CHAPTER 8

2.2K 87 3
                                    

MADILIM ANG KALANGITAN AT ANG ULAN AY NAGBABADYA NANG BUMUHOS. NAMROBLEMA TULOY SIYA DAHIL WALA SIYANG DALANG PAYONG.

Nagsimulang pumatak ang ulan at wala siyang magawa kundi yakapin ang kanyang hawak hawak na mga libro at kwaderno. Nagsimula siyang lumakad at suungin ang papalakas na ulan. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya nang mga tao dahil hindi lang naman siya ang nababasa sa ulan.

Sasaglit pa sana ito sa hospital para dalawin ang kanyang ina ngunit sa naging ayos niya ngayon ay hindi na lang siya tutuloy.

Patawid na siya nang kalsada nang may mabilis na sasakyan na huminto sa kanyang harapan. Napaatras siya dahil sa pagkabigla na baka masagasaan siya.

Bumaba ang bintana nang sasakyan at nabungaran muli ang isang taong iniiwasan niya. "Ruby sumakay ka na.."

Pero hindi siya gumalaw, napayakap siya nang mahigpit sa kanyang hawak na libro nang marinig niya ang malalakas na busina nang mga sasakyan.

"Sakay na"

Dahil sa hiya sa mga tao at mga sasakyang naabala nila sumakay siya sa sasakyan ni Isaac. Wala siyang naging imik hanggang sa basagin iyon nang lalaki.

"Basang basa ka--heto may towel ako dito magpunas ka muna" iniabot sakanya nang lalaki ang towel na marahan naman niyang kinuha at pinamunas sa basa niyang buhok.

"Bakit nabasa ka? Wala ka bang dalang payong?"

"Ahh--na--nakalimutan ko kasi"

Napadungaw siya sa labas nang bintana nang sasakyan nang tumigil sila sa harapan nang isang malaking building.

"Halika..daan muna tayo sa condo ko"

Ayaw sana niyang bumaba pero pinagbuksan siya ni Isaac. "Hi--hindi na. Dito na lang ako antayin nalang kita"

"Halika na--kailangan mong magpalit baka magkasakit ka niyan"

Nakaramdam siya nang takot ngunit naisip niya ang nangyari sa Club. Hindi naman ito siguro kasing sama nang kanyang iniisip. Kahit alanganin siya bumaba parin siya at sumunod sa lalaki. Sila lang dalawa sa loob nang condo nito.

"Heto tuwalya ikukuhanan lang kita nang damit mo. Madaming damit dito ang kapatid ko..dito kasi yun naglalagi kapag umuuwi galing ibang bansa"

"Hi--hindi na okay lang naman ako--"

"Palitan mo nalang iyang damit mo nang dika ginawin at para di malamigan yag likod mo baka magkasakit ka pa--antayin kita sa labas"

Pinagmasdan niya ang likod nito habang papalabas nang condo. Nakahinga siya nang matiwasay nang sumarado ang pintuan. Nagmadali siyang nagpalit at agad lumabas. Naabutan niyang nakasandal si Isaac sa gilid nang pinto.

"Saktong sakto pala sayo ang damit nang kapatid ko. Tara na--ihahatid na kita sa inyo"

"Hu--huwag na..ahm--pahiramin mo nalang ako nang payong mo kung meron ka diyan hindi mo na ako kailangang ihatid pa kaya ko namang umuwi mag-isa--salamat nalang--teka sandali!"

Hinila ni Isaac ang kanyang kamay at tila wala itong naririnig sa mga sinasabi niya. Napapatingin na lamang siya sa kamay niyang hawak hawak nang lalaki habang silay naglalakad.

Gusto niyang hilain iyon dahil hindi siya komportable na nagkakadikit ang kanilang balat ngunit sa tuwong tatangkain niyang hilain iyon ay parag may pumipigil sakanya.

Ag makapwesto sila sa loob nang sasakyan nito ay tinanong siya ni Isaac "saan ka ba nakatira"

"Ha? Ahhh..diyan lang sa may Urbiztondo ibaba mo nalang ako doon"

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon