NAPATITIG SI RUBY SA SINGKWETA PESOS SA KANYANG PALAD. ITO ANG MAGHAPONG KINITA NIYA MULA SA PAGLALABADA. SUGAT SUGAT NA ANG KANYANG KAMAY DAHIL SA KAKAKUSKOS SA MGA DAMIT NA KANYANG NILALABHAN.
"Oh..saan na naman ba aabot ang singkwenta pesos mo?" Wika nang kanyang kaibigang si Amber na nasa kanyang tabi habang ngumunguya nang bubble gum. Marahas siyang napabuga nang hangin at inabot sa tindera ang singkwenta pesos niyang pera.
"Ate pabili nga po nang isang kilong bigas tapos iyong sukli po ibigay niyo na pong tuyo"
Nang makuha ang kanyang binili ay lumabas na sila sa palengke. "Kontento ka na ba sa kinikita mong kakarampot Ruby? Aba! Baka naman magkasakit na kayo sa bato o kaya naman magkaroon na kayo nang highblood kakaulam niyo nang tuyo! Tignan mo..sa singkwenta pesos na kinita mo walang kang maiipon. Walang natira para sa allowance nang kapatid mo, walang kang naitabi para sa gamot nang inay mo..bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang trabaho na inaalok ko sayo?"
Napatigil siya sa paglalakad at sinulyapan ang kanyang kaibigan na panay ang hithit nito sa sigarilyong nakaipit sa pagitan nang mga daliri nito.
"Amber hindi naman sa minamaliit at pinandidirihan ko ang trabaho niyo o ang inaalok mo pero kasi---alam mo naman di ba? May prinsipyo ako--"
"Hay naku Ruby! Mapapakain ka ba nang prinsipiyo mong iyan?--ewan ko ba sayo kung bakit nagtitiis kang masugatan ang mga kamay mo kung pwede namang hindi..sabihin na nating oO--hindi marangal na trabaho ang inaalok ko pero ang gusto ko lang naman ay makatulong sa mga gastusin niyo..oh eto.."
Nakita niyang may dinukot si Amber sa kanyang maliit na bag at pagkatapos at nilagay sa kanyang palad. "Amber huwag na--wala akong pambabayad sayo"
Umikot ang mga mata nang kanyang kaibigan "hindi naman yan utang eh--"
"Mas lalong ayoko namang tanggapin kung ibibigay mo na naman iyan nang libre..ang dami mo nang naitutulong sakin lahat yun ayaw mong pabayaran--"
"Oh sige utang nalang iyan at huwag mo nang isipin kung paano mo mababayaran..bayaran mo nalang ako kapag nakahanap ka na nang permanenteng trabaho..okay?"
Nginitian niya ito "salamat Amber hayaan mo at makakabayad din ako sayo.."
"Uhmmm..oh siya--taxi!" Agad pumara ang kanyang kaibigan nang taxi at nabigla siya nang pagbuksan niya nito nang pintuan nang taxi.
"Sumakay ka na at ipapahatid na kita sa inyo..namumutla ka na, umuwi ka na nang makakain ka na din..ako nang bahala sa bayad nitong taxi" inabot ni Amber ang perang pamasahe niya sa driver.
"Manong itanong mo nalang sakanya kung saan mo siya ihahatid iyong sukli ho pakibigay nalang sakanya"
"Salamat ulit.." kumaway siya sa kanyang kaibigan habang papalayo ang sinasakyan niyang taxi. Nang makarating siya sa kanilang bahay ay naabutan niya ang kanyang kapatid na naghuhugas nang kanilang kinainan.
"Ate nandiyan kan! Hay salamat.."
"Bakit?" Nakita niyang na para itong nanghihina na napaupo paharap sa mesa.
"Nagugutom na kasi ako ate..gusto ko sanang magsaing kaso wala na pala tayong bigas" matamlay na wika nang kanyang kapatid.
"Akala ko ba may naiwan pang kanin diyan kaninang umaga?" Takang tanong niya dito.
"Eh ate binigay ko po kay inay kanina dahil hindi siya pwedeng uminum nang gamot na walang laman ang kanyang tiyan tsaka hinatian ko din si itay kasi ayokong walang laman ang tiyan niya sa pagtitinda"
Hinaplos niya ang buhok nang kanyang kapatid sa murang edad palang kasi nito ay nararanasan na niya ang buhay na ganito.
"Sige na maupo ka nalang muna diyan at magluluto na ako nang pagkain natin"
Nagsaing siya nang bigas at nagprito na rin nang tuyo na nabili niya sa palengke kanina. "Oh! Kumain ka na tayo! Hayaan mo muna si inay na natutulog kakain din iyan kapag nagising hayaan mo muna nang makapagpahinga siya"
"Wow ate! Ngayon lang tayo mag-uulam ulit nang kamatis ah!"
Bumili kasi siya kanina sa tindahan nang dalawang piraso nang kamatis para sawsawan nila sa binili niyang tuyo.
"Ate kelan kaya din tayo yayaman?"
Natigilan siya sa paglalagay nang kanin sa kanyang plato nang umangat ang kanyang mukha para tignan ang kanyang kapatid na hinay hinay na sumusubo nang kanin habang kinakagat kagat nang paunti unti ang kapiraso nang tuyo.
"Ikaw talaga..kung ano-ano natatanong mo..pero kung gusto mong maging mayaman kailangan mag-aral ka muna nang mabuti para kapag nakapagtapos ka na makakahanap kana nang trabaho at kapag nangyari iyon matutulungan mo sina inay at itay para guminhawa din ang kanilang buhay..at siyempre mauuna muna akong magtapos sayo" napatawa siya sa sariling tinuran.
"Kung ganun kailangan ko talagang mag-aral nang mabuti ate..eh last na katanungan na ate..kailan naman kaya tayo makakatikim nang bagong lutong fried chicken? Iyong chicken nang jollibee? Parati nalang kasing tira ang kinakain natin doon eh nakakasakit na sa tiyan minsan"
Pilit ang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi at ginulo ang buhok nang kanyang kapatid. "Ikaw talaga!!! Hayaan mo at kapag mas malaki ang kikitain ko sa paglalabada ko bibilhan kita nang fried chicken pero sa ngayon etong tuyo muna ang ulamin natin kasi ito lang abot kaya nang kinita ni ate ha?"
"Opo ate..pero sabi mo yan ate ha bibilhan mo ako kapag malaki ang kinita mo.."
Tumayo siya at iniwan panandalian ang kapatid sa mesa dahil hindi na niya kayang pigilan ang kanyang luha. Agad niya iyong pinahid at hindi pinakita sa kanyang kapatid ang pag-iyak niya.
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...