CHAPTER 10

2.1K 89 3
                                    

ILANG GABI NA ANG LUMIPAS NA HINDI NIYA NAKITA SI MR. MONTEVERDE. IBA'T IBANG LALAKI AT MAY EDAD NA ANG KANYANG SINASAYAWAN SA EXCLUSIVE SHOW.

Hindi tuloy siya naging komportable sa mga ito. Magmula nang may mainit na namagitan sakanila ni Isaac ay hindi na ito nagpakita pa sakanya. Hindi na ito nagpupunta sa Club at hindi na siya nito bino-book.

"Sige ganyan igiling mo pa--uhmmmm! Nakakatigas ka talaga Ruru!" Parang gigil ang matanda habang pinapanood siya sa Private Room. Ito kasi ang kliyente niya ngayong gabi. Hindi talaga siya komportable sa pagsayaw niya sa harapan nang matanda bukod kasi sa parang hinuhubaran siya nito ay panay pa ang malalaswang nagmumula sa bibig nito.

"Ohhh! Ruru!!--uhmmm!!"

Napatigil siya nang makita itong may nilabas mula sa  bukas nitong zipper at doon nagtaas baba ang kamay nito. Hindi siya ignorante sa ganoong ginagawa nang matanda. Alam niyang hindi na tama ang ginagawa nito. Harapan na siyang binabastos.

May pinindot siya mula sa kanyang tenga at biglang bumukas ang pintuan nang Private Room. Nabigla ang matanda at napatayo habang hawak pa ang pagitan nang hita nito.

"Anong!!!---"

"Hindi po tama ang ginagawa niyo! Tayo na po"

Nagpumiglas pa ang matanda pero sapilitan itong nilabas nang mga bouncer. Nanginginig pa siya nang puntahan siya doon ni Rocky.

"Ruby okay ka lang?"

Nanlalamig ang kanyang mga kamay nang hawakan niya ang braso ni Rocky para kumapit doon patayo. Hindi kasi niya aakalain na makakaharap siya nang ganoong klase nang kliyente.

"A--ayos lang ako Rocky"

"Ruby! Nabalitaan ko ang nangyari..im sorry--hayaan mo at hindi na ito mauulit pa. Pina-ban ko ang kliyenteng iyon kahit kailan hindi na siya pwedeng pumasok pa dito sa Club"

Nakatayo parin siya sa Stage at nasa tabi niya si Rocky. "Amber may sasabihin sana ako.."

"Ano iyon Ruby?"

Alanganin siyang tumingin sa direksiyon ni Amber baka kasi hindi nito pagbigyan ang kanyang gusto.

"Pwede bang--hindi na ako tumanggap nang Exclusive Show?"

Napatingin sakanya si Rocky siguro ay hindi nito aakalain na sasabihi niya iyon. Naging seryosos ang mukha ni Amber at hindi ito nakapagsalita agad.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Ruby? Ayaw mo na sa Exclusive Show? Malaking pera ang mawawala sayo.."

Napayuko siya at hindi mapigilang paglaruan ang kanyang mga daliri. "Alam ko iyon Amber..pero--okay naman na sakin ang sinusweldo ko sa Final Show nang Club sapat na iyon para samin nina Inay at Ivan. Ayoko lang kasi na ganito--"

"Naiintindihan ko Ruby..kung iyan ang desisyon mo. Umuwi ka na para makapagpahinga may pasok ka pa bukas"

Habang naghihintay nang masasakyan sa labas nang Club ay nag-usap naman sila ni Rocky. "Ang tindi naman nang kliyente mong iyon! Akalain mo ang tanda na pero hayok parin! Bastos! Hay naku tama lang na hindi ka na tumanggap nang Exclusive Dance baka mamaya mas grabe pa diyan ang mangyari sayo."

Tahimik lang siya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Rocky sakanya. Tama lang ang naging desisyon niya..

"Kaso Ruby paano na ang pag-iipon mo?"

Doon siya napasulyap sa kaibigan at mapait na napangiti. "Siguro--maghahanap na lang muna ako nang ibang trabaho. Kahit part time lang.."

"Sige hayaan mo..tutulungan kita Ruby"

**********

"Ruby! Sasama ka ba mamaya sa bahay nina Giorgette? Overnight kami doon wala namang pasok bukas.."

Napakamot ito sa kanyang pisngi tapos ag alanganing napangiti. "Hindi ako makakasama Jacky pasensiya na"

"Ay! Bakit hindi? Wala na naman akong matinong kausap doon" napabusangot ang mukha nito sabay tulos nang labi sakanya.

"Wala naman taong pasok bukas kasi Saturday naman tapos the day after Sunday pagkatapos Lunes at Martes wala tayong pasok ulit kase nga magkakaroon nang event dito sa school kaya sumama kana"

Pagpupumilit sakanya ni Jacky at kumapit pa ito sa kanyang braso. "Pasensiya na talaga Jacky..alam mo namang walang mag-aalaga sa kapatid ko tsaka pupuntahan ko pa si Inay sa hospital.."

Bumitaw ito sakanya "oo nga pala..oh sige na nga--hindi na kita kukulitin..pero next time sumama ka na din ha?"

Ngumiti ito kay Jacky "sige..sa susunod sasama ako"

Half day lang ang pasok niya ngayong araw dahil wala ang ibang prof niya sa hapon kaya naman sumaglit siya sa computer shop para magprint nang resume. Aabalahin niya ang kanyang sarili sa paghahanap nang mapapasukang trabaho sa pinakamalapit na Restaurants at cafeteria sa kanilang eskwelahan mas mabuti na iyon para hindi hassle sa oras.

Huli niyang pinuntahan ang Sizzling Restaurant kung saan may pinakamalaki at pinakamagandang Restaurant na malapit sa kanilang school. Nagbakasakali lang siya dahil baka hindi sila tumatanggap doon nang part time.

"Magandang araw po Sir..mag-aaplay po sana ako kung sakaling may bakante po kayo--"

"Nasaan ang resume mo?" Tanong nang lalaking humarap sakanya. Agad niyang binigay dito ang dala niyang resume.

"Diyan ka lang pala sa tapat nag-aaral. Pero okay lang ba sayo kung minsan ay may overtime ka dito sa Restaurant?"

"Ahh--sir..kasi kung pwede po sana magpapart time job lang po sana ako--"

"Part time? Naku! Mahirap yan-- sa totoo lang naghahanap talaga kami nang crew ngayon dahil kailangan namin nang maraming empleyado dahil lumalakas ang aming Restaurant pero hindi kasi part time ang hinahanap namin kundi yung kayang mag full time at mag-overtime..pero tignan ko kung papayag yung may-ari--sandali lang"

Ilang sandali lang ay lumabas din ito sa pinasukang office pero hindi na dala ang kanyang resume.

"Ms. Alcantara gusto ka daw makausap nang may-ari"

Sinamahan siya nito hanggang sa pintuan lamang at mag-isa na siyang pumasok sa loob nang opisina nang may-ari. Nanginginig ang kanyang kamay nang humarap siya sa mesa nito ngunit nakatalikod ang upuan nito kaya hindi niya kita ang mukha nito.

"Ma--magandang araw po Sir..ako po si--"

Biglang nanlamig ang kanyang katawan nang masilayan ang mukha nang may-ari nang Restaurant. Napalunok siya nang ngumiti ito sakanya.

Ang ngiting iyon! Ang labi nito..

"I--ikaw? Ikaw ang may-ari?"

"Kumusta na Ms. Ruby Alcantara? Nice seeing you again"

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon