MAGKAHAWAK KAMAY SILA NI RUBY NANG PAPASOK SILA SA ISANG COFFEE SHOP KUNG SAAN SIYA INAANTAY NANG KANYANG MGA KAIBIGAN.
Kauna-unahang pagkakataon na ipapakilala niya si Ruby sa mga ito and he was so excited. Pinagmamalaki kasi niya ang kanyang girlfriend. She's beautiful inside and out at may paninindigan.
It's been a week since Ruby say yes to him. Iyon ang pinakamasayang tagpo sa kanyang buhay dahil sa wakas ay girlfriend na niya si Ruby.
"Sorry were late"
Napaawang ang mga bibig nang kanyang tatlong kaibigan nang makita nila si Ruby. "So beautiful" Wika ni Creek habang pinapasadahan si Ruby sa kanyang tabi.
"She's mine Creek. Dukutin ko mata mo!" Biglang napapikit si Creek na ikinatawa nina Matthew at Casper. Ipinaghila niya nang upuan si Ruby.
"Is she your talking about? Uhmmm..baka naman balak mong ipakilala samin ang magandang binibini?" Matalinghagang wika ni Creek.
"She's Ruby..Ruby Alcantara, my girlfriend"
Humiyaw sina Casper at Matthew maliban kay Creek. "Alcantara?" Ulit nito sa apelyido ni Ruby doon lamang niya napagtanto na baka nga pamilyar kay Creek ang apelyido nito.
"Yes..why?" Panlalaban niya sa mga tingin ni Creek. Nagsukatan sila nang tingin hanggang sa mapangiti nang malapad si Creek.
"Wala naman--anyway! Baka naman magwala si Feliza niyan kapag nalaman na may bago kanang girlfriend--ah! Sorry"
Napatigil ito nang pinandilatan nina Casper at Matthew. Napangiti naman nang tipid si Ruby sa kanyang tabi kaya mahigpit niya hinawakan ang kamay nito.
"Alam na niya--and I don't care..siya nga pala Ruby sila ang mga kaibigan ko this is Creek, Casper and Matthew"
"Nice meeting you Ruby" isa-isang nakipagkamay ang kanyang mga kaibigan. Napatingin sakanya si Ruby at napangiti pagkatapos ay napatingin sa relo nito.
"Ahh..Isaac kelangan ko nang umalis oras na kasi para tapusin ko yung thesis ko."
"Pasensiya na kayo mga pre pero kailangan na kasing umalis nang girlfriend ko madami pa kasi siyang aayusin sa school nila--tara ihahatid na kita"
Pinigilan siya nito "huwag na. Malapit lang naman yung school ko tsaka nakakahiya naman kung iiwan mo mga kaibigan mo"
"Sure ka?" Tumango ito sakanya pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi.
"Ang sweet!!" Namula tuloy si Ruby sa ginawa niya. Pero gusto kasi niyang ipakita sa lahat ng naroon na kanya lang ang dalaga.
Nang makaalis si Ruby ay doon siya inusyoso nang kanyang mga kaibigan. "Akala ko ba si Ruru ang nagpapagulo sa sistema mo? Si Ruru ang babaeng di mawala wala sa isipan mo! Tapos ngayon may iba ka na?"
Napangisi siya sa mga ito "iba si Ruby kay Ruru. Iba din ang naramdaman ko kay Ruru at kay Ruby. Si Ruru, ginulo lang niya ang isipan at sistema ko pero sa panandaliang panahon lamang pero si Ruby? Ginulo niya ang puso ko, ang lahat sakin. I love her.."
Ngayon ay alam na niyang init nang katawan lamang at tawag nang laman ang naramdaman niya kay Ruru kaibahan sa naramdaman niya kay Ruby na maituturing niyang purong pagmamahal. Tunay na sinisigaw nang kanyang puso't damdamin.
***********
Umuulan nang hapong iyon nang palabas na si Ruby sa kanilang building. Naiwan na naman kasi niya ang kanyang payong kaya no choice ito kundi suungin na lamang ang ulan."Ruby!"
Pagtingin niya sa di kalayuan sa kinatatayuan niya ay nakita niya si Isaac na kumakaway sakanya. Katuulad niya ay basang basa na rin ito. Tumakbo siya papunta kay Isaac at sumilong sila sa may Canteen.
"Pasensiya ka na nasiraan yung sasakyan ko kaya inabangan na kita dito kaso hindi ko naman akalain na uulan di ko nakuha yung payong"
Inilabas nito ang panyo sa kanyamg bulsa at pinunasan ang kanyang mukha. "Basang basa ka na" napangiti siya sa pagiging sweet ni Isaac sakanya na kahit madami silang kasama doon ay hindi ito nahihiyang magpakita nang sweetness!
"Nilalamig ka na ba?"
"Medyo..pero okay lang naman ako"
Inakbayan siya nito "tara na sumakay na lang tayo nang taxi sa condo muna tayo para makapagpalit ka" hindi na siya nakatanggi nang akayin siya ni Isaac at pumara ito nang taxi.
Sa condo unit ni Isaac ay naiwan siya sa kama at nakaupo doon habang nasa loob nang shower ang binata. Hindi niya maintindihan kung ano ang pumasok sa kanyang utak at sumama siya dito.
Napasulyap siya nang marinig ang paglabas nito sa Shower Room. Basang basa ang katawan nito at pinanood niya kung paano tumulo ang tubig mula sa buhok nito pababa sa katawan at napalunok siya nang mapadapo ang kanyang mata sa six packs abs nito.
Biglang nag-init ang kanyang mukha dahil ngayon lang niya nakita ang katawan nang binata. Pinanood niya ang likuran nito napakamskulado at halatang inaalagaan nito ang kanyang pangangatawan.
"Gusto mong mag-shower? May mga damit pa naman ang kapatid ko dito na pwede mong gamitin"
"Hi--hindi na ako magsa-shower magpapalit na lang ako"
Nang lumapit ito sakanya para iabot ang kanyang pamalit ay nasamyo nang kanyang ilong ang mabangong body wash na ginamit nito sa paliligo. Nakakaliyo iyon na parang nakakawala sa sarili. Napasinghap siya nang bigla siyang niyakap ni Isaac mula sa kanyang likuran at mainit na lumapat ang dibdib nito sa kanyang likuran.
"Ba--bakit hindi ka pa nagpalit?"
"Uhm..bakit? Ayaw mo bang nakikita ang katawan ko?"
"Isaac!" Saway niya dito nang bigla itong napatawa at hinalikan ang kanyang tenga. Ilang boltahe nang kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan dahil sa ginawa ni Isaac na paghalik sa kanyang tenga.
"Kidding..but can we stay like this for a while? Napagod ako sa maghapon and i miss you.." muli nitong hinalikan ang kanyang tenga at medyo kinagat iyon nang kaunti hanggang sa bumaba ang halik nito sa kanyang batok.
Napapakagat labi na lang siya dahil sa kakaibang sensasyon na dulot nito sakanya. Hindi ito ang unang beses na may mangyayari sakanila kung sakali pero hindi siya dapat magpadala dito. Ngunit paano niya pipigilan ang kanyang nararamdaman kung para nang sinisilaban ang kanyang katawan dahil sa paghaplos at paghalik ni Isaac sa kanyang balat..
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...