CHAPTER 6

2.2K 90 2
                                    

MAAGA SIYANG PUMASOK SA KANYANG KLASE. PAPASOK PA LAMANG SIYA NANG GATE NANG TINAWAG AT HABULIN SIYA NI JACKY.

"Ang aga mo! Nagawa mo ba yung project natin sa English?"

Ngumiti siya at pinakita ang print-out na ginawa niya. Hinawakan iyon ni Jacky at nilapit sa kanyang mukha.

"Grabe! Ang galing! Ako di ko pa nagawa mamaya nalang sa library"

Nagtuloy sila sa kanilang classroom at naabutan ang mga kaklase nila doon. Pag-upong pag-upo palang nila ni Jacky nang dumating ang isa nilang kaclase na siyang tinaguriang pinakagwapo doon.

"Hang over kana naman Richie boy!"

"Ang epekto ni Ruru!"

Napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil sa pagkarinig sa kanyang pangalan sa Club. "Ang galing gumiling ni Ruru! Ibang iba! At ang katawan--"

Nagsipulan ang mga kaklase niyang nagkukwentuhan. "Ang sexy! Mukhang masarap pisil pisilin!"

Nagtawanan at naghalakhakan ang mga ito at siya? Napapayuko nalang dahil pakiramdam niya binabastos siya nang mga ito.

"I can't wait to see her dancing in front of me! Ohhh--i want to touch her body! That's why..i booked her for tonight"

Napalunok siya at napasilip nang kaunti kay Richie na pinagmamalaki nito ang pagkaka book nito sakanya mamayang gabi sa Club. Napakagat labi siya dahil mamayang gabi ay sasayawan niya si Richie sa isang kwarto kung saan ay sila lamang dalawa. Hindi niya lubos maisip na ito ang magpapakasasa sa kanyang katawan mamaya. Napangiwi siya sa kanyang inisip.

"Uy! Ruby bakit? May masakit ba sayo?" Untag sakanya ni Jacky na katabi niya sa upuan.

"Ah? Wa--wala naman medyo napuyat lang ako kagabi sa kaka review sa mga lesson natin" pagsisinungaling niya.

Oras na nang uwian nang magpasama sakanya si Jacky para mag-grocery sa Mall. Wala naman siyang balak bumili pero dahil nandoon nalang din naman siya ay bibili na rin ito nang mga pagkain para sakanilang magkapatid at para narin kina Rocky.

Inaabot niya ang isang pagkain ngunit dahil sa hindi naman siya katangkaran ay hindi niya iyon makuha kahit na anong pilit niyang pagtalon.

"Let me.."

Napatigil siya nang sumulpot ang isang lalaki sa kanyang likuran at hindi siya nakagalaw nang mula sa kanyang likuran ay inabot nito ang pagkain sa itaas. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay dumikit ang dibdib nito sa kanyang likuran at napasinghap siya nang aksidenteng mapalapat sa kanyang pang-upo ang pagkalalaki nito.

Matigas iyon at kahit panandalian lang iyon ay hindi mapigilan nang kanyang sarili na mapaisip nang di maganda.

"Here.."

Nang kunin niya iyon mula sa lalaki ay tumingala siya at dahil doon ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Gwapo ang lalaki, may kulay chockolate itong mata at matagos ang ilong ang labi nito ay tila nag-aanyaya na halikan siya nito.

"Ahh--thank you"

Umalis siya sa harapan nito at kinuha ang basket na dala sa pag-gogrocery. Hindi niya namalayan na sumabit ang strap nang kanyang id mula sa bulsa kaya nalaglag iyon. Tinawag siya nang lalaki ngunit hindi na niya ito pinansin at nagmadaling nagbayad sa cashier.

