CHAPTER 17

2K 76 1
                                    

HINDI MAINTINDIHAN NI RUBY NGUNIT TALAGANG NAGTATAKA SIYA SA MGA IKINIKILOS NI ISAAC.

Pakiramdam tuloy niya ay may alam na ang binata patungkol sa ugnayan niya kay Ruru bagay na hindi dapat malaman nang sino man.

Palagi nalang kasi itong sumasabay kapag out na niya sa Restaurant. Kadalasan hinahatid siya nito sa kanila ang rason ni Isaac may pinupuntahan ito malapit sakanila at iisa lamang ang way nila.

Minsan tinatanggihan niya ito at gumagawa nalang nang alibi para di na makasabay sa binata. Naiilang kasi siya at hindi na niya gusto ang kanyang nararamdaman.

Sa bawat paglipas nang araw mas lumalalim pa ang nararamdaman niya para dito. Unang kita palang niya noon dito ay di niya maitatanggi na kahit sinumang babae ay mahuhulog talaga sa binata. Hindi lamang sa angkong kagwapuhan nito kundi maging sa mga nakita niyang katangian nang binata.

Corny mang sabihin pero siguro nga ay na love at first sight siya kay Isaac. At mas lumalim ang nararamdaman niya nang maangkin nito ang kanyang pinaka-iingatang puri.

Gaya ngayon inaya siya ni Isaac sa tabing dagat. Ewan ba niya kung bakit bigla nalang siyang pumayag, para tuloy silang nagde-date nang binata doon. Nakaupo sila sa buhanginan at pinapanood ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan.

"Nasaan pala ang inay mo?"

Napatingin siya dito ngunit agad ding binalik sa kalangitan ang kanyang mga mata. Hindi kasi niya alam kung ano ba talaga ang isasagot niya dito.

"Nasa hospital.."

"Naka-confine? Anong sakit niya?" Patuloy nitong tanong at pilit kinakalkal ang kanyang buhay. Magaan ang pakiramdam niya dito kaya siguro naman ay mapagkakatiwalaan niya si Isaac.

"Comatose siya--tatlong buwan na"

"Im sorry..im sorry--hindi ko alam.."

Mahabang katahimikan ang namagitan sakanila hanggang sa muli itong nagsalita at nagtanong ulit sakanya.

"If you don't mind a--anong nangyari sa nanay mo? Bakit siya na-comatose?"

Huminga siya nang malalim bago iyon sinagot "kakamatay lang ni itay noon, siya ang tumayong ina at ama samin nang kapatid ko. Ang totoo niyan mahina ang baga ni inay kaya ayaw siyang pinagtatrabaho ni itay ngunit napilitan siyang magtrabaho para may mapakain samin. Isang araw nang naglilinis siya sa bintana nang hotel nahulog siya at iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon di parin siya nagigising"

Parang gusto niyang maiyak habang kinukwento iyon kay Isaac. Ngunit pinipigilan niya lamang dahil nahihiya siya sa binata.

"Kung ganoon nasa hospital pa siya?"

Tumango siya dito nang marahan "kaya kahit ano nang raket pinapasok ko na. Para lamang magkapera pantustos sa kapatid ko at kay inay. Ayoko namang itigil ang pag-aaral ko--sayang din kasi..mabuti nalang kahit papano may mga kaibigan at kamag-anak kami na tumutulong samin para sa gastusin ni inay"

Alam niyang hindi tama ang ginagawa niyang pagsisinungaling dito ngunit kailangan. "Napakatapang mo. Matapang ka sa buhay--hanga ako sa katapangan mo at sa paninindigan mo na hindi pagsuko sa laban nang buhay."

Napangiti siya dahil sa apresasyon na binigay ni Isaac sakanya. "Ang swerte siguro nang boyfriend mo"

"Wala po akong boyfriend"

"Wala? Di nga? Sa ganda mong iyan wala kang boyfriend?" Namula yata ang kanyang pisngi nang sabihin ni Isaac na maganda siya.

