"Maraming Salamat po Sir, balik po kayo ulit"
Napabuga nang hangin si Ruby nang makaalis ang huling customer sa counter. Kinuha niya ang mop sa gilid at nag-umpisang linisin ang sahig. Second day na niya sa Sizzling Restaurant at hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na si Isaac ang kanyang boss.
Grabe! Ang liit talaga nang mundo. Na-curious siya tuloy kung bakit hindi na nga ito napupunta sa Club. Pero sa nakikita niya ay busy ito sa mga negosiya niya. Akalain mong ngayon niya lang nalaman na napaka yaman pala nito at hindi lang ang Sizzling Restaurant ang negosiyo nito kundi marami pa!
Napatingin siya sa labas nang may grupo nang mga babae na pumasok sa loob nang Restaurant. Sa unang tingin palang niya ay hindi mga basta basta ang mga ito halatang may kaya dahil sa itsura nang pananamit nang mga ito.
"Magandang gabi po..welcome to Sizzling Restaurant Maam"
"Nasaan si Isaac? Nandiyan ba siya sa opisina niya?"
Kilala nito si Isaac kaya naman napapaisip siya kung kaano-ano ito nang binata. "Miss tinatanong kita--nasaan--"
Napabaling silang pareho nang marinig nila ang pagbukas nang opisina ni Isaac. Nakita niya kung paano ngumiti ang babae at lumapit sa binata. Napabaling ang kanyang mukha nang halikan nito si Isaac sa labi. Parang may kurot sa kanyang puso dahil sa kanyang nasaksihan.
"Uuwi ka na ba?" Dinig niyang tanong nang babae kay Isaac. Inabala niya ang kanyang sarili sa paglilinis sa counter.
"Why are you here Feliza?"
Feliza pala ang pangalan nito. Maganda si Feliza, magaling mag-ayos sa sarili at magaling magdala nang kasuotan. Ang yaman nitong tignan at bagay na bagay kay Isaac dahil parehas ang mga ito sa katayuan sa buhay.
"Ano ka ba! Kelangan bang may dahilan para puntahan kita dito? I miss you na kasi! Tagal mo nang hindi nagpapakita sakin"
Kahit sana ayaw niyang pakinggan ang pag-uusap nang mga ito ay hindi niya maiwasang pakinggan iyon. Isang dipa lang kasi ang layo niya sa dalawa kaya dinig na dinig niya iyon.
"Feliza--please not this time..umuwi ka na"
"No! Ngayon lang ulit kita makikita tapos papaalisin mo pa ako? Come on Isaac! Kumain naman tayo sa labas--"
"Madami pa akong gagawin--"
"Uhmm--sige! Antayin nalang kita tapos matutulog ulit ako sa condo mo gaya nang dati..ima-massage kita-how's that idea?"
Biglang niyang natabig ang isang baso sa gilid kaya nakaagaw iyon nang atensiyon nang lahat. Maging si Isaac at si Feliza ay napatingin sa kanyang gawi.
"So--sorry po.."
Umupo siya para pulutin ang mga basag na parte nang baso nang bitinin ni Isaac ang kanyang kamay. Hinawakan nito iyon para hindi makagalaw.
"Don't touch it..masusugatan ka lang..move.."
Hindi siya nakapagsalita nang magsimulang pulutin ni Isaac ang mga bubog at tinawag ang isang lalaki na kasamahan niya sa trabaho. Nang matapos na nilang linisin iyon ay napatingin siya kay Isaac nang mapatayo ito.
"Next time be careful..huwag mong basta hahawakan ang mga bubog"
"Ye--yes Sir..sorry po"
"Are you okay?"
Napa angat ang kanyang mukha at hindi makapaniwala sa naging katanungan ni Isaac sakanya. "O said are you okay?"
Sasagot na sana siya nang hilain nang binata ang kanyang kamay. "Nasugatan ka!"
Hinila siya nito at patungo ang direksiyon nila sa opisina nito nang biglang humarang sa kanilang harapan si Feliza.
"Saan ka pupunta? Di ba uuwi ka na?"
"Umuwi ka na Feliza magkita nalang tayo bukas"
Wala nang nagawa pa ang babae nang isarado ni Isaac ang pintuan nang opisina nito at siya naman ay takang taka habang pinapanood ang binata na naghahanda nang panggamot sa kanyang sugat.
"Sit here. Don't move.."
Hindi na siya nakatanggi nang hawakan muli nito ang kanyang kamay at ginamot ang kanyang nasugatan na palad. Gustong-gusto niyang hilain ang kanyang kamay na hawak nito dahil kakaiba ang kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Pakiramdam kasi niya ay nadadama niya ang bawat paghaplos nang palad nito sa kanyang balat.
"Awwww!"
Napatingala sakanya si Isaac at nagtama ang kanilang mga mata. Siya na ang nag-iwas dahil hindi niya matagalan ang titig nito iba kasi ang pumapasok sa kanyang isipan..
"Ayan..ayos na. Masakit pa ba?"
Ngumiwi siya dito "hi--hindi na--Salamat Sir" wika niya pero nakayuko siya at pinagmasdan ang kanyang palad na ginamot nito.
"Did--we met before?"
Nanlalaki ang kanyang mga mata nang mapatingin siya dito. May pag-aalinlangan siya dahil baka namumukahan na siya nito? Pero paanong nangyari iyon? Eh hindi pa naman niya naipapakita dito ang kanyang mukha bilang si Ruru sa Club.
"Ha?--ahh.."
"I mean--before sa Mall?"
Napalunok siya at pilit na nagsalita kahit na parang may bumabara sa kanyang lalamunan. "Hi--hindi pa naman po Sir"
"Uhmmm..sorry para kasing nakita na kita somewhere hindi lang sa na-encounter kita sa Mall--anyway pwede ka nang umuwi.." pinanood niya ito habang nagliligpit sa first aid kit nito.
"Si--sige po Sir" paalam niya dito at lumabas na nang opisina nito. Nagtungo siya agad sa locker room at nagpalit nang uniform bago kinuha ang kanyang bag at lumabas na nang Restaurant. Alas siyete na pala nag-overtime pa pala siya nang isang oras.
Gulat na gulat siya nang paglabas niya sa Restaurant ay agad humarang ang isang babae sa kanyang harapan. Napatigil siya at napahigpit ang kanyang kapit sa strap nang kanyang bag.
"Bago ka lang ba dito?"
Mataray na tanong sakanya nang babae. At siyempre kanina lang niya nalaman ang pangalan nito kakakita nga lang din niya dito ngayong gabi.
"O--opo pangalawang araw ko pa lang po sa trabaho"
Tumaas ang isang kilay nito sakanya. "Well hindi mo pa siguro ako kilala kung ganon--ako nga pala si Feliza ang girlfriend ni Isaac. At didiretsahin na kita?--anong pangalan mo?"
"Ru--Ruby"
"Ruby! Gusto ko lang ipaalam sayo na selosa akong tao. Ayoko nang mga babaeng umaali-aligid sa boyfriend ko. Ayoko rin nang mga napapatingin sakanya na iba ang pakay.."
Lumapit pa ito sakanya pagkatapos ay inikutan siya nito at tinignan mula ulo hanggang paa. "Well--gusto ko lang naman iyong ipaalam sayo pero sa totoo lang hindi naman ako threatened sayo" ngumiti ito nang napakaplastik sa kanyang harapan.
"Hindi naman ikaw iyong tipo na gugustuhing ipalit sakin ni Isaac kung tutuusin. Isa kalang namang empleyado niya na--walang kaya sa buhay, walang taste..oh! Sorry for the word--anyway Ruby nice meeting you--"
"Feliza!"
Parehas sila ni Feliza na napatingin sa pinanggalingan nang baritonong boses. At nakita niya si Isaac na naglalakad palapit sakanila.
"Tara na ba?"
Sakanya dumako ang mga mata ni Isaac. "Ingat ka sa pag-uwi" pagkatapos ay nilagpasan siya nito. Si Feliza naman ay napatigil sa kanyang harapan "tandaan mo ang sinabi ko Ruby ha? Kung anong akin--akin lang!"
Napasunod na lamang ang kanyang mga mata kina Feliza at Isaac na papalayo at sumakay sa iisang kotse..sa kotse ni Isaac.
Hindi tuloy niya maintindihan ang kanyang sarili. Ang malamang may kasintahan si Isaac ay siyang parang pumipiga sa kanyang puso.
Alam niyang hindi maganda ang ipinapahiwatig nang sakit na kanyang naramdaman kaya habang maaga pa ay papatayin na niya ang nararamdamang umuusbong sa kanyang dibdib.
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...