiti at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. "Ina'y huwag niyo na pong alalahanin iyan. Ako na pong bahala" alanganin ang tingin nito sakanya pero iniwasan niya iyon. Ayon sa doktor na sumuri sa kanyang ina ay may mga test pa itong isasagawa at kapag naging ayos ang resulta ay pwede na itong umuwi.

Walang paglagyan ang kanyang kasiyahan dahil sa wakas ay magaling na ang kanilang ina. Unti-unti na rin niyang nabibigyan nang hustisiya ang pagkamatay nang kanyang ama. Pagkatapos nito sa hospital ay sumaglit siya sa Club kung saan ay kinausap niya si Amber at pormal nang tinapos ang anumang kaugnayan nito sa Club. Bagay na naiintindihan naman nang kanyang kaibigan. Pauwi na ito sa kanilang bahay nang makatanggap siya nang isang text message.

"Magkita tayo mamayang gabi sa pinakamalapit na cafe sa Club na pinagtatrabahuan mo. May kailangan kang malaman"

Pagsapit nang gabi ay nakapagdisisyon din siyang makipagkita dito. Alam niyang galit parin siya dito pero gusto niyang ipaalam dito na hinding hindi niya iuurong ang demanda.

"Ruby gusto mo samahan na lang kita? Hindi kasi maganda ang kutob ko" suhestiyon sakanya ni Rocky

"Huwag na Rocky kaya ko naman, isa pa--kilala ko si Isaac hindi iyon gagawa nang isang hakbang na alam niyang ikakapahamak niya. Dahil kung gagawan man niya ako nang masama siya at siya padin ang madidiin"

Mag-isa siyang pumunta sa lugar na sinabi sakanya ni Isaac kung saan sila magkikita. Sa isang iskinita siya dumaan kung saan ay iilan lamang ang mga taong dumaraan doon. Maingat ang kanyang paglakad dahil pakiramdam niya ay may sumusunod sakanya ilang beses siyang napapahinto at napapatingin sa kanyang likuran hanggang sa bigla siyang nakaramdam nang takot at binilisan ang kanyang paghakbang at napunta sa pagtakbo. Ngunit isang mala bakal na kamay ang humaklit sa kanyang braso at may itinakip na panyo sa kanyang ilong kung saan ay may naamoy siya na aiyang dahilan nang kanyang panghihina at umikot ang kanyang paningin hanggang sa nawalan na siya nang ulirat.

**********
Unti-unting bumabalik ang kanyang malay na kahit nanghihina pa ay pinilit niya ibukas ang kanyang mga mata. Nabigla siya nang nasa isang lugar ito na hindi pamilyar sakanya. Nakatakip ang kanyang bunganga at nakatali ang kanyang kamay at paa. Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya ang mga lalaking nagkalat doon na may mga hawak na baril.

"Oh gising na pala ito"

"Sabihin mo na kay boss"

Umalis ang isang lalaki malapit sakanya at may pinuntahan. Pagbalik nito ay may kasama itong lalaki. Nanginig ang kanyang katawan nang masilayan niya ang mukha nito. Umupo ito sa kanyang harapan at inalis ang pagkakatakip nang kanyang bunganga.

"Hayop ka! Nasaan si Isaac?! Mga hayop kayo!"

Sumenyas ang lalaki at pinaalis ang mga kasamahang naroon. Napatawa ito nang malakas nang sila nalang dalawa. "Sa tingin mo ba nandito si Isaac?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pero okay na lang din naman na isipin mong pakana ito ni Isaac. Hahahaha! Ang dali mo talagang mapaikot ano? Matthew!"

Tinawag nito ang pangalan nang lalaki at natatandaan din niya ito. Isa din ang mga ito sa kaibigan ni Isaac pero bakit? Bakit kinidnap siya nang mga ito?

"Ideya ba ito ni Isaac? Sagutin mo ako!"

"Ruby! Ruby! Ruby! Ano ba ang pagkakakilala mo kay Isaac? Tingin mo..si Isaac ba talaga ang nagpakidnap sayo?"

Napalunok siya dahil sa pagngisi nito sakanya. Hindi! Hindi ito kayang gawin ni Isaac. "Napakasama mo!"

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Creek na nagpalakad lakad sa kanyang harapan. "Ano bang kailangan mo?! Anong kailangan mo sakin bakit mo ako ginaganito?!!!"

"Masyado ka na kasing pabigat at tinik sa dinadaanan ko kaya naman naisip kong mas mabuti siguro kung isunod na lang kita sa itay mo?"

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig. Totoo ba ang sinasabi nito? "I--ikaw ang--ikaw ang pumatay sa itay ko?" Umagos ang luha sa kanyang mga mata habang inaaalala ang mga paratang niya kay Isaac. Pero paanonng nangyari iyon?

"Alam mo kung hindi mo lang ulit pinaimbistigahan ang kaso wala sana tayong problema kaso mapilit ka eh..hindi mo alam kung sinong binabangga mo. Ang totoo niyan wala naman akong balak gawin ang pagsagasa sa ama mo aksidente iyon pero anong magagawa ko? Tapos na, napatay ko nga siya. Alam mo inako iyon ni Isaac dahil sasakyan niya ang ginamit namin pero ako ang nag-drive..pero dahil sasakyan niya at sa galing kong umarte inako niya lahat. Ang bait niyang kaibigan hindi ba? Kaso uto-uto!"

Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at dinuraan niya ang mukha nito. Napatigil si Creek sa pagsasalita at pinahid ang kanyang dura sa mukha nito. Napakasama nang tingin na ipinukol nito sakanya hanggang sa tinamo niya ang malakas na sampal nito na tumama sa kanyang pisngi. Napakasakit niyon na parang uminit ang kanyang pisngi. Nalasahan niya ang dugo sa kanyang labi. Dumugo iyon dahil sa lakas nang pagkakasampal ni Creek sakanya.

"Creek tama na!" Awat ni Matthew pero tila wala itong narinig at hinila ang kanyang buhok. Sa itsura ni Creek ngayon ay para itong makakapatay nang tao. Para itong isang demonyo!

"Sinusubukan mo ba ako ha? Pinakaayaw ko sa lahat iyong babae ang humahamon sakin! Baka naman kapag pinatulan kita makalimutan mo si Isaac?" Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi nito na kinangilabot niya.

"A--anong binabalak mo?"

"Anong binabalak ko? Tutal papatayin din naman kita..papakinabangan muna kita, alam mo bang binaliw mo din ako Ruru?" Pilit niyang inilayo ang kanyang mukha pero malakas si Creek kaya nagawa parin nito ang gusto nitong gawin. Dinilaan ni Creek ang gilid nang kanyang labi. Nakakadiri! Diring-diri siya pero wala siyang magawa.

"Hayop ka! Hayop ka!"

"Oo! Hayop ako! Dahil mamaya mangangabayo tayo! Akin ang katawan mo Ruru, mapapasa akin ang katawan mo bago ka mawala!"

Nauntog ang kanyang ulo sa pader dahil sa pagbitaw ni Creek sa kanyang buhok. "Matthew ihanda mo ang libingan niya. Huwag kang mag-alala kapag natapos ako sakanya ipapaubaya ko siya sayo tsaka mo siya ipasa sa mga tao natin at hayaan mong pagsawaan nila ang katawan niya bago natin patayin"

Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Sa tingin niya ay ito na ang kanyang katapusan. Doon pumasok sa isip niya si Isaac..malaki ang kasalanan niya dito at nasaktan niya ang binata sa mga masasakit na salitang binitiwan niya dito. Pero ngayon, wala siyang ibang maisip kundi ito..

'Isaac nasaan ka na?!"

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon