NAPAPAKAGAT LABI NA LANG SIYA HABANG TINITIGNAN SI ISAAC HABANG KAUSAP NITO SI FELIZA.
Hindi niya maintindihan kung bakit ba palagi nalang itong dumidikit sa binata at tuloy ay hindi niya nagugustuhan ang makita ito sa araw araw. Nagseselos kasi siya dahil masyadong showy si Feliza kay Isaac.
Hindi maitatanggi na may gusto si Feliza kay Isaac bagay na hindi man lang nilinaw nang binata sakanya kung ano ba talaga ang relasyon nito sa babae. Bigla niyang natapon ang juice na hawak nang makita niyang pasimpleng humalik si Feliza sa labi ni Isaac.
"So--sorry po papalitan ko nalang"
"Huwag na ako nalang..mag break ka muna Ruby" wika sakanya ni Detdet at inalis niya ang kanyang apron. Nang sulyapan niya ang dalawa ay patuloy parin ang pag-uusap nang mga ito ngunit siya? Gusto na niyang umiyak sa sakit. Nasaktan siya sa kanyang nakita.
Tumakbo siya sa likod nang Restaurant kung saan doon sila kumakain na mga empleyado at naupo sa sa isang sulok. Doon siya yumuko at hinayaang mailabas ang sakit na kanyang nararamdaman.
Ganito pala kapag nagmahal ka. Kahit walang label ang relasyon niyo, kahit na hindi pa naman kayo pero kapag nakikita mo siyang may kasamang iba at nilalambing na iba ay nasasaktan ka parin. Ganoon siya. Mahal kasi niya si Isaac.
Napatigil siya sa paghikbi nang marinig niya ang pagbukas nang pintuan doon. Walang nagsalita ngunit dinig niya ang mga yabag na papalapit sakanya. Pinahid niya ang kanyang luha na hindi pinahalata sa taong tumigil sa kanyang harapan.
"Lalabas na ako Detdet--"
Ngunit napatigil siya nang tingalain niya ito dahil hindi si Detdet ang naroon kundi si Isaac. Maang siyang napakurap kurap at biglang nag-iwas nang tingin. Pagkatapos ay tumayo at humarap dito.
"Lalabas na po ako Sir--"
Hindi siya nakagalaw dahil bigla bigla nalang siyang niyakap ni Isaac. At hindi lang basta yakap, kundi mahigpit na yakap. "Mamaya ka na lumabas, mag-usap muna tayo"
Natakot siya dahil baka sasabihin nitong titigil na ito sa panliligaw sakanya dahil si Feliza na ang mahal nito. Gusto na naman niyang maiyak dahil sa pag-iisip na iyon.
"Im sorry if i hugged you again, I just can't help myself--i really want to hug you this time"
Nang wala itong mahintay na anumang salita mula sakanya ay hinawakan ni Isaac ang kanyang magkanilang balikat at sinalubong ang kanyang mga mata.
"Why are you crying?"
Umiwas siya nang tingin at napakagat labi nalang dahil ayaw niyang sabihin dito ang totoong dahilan. "Wa--wala Sir.."
"Di ba sinabi ko sayo kapag tayong dalawa lang Isaac ang itawag mo sakin? Ano bang problema? May masakit ba sayo?"
Tumulo ang luha niya dahil sa pinapakita nang binata. Samantalang kanina sa labas napaka sweet nito kay Feliza. "Wa--wala talaga.." hindi niya napigilan pa at napaiyak na.
"Bakit ba pinagtyatiyagaan mo ako samantalang may iba namang nagpapakita sayo nang interes.." nagsalubong ang kilay ni Isaac dahil sa kanyang tinuran.
"Na--nakita mo ba?"
Ngumiti siya nang mapait "Okay lang--bagay naman kayo" hahakbang na sana siya nang pigilan siya nito sa braso.
"Nagseselo ka ba kay Feliza?"
"Ako? Bakit naman? Hindi mo naman ako girlfriend para magselos tsaka bagay naman talaga kayo ni Feliza at halatang mahal ka niya"
"I know--pero ikaw ang mahal ko"
May luha pa sakanyang mga mata nang sulyapan niya ang binata. "Feliza is my Ex. She's my past at mananatiling ganoon lang iyon. Walang namamagitan samin ngayon, mag-iisang taon na kaming wala"
"Pero mahal ka parin niya" singit niya sa pagpapaliwanag nito. Bagsak ang mga balikat ni Isaac nang bitawan nito ang kanyang braso.
"Yes. Mahal pa rin niya ako pero malinaw ang lahat sakin. Hindi ko siya mahal dahil ikaw ang mahal ko! Alam niya iyon!"
"Alam niya pero dumidikit parin siya sayo! Palagi siyang nandiyan sa tabi mo, napaka sweet sayo! Tapos hinahalikan ka pa--"
"So youre Jealous?"
"Oo!!! Nagseselos! Nagseselos ako dahil Mahal kita!"
Nakita niya kung paano sumilay ang malawak na ngiti ni Isaac sa labi. Ni hindi nga niya alam kung maiinis o matutuwa siya dahil bigla bigla nalang itong tumawa.
"Mahal mo rin ako? Ibig bang sabihin niyan..sinasagot mo na ako?"
Napamaang siya dahil doon lamang pumasok sa kayang isip ang katagang kanyang binitawan. Pero paano pa nga ba niya mababawi iyon sa binata?
"Sinasagot mo na ba ako?"
Siguro nga ngayon niya napatunayan na malalim na ang pagmamahal niya dito. Ayaw na din naman niyang mawala sakanya si Isaac.
Dahan-dahan siyang napatango "Is that a Yes?"
"Yes"
"Whoooooho!!!! Yes! Yes sinagot na niya ako!" Tinakpan niya ang bibig ni Isaac dahil baka may makarinig sakanila sa labas.
"I love you Ruby! I love you!!!"
"I love you too Isaac"
At siyempre wala nang patumpik tumpik pa nang halikan ni Isaac ang kanyang mga labi ay tinugon na din niya iyon.
Nang mag-uwian na nang hapon ay magsasabay na naman sila nang binata ngunit habang patungo sila sa sasakyan nito na magkahawak kamay ay humarang si Feliza sakanila.
"Oh! Magkahawak kayo ah? Boss at Empleyado? Ganyan na ba ngayon?" Hihilain sana niya ang kanyang kamay ngunit hinigpitang hawakan iyon ni Isaac.
"Feliza please.."
"Okay! I got it! So sakanya mo lang ako ipapalit? After how many years natin ganun ganun lang?" Kitang kita niya ang galit ni Feliza habang nakatitig sakanya.
"Feliza matagal na tayong wala! Alam mo yan! Our relationship is over..so please--"
"Please what? Na tanggapin ko nalang na sa babaeng empleyado mo lang ako ipagpapalit?! Bakit Isaac? Hindi ba ako sapat? Hindi ako magaling sa kama? Sabihin mo! Anong pagkukulang ko?"
Binitawan ni Isaac ang kanyang kamay at pinigilan si Feliza sa paglapit sakanila. "Feliza tanggapin mo nalang--"
"No!!!! Hinding hindi ko matatanggap kung yang babaeng iyan lamang ang ipapalit mo sakin! Pagsisisihan mo ang desisyon mong iyan Isaac..sinusumpa ko!"
Matalim ang mga matang pinukol sakanya ni Feliza bago ito umalis..
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...