CHAPTER 24

2.1K 90 3
                                    

MALALAKAS ANG KATOK MULA SA LABAS NANG PINTUAN NANG KANILANG BAHAY NA SIYANG IKINA-BAHALA NIYA.

"Ate sino iyon?" Takot na lapit sakanya ni Ivan at niyakap naman niya ito. Mabuti nalang at naroon sa kanilang bahay si Rocky.

"Ako na ang magbubukas" wika nito at tinungo ang pintuan. Umuulan sa mga oras na iyon na hindi naman kalakasan.

Pagbukas ni Rocky sa pintuan nila ay hindi ito nagalaw sa kanyang kinatatayuan na siyang ipinagtaka niya. "Rocky sino yan?"

Lapit niya dito at nang makita kung sino ang naroon ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Sa itsura nito alam niyang nakainum ang binata.

"Rocky iwanan mo muna kami"

Bilin niya dito na agad namang tumalima at ipinasok si Ivan sa loob nang kwarto. Galit ang kanyang mga matang tumitig sa binata. Hindi niya ito pinapasok sa loob nang kanyang bahay at hinarap nalang sa pabas nang pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?"

Matapang niyang hasik kay Isaac at hindi nagpadala sa madilim na aura nang binata. "Bakit mo ako niloko? Bakit hindi mo sinabi na si Ruru at ikaw ay iisa?! Plinano mo bang lahat para mapalapit sakin?!"

"Mr. Monteverde nagkakamali ka! Hindi mo alam kung ano ang totoo. Sabihin na nating niloko kita dahil tinago ko ang katotohanan pero ang plinano? Wala akong alam sa sinasabi mo!"

Hinablot nito ang kanyang braso na ikinabigla niya pero hindi niya iyon ipinahalata. "Kung ang pagtatrabaho mo doon kaya kung ibigay kahit magkano kung sinabi mo lang para tumigil kana sa Club! Pero bakit hindi mo sinabi sakin?! Alam mo ba kung gaano kadumi sa Club! Akala ko--akala ko matino ka, akala ko inosente ka!"

Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa pisngi nito at ubod lakas niyang binawi ang kanyang braso dito. "Ang kapal nang mukha mong sabihin sakin iyan!!! Bakit? Porket ba sa club ako nagtatrabaho ganun na ako kadumi?! Isaac bago mo pa ako makilala doon na ako nagtatrabaho kaya huwag mo akong husgahan! Dahil kung malinis ka hindi ka rin magtutungo sa ganoong lugar! Hindi mo alam kung gaano kahirap sakin na magsayaw sa stage at ilantad ang katawan ko! Pero tinitiis ko dahil kailangan ako nang pamilya ko! Para mapagamot ko ang akong ina na hanggang ngayon nas hospital pa at comatose! Hindi magiging ganito ang buhay ko kung hindi rin lang dahil sayo!"

Umagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata at nagsimula niyang itulak ang dibdib ni Isaac. "Lahat nang paghihirap kung ito lahat dahil sayo! Kung hindi mo sana tinakbuhan ang itay ko sana--sana buhay pa siya ngayon!"

Gulat na gulat ang mukha ni Isaac habang nakatingin sakanya. Marahil ay hindi nito inaasahang alam na niya ang katotohanan. "A--alam"

"Oo! Alam ko na ang lahat! Ikaw ang may-ari nang sasakyan na nakabangga sa itay ko! Hindi kita mapapatawad Isaac! Hinding hindi! Hintayin mo at maniningil ako sa ginawa mo!"

Itinulak niya ito. Basang basa si Isaac sa ulan at wala kan lang itong naging imik nang saraduhan niya nang pintuan. Dumausdos siya at napaupo sa sahig habang umiiyak. Sobrang sakit nang kanyang dinadala ngayon napakahirap nang kanyang sitwasyon. Mahal niya si Isaac pero hindi niya pwedeng balewalain ang pagkamatay nang kanyang ama. Kailangan parin niya nang hustisiya!

************

WALA SA KANYANG SARILI SI ISAAC HABANG NASA BAR AT NILULUNOD ANG SARILI SA ALAK. IT'S BEEN A WEEK AT HINDI LANG BASTA SI RUBY ANG PINOPROBLEMA NIYA KUNDI MAGING ANG KASONG KINAKAHARAP NIYA.

"Ano nang gagawin mo ngayon Isaac? Bakit hindi mo kausapin si Ruby patungkol dito?" Suhestiyon nang kanyang kaibigang si Casper. Nilagok niya ang alak sa kanyang baso at muling nagsalin.

"I don't know kung paano ko siya haharapin ngayon. Alam mo Casper pinag-isipan ko ito nang ilang araw. Yes! Nakaramdam ako nang pagkamuhi sakanya dahil sa klase nang trabahong meron siya pero may dahilan siya kaya niya pinasok ang ganoong trabaho at kasalanan ko iyon"

Tinapik ni Casper ang kanyang balikat "pare hindi ikaw ang may kasalanan alam mo iyan! Bakit hindi mo nalang kasi kausapin si Ruby at sabihin ang totoo sakanya?"

"Oo nga naman Isaac bakit nga ba hindi mo sabihin sakanya?"

Napatigil si Casper sa pagsasalita nang dumating si Matthew at Creek. Sa mukha palang ni Creek ay alam na niyang hindi na naman magiging maganda ang pag-uusapan nila.

"Bakit hindi mo sinabi na siya pala ang anak nang nasagasahan natin? Balak mo ba akong ipahamak ha Isaac?"

Pumagitna si Casper sakanila "Creek pre relax!"

"Relax?! Akala ko ba tapos na ito? Dapat sinabi mo sakin na siya pala ang anak nang nasagasahan natin para sana alam ko din ang ginagawa ko! Alam mo bang nang dahil sakanaya nanganganin ako ngayon? Dapat sa babaeng iyan tinatapos na eh!"

Hinablot niya ang damit nito at kinuwelyuha si Creek. Hindi na kasi niya gusto ang tabas nang dila nito. Nagiging matalim na. "Huwag na huwag mo siyang gagalawin Creek! Dahil oras na may mangyaring masama sakanya hindi ko alam baka makalimutan kong kaibigan kita!"

"Huwag mo akong pinagbabantaan Isaac! Kilala mo ako! Kaya kung bumura nang tao sa mundo!"

"Huwag mo lng ipagmalaki sakin ang kaya mong gawin Creek! Una palang hindi na dapat tinotolerate ang ginagawa mo! Kung noong una inako ko pa ang kasalanan mo pero this time! Harapin mo ang problema mong mag-isa!"

Binitawan niya ito at nagsukatan sila nang tingin. Todo awat naman sakanila sina Casper at Matthew. Hindi talaga maganda ang ugali ni Creek pero pinapakisamahan lang nila ito dahil sa Mental Illness nito! Nakakatakot itong magalit, Nawawala ito sa sarili at higit sa lahat kaya nitong pumatay nang tao. At natatakot siya sa kalagayan ni Ruby ngayon.

"Ganyan ang gusto mo? Pasensiyahan tayo Isaac pero hindi ako ganoon katanga para magpakulong!"

Nasuntok niya ang pader malapit sakanya dahil sa sobrang galit at dahil sa sobrang pag-aalala para kay Ruby. Nanganganib ang buhay nito at kailangan niyang kumilos!

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon