"ANO?!"
Umalingawngaw ang boses ni Rocky sa loob nang kaniyang kwarto sa kanilang bahay pagkauwi nila. Kinausap niya kasi ito na may sasabihin siya dahil hindi niya kayang magsinungaling sa kanyang matalik na kaibigan.
"Ruby naman! Nag-iisip kapa ba niyan? Muntikan nang may mangyari sa inyo!"
Napakagat labi siya habang hindi makatingin nang diretso sa kanyang kaibigan. Alam naman kasi niyang kasalanan niya iyon dahil nagpadala siya sa bugso nang kanyang damdamin at tawag nang laman.
"Hindi ko alam..basta--basta nalang natagpuan ko ang sarili ko na..na hinahayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa katawan ko. Mabuti nalang bumalik pa ako sa katinuan kung hindi.."
"Kung hindi baka napahamak ka na! Diyos ko Ruby labanan mo naman yang nararamdaman mo hindi ka pwedeng maging mahina lalo sa puso mo! Oh baka naman kasi may nararamdaman kana sakanya?"
Tinignan niya nang alanganin si Rocky. "Hi--hindi..wala naman akong nararamdaman sakanya"
"Lokohin mo lelang mo Ruby! Hindi ka mamumula nang ganyan kung wala kang nararamdaman sa lalaking iyon. Sus! Basta mag-ingat ka huwag kang padalos dalos baka mapahamak ka--oh siya matulog ka na at maaga ka pang papasok bukas. Uuwi na din ako--bye Ruby"
Mapupuyat yata siya ngayo dahil wala nang ibang laman ang kanyang isip kundi si Isaac. Tuuwing ipipikit kasi niya ang kanyang mga mata ay mukha nito ang rumirihistro doon. Ang gwapong mukha nito at ang nakakahipnotismong mga mata nito idagdag na ang mapang akit nitong labi na napakalambot. Napangiti siya nang maalala ang nangyari sakanila kanina. Hindi niya itatangging magaling humalik si Isaac!
Ang mainit na palad nito na dumadaan sa kanyang balat at ang nakakakiliting labi nito na walang sawang humalik at sumipsip sa kanyang balat. Hindi rin niya makalimutan ang pagpisil nito sa kanyang hinaharap at pagpapaloob nito sa kanyang utong. Gigil siyang napakagat sa kanyang mga labi nang mapunta ang kanyang isipan sa paghawak ni Isaac sa kanyang kaselanan.
Unang beses niya lang iyong naranasan. At masasabi niyang kakaiba ang naging epekto ni Isaac sa kanyang sa gabing ito. Tumagilid siya nang higa at pinilit na matulog. May klase pa kasi siya kinabukasan.
MAAGA PA LANG AY UMALIS NA SIYA SA KANILA. GAYA NANG DATI SI ROCKY NA ANG BAHALA SA KANYANG KAPATID.
"Ate papasok ka na?"
"Oo Ivan, naihanda ko na lahat nang kailagan mo maligo at kumain ka nalang mamaya bago ka pumasok sa school ha? Huwag magbulakbol mamayang hapon dadalaw ako kay Inay..umuwi ka pagkatapos nang klase mo ha!"
"Opo ate!"
Malayo palang siya sa classroom ay naririnig na niya ang halakhakan nang mga lalaki niyang kaklase. "Naiinis nga ako eh! Naunahan ako nang iba! Sayang talaga--nakakagigil talaga ang babaeng iyon! Hindi na ako makapaghintay na malawayan ang katawan niya"
Saktong iyon ang pagpasok niya at hindi sinasadyang natuon ang mata ni Richie sakanya. Pinasadahan siya nito nang tingin. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan.
"Ruby! Dito ka!"
Tinignan niya si Jacky na kumakaway sakanya at nang balingan niya si Richie ay hindi na ito nakatingin sakanya busy na itong nakikipag-usap sa mga barkada niya.
"Bakit nahuli ka ngayon?" Tanong ni Jacky
"Kasi--na--napuyat ako"
Naupo siya sa tabi nito at inilabas ang kanyang notebook at ballpen. "Lagi kang napupuyat ano bang ginagawa mo sa gabi?--ay! May chika ako sayo! Narinig mo na ba iyong issue nang kasamahan ni Elena? Si Senna?"
Ang tinutukoy nito ay ang famous girl group sa kanilang eskwelahan. "Hindi pa ano ba yun?"
"Hay naku! Kumalat yung scandal niya! Grabe hindi makapaniwala ang lahat na binebenta pala niya ang katawan niya para pang magkapera! Nakakahiya di ba?! Ewan ko ba kung bakit may mga ganyang babae na kayang ibenta ang laman para lang magkapera! Madaming pwedeng pasukang trabaho iyong marangal! Mabuti nalang hindi ko iyon kaibigan dahil kung hindi hay naku! Mamamatay ako sa kahihiyan! Itatakwil ko siyang kaibigan!"
Napabaling siya kay Jacky na busangot ang mukha nito. "Ikaw? Bakit ba palagi kang puyat?"
"Ha? Ahh kasi palagi ako sa hospital kay Inay alam mo na binabantayan ko siya doon isa pa nagbabasa ako nang lesson natin"
Naks! Iba ka teh! Kaya naman ang taas nang mga grades mo! Bilib na talaga ako sayo!"
Pilit siyang ngumiti at naisip ang kanyang pagsisinungaling dito. Napayuko siya at tinitigan ang mesa sa kanyang upuan. Kung alam lang nito ang klase nang kanyang trabaho baka pandirihan din siya ni Jacky.
Hindi man siya nagpapadala sa kama at sumasama sa ibat ibang lalaki pero wala na din siyang pinagkaiba sa mga ito kahit na sabihin pa niyang sumasayaw siya sa Club. Bayaran parin siya! Binabayaran ang serbisyo niya sa pagsasayaw upang punan ang init sa katawan nang mga lalaking kanyang sinasayawan. Oo--kasindumi na rin niya ang mga babaeng mababa ang lipad!
Nang maghapon na ay sumaglit siya sa hospital para dalawin ang kanyang ina. Napaiyak siya habang kinakausap niya ito.
"Inay kumusta po kayo? Pasensiya na kayo ha hindi oras oras nandito ako at ni Ivan. Pinagbubuti po namin ang aming pag-aaral. Sana gumising na po kayo namimiss na po namin kayo ni Ivan..inay sana hindi kayo magalit sa oras na malaman niyo ang totoong trabaho ko..para rin po sa inyo ito ni Ivan"
Hinaplos niya ang buhok nang kanyang ina at hinalikan ito sa noo bago ito nagpaalam para umuwi. Ito ang pinakamahirap na dagok sa kanyang buhay. Wala silang ama na gumagabay at sumusustento sa kanilang pamumuhay ganoon din ang kanilang ina.
Ang tumayong ina at ama sa kanyang kapatid maging sa kanyang sarili ay hindi madali. Araw araw ay kailangan niyang lunukin ang katotohanan sa uri nang kanyang trabaho. Gabi gabi ay halos hindi siya makatulog dahil hindi matahimik ang kanyang konsensiya! Kailangan niyang nguyain ang kanyang dignidad at lunukin ang kanyang prinsipyo sa buhay upang mabuhay! Siya, si Ivan at ang kanilang ina!
Mahirap talaga kapag mahirap ka. Iyong tipong lahat pinagkakait sayo. Mula pagkain, pera, pagkakakitaan, kalusugan, pati pamilya..
Kaya kahit nahihirap na siya. Kahit na gustuhin niyang sumuko ay hindi pwede! Habang nakikita niyang lumalaban sa buhay ang kanyang ina ay patuloy din siyang lalaban para dito..
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...