Nang makauwi ito sa kanila ay binigay niya ang grocery na para kina Rocky. "Naku Ruby nag-abala ka pa! Napakadami mo nang nabibigay samin ni inay"

"Ano ka ba naman Rocky ayos lang. siya nga pala pwede ka ba mamayang gabi? Magpapasama sana ulit ako sa Club para naman may kasama ako sa dressing room. Kung ano--magbabayad naman--"

Tinapik nang kaibigan niyang bakla ang kanyang braso tsaka ito kumumpas sa hangin. "Okay lang Ruby! Kahit huwag mo na akong bayaran para saan naman at kaibigan naman kita"

"Pero Rocky kasi gusto ko samahan mo nalang ako gabi gabi doon hindi naman pwede na wala akong ibigay sayo sa pag-aantay, pagbabantay at abala ko sayo doon, isa pa..malaki naman ang kita gaya kagabi"

"Oo nga pero kailangan mo nang pera isa pa! Magbabayad ka pa kay Amber.."

"Ayos lang..malaki naman naitatabi ko tsaka nakapagdesisyon na ako na--tumanggap na nang Exclusive Dance para mas makaipon pa ako nang mas malaki. Gusto ko rin kasing umalis doon ayokong magtagal sa ganitong trabaho Rocky"

Naging malungkot ang kanyang mukha dahil parang hindi niya masikmura ang klase nang kanyang pinagkakakitaan.

Dumating ang gabi at tulad nang nakalipas na gabi ay muli siyang sumayaw sa harapan nang madaming tao. Mas madami ang tao ngayon kumpara sa nakaraang pagsayaw niya. Kitang kita niya kung paano paliguan nang mga ito nang tingin ang kanyang katawan at sa bawat paggiling niya ay hindi niya maiwasang tila nababastos dahil nakikita niyang may napapalabi, sumisipol at ang pinaka sa lahat ay may nahagip ang kanyang mata na nakahawak sa pagitan nang pantalon nito ang isang lalaki.

Napapikit na lamang siya upang kahit paano ay hindi niya masilayan ang mga mapangahas na tingin at aksiyon nang mga ito dahil sa kanyang pag-indayog.

After sa stage ay sinundan siya ni Amber sa loob nang dressing room at may ibinigay na card number. "A--ano ito?"

"Iyan ang magiging access mo sa kwartong papasukan mo para sa Exclusive Show mo. Ang swerte mo dahil nakabook ka lang sa iisang tao sa buong isang buwan."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Isang buwan?!" Sabay pa sila ni Rocky na nagtanong kay Amber.

"Oo--wala kang ibang sasayawan kundi isang tao lamang. Huwag kang mag-alala loyal customer iyon dito kaya natitiyak kong walang mangyayari sayong masama. Galante siya kaya naman binigay na niya ang bayad sayo buong buwan. Iba pa ang ibibigay niyang datong kapag nagustuhan niya ang pagsayaw mo sakanya. Oh paano iyan? Iiwanan na kita at kakusapin ko pa ang mga nagrereklamong customer mo dahil gigil silang mai-book ka pero malas lang sila mas malaki ang offer nang client na nakakuha sayo.."

Nang makaalis si Amber ay hinarap siya ni Rocky. "Grabe naman ang mga customer na iyan! Mga hayok sa kama at katawan lalo na sayo! Mga manyak!--gusto mo bang samahan kita sa loob nang pupuntahan mo?"

"Naku Rocky kahit gustuhin ko man ay hindi pwede dahil bawal iyon. Hayaan mo at nandoon naman ang mga bouncer na itinalaga ni Amber para sakin. Antayin mo nalang ako dito okay?"

Pinuntahan niya ang numerong nakasulat sa card na ibinigay sakanya ni Amber ikinaskas niya iyon sa gilid nang pintuan at tsaka iyon bumukas. Dim light sa loob at sa mini stage nito ay may ilaw na nag-iiba iba ang kulay. Medyo malayo doon ang isang mahabang upuan at mula sa kinatatayuan niya ay nakatalikod na nakaupo ang isang lalaki na siyang kliyente niya.

"You're here..you can start"

Ang boses nito ay parang nakakaakit sa kanyang pandinig. Dahan dahan siyang lumakad patungo sa stage at sa oras na humarap siya sa lalaki ay napatigil siya nang tumapat ang ilang ilaw sa mukha nito.

Ang lalaking ito!

Walang iba kundi ang lalaking tumulong at tinakbuhan niya sa Mall!

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon