CHAPTER 2

2.5K 98 4
                                    

MALAKAS ANG ULAN AT HANGIN SA GABING IYON AT GISING PARIN SILA NANG KANYANG KAPATID DAHIL INAANTAY NILA ANG PAGDATING NANG KANILANG AMA.

Malalim na ang gabi ngunit wala parin ito na siyang ipinag-aalala niya lalo pa at may banta nang bagyo na ngayo'y rumaragasa na ang ulan at malakas ang hampas nang hangin sa labas. Tanging lampara lamang ang kanilang nagsisilbing ilaw sa kanilang tahanan.

"Ate bakit wala pa si itay?"

Napatingin siya dito at pagkatapos ay tinignan ang kuwaderno nito sa mesa "hindi ko alam--baka natagalan lang dahil sa lakas nang ulan oh siya ligpitin mo na iyang gamit mo at matulog ka na"

Napabaling ang kanilang atensiyon nang may sunod sunod na katok sa kanilang pintuan hanggang sa marinig niya ang pangalan niya na isinisigaw sa labas.

"Ruby! Ruby!"

Mabilis niya iyong pinagbuksan at bumungad sakanya ang kanyang matalik na kaibigan na si Rocky. Basang basa ito nang ulan at halatang natataranta.

"Rocky bakit napasugod ka dito nang ganitong oras? Tsaka bakit basang basa ka?"

"Ruby may kailangan kang malaman--ang itay niyo naaksidente!"

"Ano?!"

Ipinagbilin muna nila sa ina ni Rocky ang kanyang kapatid at ina bago sila umalis. Hindi na nila alintana ang buhos nang ulan at ginaw dahil sobra ang pangamba niya sa kanyang ama. Madaming tao ang nakapalibot sa gilid nang daan kaya naman sinuong niya ito at wala na siyang naging pakialam kung may nabangga ba siya o naitulak na tao basta gusto niya ay malapitan ang kanyang ama.

Biglang nanlumo ang kanyang sarili nang makita ang kanyang ama na nakahandusay sa gilid nang kalsada at duguan. Nanghina ang kanyang mga tuhod kaya napaluhod siya at dahan dahang hinawakan ang leeg at ulo nang kanyang ama.

"Itay!!!!!!!!" Sumigaw siya habang humahagulhol sa pag-iyak dahil sa sinapit nang kanyang ama. Itinakbo nila ito sa pinakamalapit na hospital ngunit hindi na umabot ang buhay nito at dead on arrival na.

"Ruby..heto uminum ka muna nang kape nang mainitan iyang sikmura mo" inabot niya ang kapeng binigay ni Rocky sakanya at sumimsim doon. Kakaalis lamang nang mga pulis na nagimbestiga sa pagkaka hit and run nang kanyang ama.

Wala daw kasiguraduhan sa kaso nito lalo pa at hindi gumagana ang nakalagay na cCtv malapit sa pinangyarihan nang aksidente at ang pinaka sa lahat ay walang tumistigo..

"Ganun na lamang ba iyon Rocky? Porke't walang ebidensiya o walang testigo babalewalain na ang pagkamatay nang itay ko?" Malungkot niyang tanong sa kanyang kaibigan.

"Nakakalungkot mang aminin pero ganyan naman ang ating sistema..huwag ka sanang magagalit sa sasabihin ko pero--may nakapagsabi sakin na nabayaran daw ang mga pulis alam mo na..hindi malayong may kaya at maraming pera ang nakadali sa itay mo"

Tumapon ang kapeng nasa kanyang baso nang mapiga niya iyon dahil sa galit hindi na niya alintana ang init niyon na dumadaloy sa kanyang kamay.

"Wala na ba tayong karapatan na mabuhay dito sa mundo? Porke ba mahirap lang tayo ay pinagkakaitan na nila tayo nang hustisiya? Bakit ba kapag mahirap ang tao binabalewala na nila? Sa pera lang ba ang nagiging batayan sa lahat nang bagay?!"

Humagulhol siya nang iyak at hindi parin makapaniwala sa sinapit nang kanyang ama. "Sinusumpa ko Rocky! Hahanapin ko kung sinuman ang may gawa nito sa aking itay at pagbabayarin ko siya nang mahal!"

***********

ILANG LINGGO NA ANG NAGDAAN MAGMULA NANG MAILIBING ANG KANYANG AMA AT HINDI NA RIN NIYA NAPIGILAN ANG KANYANG INA NANG MAGTRABAHO ITO SA ISANG HOTEL BILANG ISANG TAGAPAGLINIS DOON.

Noong una ay ayaw talaga niya itong payagan ngunit dahil sa nakikita niyang lubos itong nalukungkot sa pagkawala nang kanilang itay ay hinayaan na lamang niya ito mas kailangan siguro nito nang pagbabalingan nang atensiyon para kahit papaano ay unti unti nitong matanggap ang pagkawala nang kanyang itay.

Ngunit hindi nagtagal ay nangyari ang hindi niya inaasahan.. nagiging malupit ang mundo sa kanya--sa kanyang kapatid nang akaidenteng mahulog ang kanilang ina mula sa third floor nang hotel na pinagtatrabahuan nito at dahil sa lakas nang pagkakabagok nang ulo nito ay tuluyan itong nacomatose.

Sabi nila mapalad parin daw ito dahil may chance pa itong mabuhay kahit na comatose ito ngunit ayon sa mga doctor posible iyon pero hindi nila masasabi kung kailan ito magigising. Kaya kinakailangan nitong manatili sa hospital para maalagaan itong mabuti iyong nga lang ay nangangailangan sila nang napakalaking halaga nang pera pambayad sa hospital.

Doon nagbago ang pananaw niya sa buhay. Maging ang prinsipyo na pinanghahawakan niya ay nabitawan na rin niya. Kailangan niyang sumugal sa oras na ito at ang prinsipyo niya ay hindi niya pwedeng paganahin ngayon kung hindi ay malalagasan na naman ang pamilya nila.

Hindi pa niya nabibigyan nang hustisiya ang pagkamatay nang kanyang ama at ngayon ay hindi rin niya pwedeng bitawan ang chance na mabubuhay pa ang kanyang ina. Kailangan niyang gumawa nang paraan para mabuhay ito.

Gamit ang telepono nang hospital ay may tinawagan siya na isang kaibigan.

"Hello..tinatanggap ko na ang alok mong trabaho"

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon