MAAGA SIYANG PUMASOK SA KANYANG OFFICE DAHIL MADAMI SIYANG KAILANGANG TAPUSIN LALO PA AT END OF THE MONTH NGAYON.
Hindi pa siya nakakatagal sa kanyang inuupuan nang may marinig siyang mga yabag sa labas nang kanyang opisina. Malamang ay nagsisidatingan na ang kanyang mga empleyado. Napatingin siya sa pintuan nang bigla iyong bumukas..
"Ay! Sorry Sir na--nandiyan na po pala kayo. Ma--magandang umaga po"
Inilapag niya sa mesa ang binabasang report at nang lalabas si Ruby ay tinawag niya ito. "Ruby.."
"Ye--yes Sir?"
"My coffee please"
Agad namang tumalima ang dalaga at pinagtimpla sia nang kape. "Eto na po ang coffee niyo Sir" nang ilapag ni Ruby ang kanyang kape sa mesa ay napaangat ang tingin niya sa mukha nito pero mas nakaagaw pansin ang malaking kulay pula na nakatatak sa leeg nito. Napakunot noo siya habang napagkit doon ang kanyang mga mata. Siguro ay napansin iyon nang dalaga kaya agad na lumayo ay tinakpan iyon gamit ang palad nito tsaka inayos ang uniform.
"Napano yan?"
"Ahh-ma--madami po kasing lamok sa amin Sir" sagot nito sakanya na hindi makatingin nang diretso. Bakit ba pakiramdam niya ang mga mata nito at boses ay talagang napakapamilyar sakanya.
"Bakit ka pala di pumasok kahapon?"
"Kasi Sir masama po ang pakiramdam ko tsaka wa--wala pong mag-aalaga sa kapatid ko" dagdag niya sa huli na pawang kasinungalingan lamang.
"Nasaan ang mga magulang mo?" Gusto din naman niyang malaman kung ano ang background nito.
"Wa--wala na po akong tatay..patay na po"
Pinakatitigan niya ang mukha nito at nakita niyang bumakas doon ang lungkot nang dalaga. "Im sorry. Hindi ko alam--pero anong kinamatay niya? Okay lang kung hindi mo sagutin--"
"Hit and Run po. Nabangga po siya at tinakbuhan siya nang mga ito. Kung nadala lang sana siya sa hospital nang maaga siguro ay buhay pa ang itay ko."
"Wala man lamang bang nakakita sa nangyari? Para mapanagot ang mga nakabangga?"
Napangiwi si Ruby. "Malakas po ang ulan sa gabing iyon. Pauwi na po siya nang tumawid po siya sa may Mabini Street sa harapan po nang pagawaan nang sasakyan ay doon siya nahagip nang sasakyan. Wala pong nakakita dahil lumalalim na ang gabi at gayong umuulan walang taong dumaraan maging ang mga cctv doon ay di na rin gumagana"
Bigla niyang natabig ang kape at natapon iyon nang kaunti. "O--okay lang kayo Sir?"
Napalunok siya bago ito tignan pagkatapos ay pinunasan ang kanyang lamesa na natapunan nang kape. "Kung ga--ganun walang witness?"
"Wala po Sir. Pero hindi po ako susuko kapag nakaipon na po ako nang sapat na pera papaimbestigahan ko pong muli ang nangyari sa Itay ko, bibigyan ko po nang hustisiya ang pagkamatay niya at pagbabayarin ko po ang may gawa nun sakanya."
"Kelan nangyari iyan sa Itay mo?"
"6 months ago po"
Nakita niya kung paanong napakuyom ang kamao nang dalaga at ramdam niya kung gaano kalalim ang sakit nang pagkawala nang ama nito ganuon din ang lakas nang paninindigan nito na mapanagot ang may sala.
"Sige po Sir aalis na po ako"
Nang makaalis ito sa kanyang opisina ay doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Pinaluwagan niya ang kanyang kurbata at napasandal sa kanyang inuupuan. May pagkakahawig ang kwento ni Ruby patungkol sa ama nito sa nangyari sakanila anim na buwan na ang nakakaraan. Kinuha nito ang cellphone sa lamesa at may tinawagan.
"Hello..pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan nang matandang lalaki na nabangga sa may Mabini Street six months ago? Yes!..iyon nga..thank you"
Pinaglaruan niya ang maliit na bola sa kayang palad. Ito ang ginagawa niya sa tuwing nakakaramdam siya nang stress. Narinig niya ang pagtunog nang kanyang cellphone at rumihistro ang isang text message.
Nanlumo siya at naihagis iya sa pintuan ang bolang hawak dahil sa narecieve niyang text.
'Armando Alcantara'
Alam na alam niya ang apelyido nito at hindi siya pwedeng magkamali. Ang tatay ni Ruby at ang nabangga nila six months ago ay iisa! Nakaramdam siya nang guilt sa kanyang sarili. Paano niya kakayaning makita ang paghihirap nang babaeng humihingi at pinaglalaban ang hustisiya sa sarili nitong ama? Samantalang siya? Walang ginawa kundi takpan ang pagkakasalang iyon!
Wala siyang nagawa maghapon sa mga paper works na nakahelera sa kanyang lamesa dahil iisa lamang ang laman nang kanyang utak ngayon. Nilalamon siya nang hiya at pagsisisi.
Nang makita niyang palabas na si Ruby nang hapon dahil tapos na ang duty nito ay sinamantala niya iyon para makasabayan ito.
"Uuwi ka na ba?" Tanong niya dito nang maabutan niya sa labas nang kanyang Restaurant.
"Ha? Ahh..opo Sir"
"Sumabay ka na sakin. Ihahatid na kita doon din naman ako dadaan kasi may pupuntahan akong meeting malapit sa inyo"
"Naku!! Hindi na Sir okay lang po nakakahiya naman sa inyo"
Tumanggi ito sakanya pero hindi naman niya ito mapapayagang umuwi ito nang mag-isa ngayon lalo pa at parang nauulan na baka mahirapa na itong sumakay ngayon.
"I insist..come on" pinagbuksan niya ito nang pintuan nang kanyang sasakyan at napapayag din niya si Ruby. Mahiyain si Ruby at kung hindi mo ito kakausapin ay hindi ito magsasalita nang kusa. Panay ang tingin niya sa dalaga mula sa maliit na salamin sa harapan. Napaka simple nang ganda nito. Iyong tipong natural na ganda dahil wala man lang itong kaarte arte sa mukha.
She's beautiful inside and out. At sa totoo lang ay hindi niya maiwasang mapatitig dito napakaamo kasi nang mukha nito.
"Mabuti at hindi ka nahihirapan sa pagiging working student mo?"
Umpisa niyang kausapin ito habang nasa biyahe sila "ahh--sa umpisa po medyo mahirap pero kung may alam kang umaasa sayo yung hirap parang di mo na mararamdaman. Kailangang kayanin dahil may umaasa pa sakin hindi ako dapat sumuko kaya kinakaya ko po lahat para sakanila"
Mabuti nga at nagagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral at the same time ay nagtatrabaho din. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili pero bakit parang gusto niyang mapalapit pa dito at mas makilala pa si Ruby..
Hininto niya ang kanyang sasakyan nang makarating sila kina Ruby. Dito din niya noon hinatid ang dalaga nang maulanan ito.
"Maraming salamat po. Siya nga pala yung damit nang kapatid mo isusuli ko nalang po next time"
"Huwag na. Sayo na iyon"
Ngumiti ito sakanya at doon siya napatigil. Lahat na lang yata nang galaw nito, pananalita, mga tingin nito at ang mga ngiti nito..
Bakit parang kilalang kilala niya ang mga iyon? Bakit biglang nag pop up sa kanyang utak si Ruru? Pinanood niya habang papalayo ang dalaga at napabuga siya nang hangin dahil sa kanyang naisip.
That's Impossible!
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...