"Wala po Sir..focus po muna ako sa trabaho, studies ko at sa pamilya ko--"

"Pwede ba kitang ligawan?"

Napatanga siya at biglang naging malikot ang kanyang mga mata hanggang sa napatawa na lang siya.

"Kayo talaga Sir mapagbiro din po pala kayo--"

"No Im not.."

Napakagat labi siya nang hindi na niya mahintay na bawiin iyon nang binata. Ang akala kasi niya isa lamang iyong biro. Gusto niyang magsaya, bumibilis ang tibok nang kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama.

"Sabi mo wala ka namang boyfriend kaya siguro naman pwede akong manligaw di ba?" Bubuka na sana ang bibig niya para magsalita ngunit naunahan na naman siya nito.

"Kung ang pinoproblema mo ay ang kapatid at pag-aaral mo maging ang responsibilidad mo sa pamilya mo..kaya ko namang maghintay. Handa akong tulungan ka sa lahat nang bagay--"

"Hindi ko po matatanggap iyan Sir Isaac--"

"Call me Isaac..mula ngayon iyan na ang itatawag mo sakin kapag wala tayo sa trabaho. I like you Ruby. Gusto talaga kita..sana bigyan mo ako nang pagkakataon sa puso mo"

Napansin din siya ni Isaac. Isa iyon sa mga pinakahihintay niya. Ang mapansin siya nito bilang si Ruby at hindi lamang bilang si Ruru.

"Hindi kita pinapaasa--pero kung kaya mong maghintay..nasa sayo na iyan alam mo naman ang buhay ko, hindi pa maayos sa ngayon madami pa akong pinoproblema na kelangan kong mas unahin. Alam mo naman kung ano ang prayoridad ko ngayon Isaac"

Ginagap nito ang kanyang palad at mahigpit na hinawakan iyon ni Isaac. Nailang siya bigla sa ginawa nito pero hinayaan na lamang niya iyon.

"I know..handa akong maghintay sayo. Gusto kita pero hindi lamang basta gusto na maging girlfriend i want you to be a part of my life, gusto kitang alagaan, gusto kitang protektahan. I can't explain myself lalo na kapag malapit ako sayo..pakiramdam ko kilala kita, pakiramdam ko nagkita na tayo dati pa..i love you Ruby, sabihin mo nang corny pero sa tingin ko na love at first sight ako sayo"

Napaawang ang kanyang labi nang marinig niya ang salitang I love you mula sa binata. Ngunit nangangamba siya dahil sa mga huling salita nito mukha ngang nabibigyan si Isaac nang ideya sa katauhan niyang si Ruru lalo pa at may nangyari na sa pagitan nila.

Hinatid siya ni Isaac sa kanila ngunit gaya parin nang dati ay sa gilid lamang nang kalsada papasok sa kanila. Aalisin na sana niya ang kanyang seatlbelt nang naunahan siya ni Isaac.

"Ako na" nagkalapit ang kanilang mukha at nasasamyo niya ang mabango nitong perfume. Napalunok siya nang maalala ang amoy na iyon na siyang nakapagpawala sa kanyang sarili sa Hotel.

"Sa--salamat" wika niya nang maalis nito ang seatbelt. Bababa na sana ito nang tawagin siya nang binata.

"Ruby"

At sa pagbaling niya dito ay lumapat ang labi ni Isaac sa kanyang pisngi na kanyang ikinagulat.

"Goodnight"

Dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakapagsalita at tumango na lamang siya bago bumaba at kumaway dito. Nang makaalis na ang sasakyan ni Isaac ay napahawak siya sa kanyang pisngi at unti unting sumilay ang kanyang ngiti..

Hinalikan siya ni Isaac. Hinalikan siya nito at sa katauhan niya bilang si Ruby.

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon