ILANG ARAW NA NAKARATAY SA HOSPITAL SI ISAAC AT WALANG MALAY. ARAW-ARAW AY PINUPUNTAHAN NIYA ITO AT PALAGI NIYANG DINARASAL NA SANA AY GUMISING NA ITO.
Hindi siya binigo nang Diyos at pinakinggan ang kanyang dasal dahil pagkalipas nang limang araw nagising si Isaac. At magmula nang magising ito ay hindi na siya nagpakita pa dito. Nag-iwan siya nang isang sulat para sa binata at doon ay sinabi niya ang lahat nang kanyang pagsisisi at humihingi siya nang tawad sa lahat na ginawa niyang mali. Wala na kasi siyang mukhang maihaharap pa dito mula sa pagsisinungaling niya patungkol sa kanyang katauhan, sa klase nang kanyang trabaho noon, ang pagpaparatang niya sa kasalanan na hindi naman nito ginawa at higit sa lahat sa pagliligtas nito sakanya.
Napahamak ang buhay ni Isaac dahil sakanya. At dahil doon ay hiyang hiya na siyang humarap pa dito at sa pamilya nang binata.
"Ate..nandiyan na naman sa labas" kalabit sakanya nang kanyang kapatid na si Ivan. Napatingin siya sa bintana mula sa kanyang kwarto na nakasarado pa.
"Anak..bakit hindi mo na lang kasi harapin at kausapin na siya? Hindi ka ba naaawa sakanya?"
Ilang araw na kasi itong pabalik-balik sa kanilang tahanan ngunit ni minsan ay hindi siya lumabas para makita ito at makausap. Napayuko na lamang siya nang tabihan siya nang kanyang ina sa papag na tinutulugan niya.
"Ilang beses mo siyang naparito. Ilang beses na din siyang nag-aantay sayo diyan sa labas pero ni minsan hindi mo nilabas ang tao."
Sinilip niya ang kanyang ina mula sa kanyang pagkakayuko. "Nahihiya ako Ina'y. Wala akong mukhang maihaharap sakanya ngayon. Mabuti na yung ganito, baka sakaling mapagod siya at hindi na muling bumalik pa dito"
"Iyon ba talaga ang gusto mo Anak? Lahat nang tao ay nakakagawa nang mga bagay na hindi dapat pero lahat nang iyan ay may dahilan. Ang mga bagay na nagawa mo noon ay may dahilan at alam kong naiintindihan ni Isaac iyon. Nakikita ko kung gaano ka kamahal ni Isaac, hindi iyan babalik dito kung wala lang ang nararamdaman niya para sayo."
Hinarap niya ang kanyang ina. "Kahit na naiintindihan niya ako pero paano naman po iyong nararamdaman ko Ina'y? Nahihiya ako. Sobrang hiyang hiya ako sakanya at sa pamilya niya. Hindi ako karapat dapat kay Isaac."
"Hindi ikaw ang magpapasiya kung karapat dapat ka ba sakanya o hindi. Hanggat mahal ka nang isa tao panghawakan mo iyon nang mabuti. Dahil sa kabila nang lahat sa buhay mo nandiyan parin siya tanggap ka kung ano ka at handang maghintay sayo. Hindi lahat nang lalaki ay kayang gawin iyan. Mangilan-ilan na lang ang mga kagaya ni Isaac sa panahon ngayon anak. Sana ay bigyan mo pa nang isang pagkakataon ang sarili mo para makapagsimula ka ulit. Kayo ni Isaac"
Pinag-isipan niyang mabuti ang mga sinabi nang kanyang ina hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Napahugot siya nang malalim na buntong hininga. Siguro ay wala na sa labas ang binata. Bigla siyang nagsisi dahil hindi man lang niya ito nilabas.
Nabigla siya nang pumasok ang kanyang kapatid."Ate! Halika! Tignan mo ito!" Hinatak siya nito at hinila sa sala patungo sa bintana.
"Ano bang--"
Natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makita si Isaac sa labas nang kanilang bahay hawak ang bulaklak na para sakanya at nagpapaulan! Malalakas ang kulog at kidlat pero hindi nito iyon inalintana.
"Diyos ko! Anak! Baka magkasakit si Isaac"
Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung babalik na siya sa kanyang kwarto at balewalain ang binata o lalabas para payungan ito.
"Ate--kawawa naman si kuya Isaac" pangongonsensiya sakanya nang kanyang kapatid. Muli ay sinulyapan niya si Isaac at naroon parin na nagpapaulan.
Umikot siya at tinungo ang pintuan "bwisit!" Wika niya bago tuluyang lumabas at sinuong ang ulan para makalapit sa kinatatayuan ni Isaac. Ngayon ay basang basa na din siya.
"Ano bang ginagawa mo?! Balak mo bang magpakamatay!" Sigaw niya dito.
"Ayos lang na mamatay ako basta ikaw ang dahilan" nagawa pa nitong magbiro sakanya. Tinulak niya ang dibdib nito.
"Ano bang gusto mog mangyari?! Umuwi kana Isaac!"
"Hindi ako uuwi. Hindi ako uuwi hanggat di kita nakikita at nakakausap"
"Puwes heto na ako. Nakita mo na ako. Kinakausap mo na din ako. Pwede ka na bang umuwi ngayon?"
Ngumiwi ang binata na siyang ikina-init nang kanyang ulo. "Ano pa bang gusto mo Isaac?"
"Mag-usap tayo. Ayusin natin lahat sa atin. I want you back Ruby."
"Hindi na Isaac. Ayoko na. Hindi na natin pwedeng ibalik pa ang dati. Kaya pakiusap lang umalis ka na--"
"Ayoko. Hindi ako aalis at uuwi hanggat di ka bumabalik sakin. Handa akong mag-stay dito sa ulan kahit hanggang bukas o hanggang sa susunod na araw pa. Wala akong pakialam kung magkasakit ako o mamatay ako dito basta dito lang ako. Dito lang ako sayo"
Hindi halata ang pag-iyak niya dahil nahahaluan nang tubig ulan ang kanyang luha. "Bakit ba ganyan ka? Hindi ako nababagay sayo Isaac. Hindi ako karapat dapat para sayo"
"Hindi mo dapat sinasabi sakin iyan. Dahil para sakin ikaw lang ang karapat dapat sakin. Walang sinuman ang pwedeng humusga sa nararamdaman ko para sayo. Dahil kahit ano ka pa o sino ka pa! Mahal kita Ruby. Mahal na Mahal Kita!"
Hinatak siya nito at siniil nang halik ang kanyang mga labi. Sa una ay gusto niya itong itulak ngunit hindi maitatanggi nang kanyang puso kung gaano niya kamahal si Isaac. Tinugon niya ang halik nito at saksi ang kanyang ina at kapatid maging ang ilang kapitbahay nila sa pag-amin niya sa kanyang nararamdaman para dito.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay lumuhod si Isaac sa kanyang harapan at nabigla siya nang may inilabas itong maliit na kahon at nang buksan nito iyon ay isang napakagandang singsing ang bumungad sakanya.
"Ruby Alcantara, Will You Marry Me?"
Kahit malakas ang ulan ay dinig na dinig parin niya ang hiyawan nang mga taong nanonood sa pagpropose ni Isaac sakanya. Napatakip siya sa kanyang bibig gamit ang kanyang palad. Hindi siya makapaniwalang inaaya siya nito nang kasal.
"Hindi ko kayang lumipas ang araw na ito na hindi maisuot ang singsing na ito sa iyong daliri. Please Ruby, say Yes dahil hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat kapag tinanggihan mo pa ako ngayon. Mababaliw na siguro ako"
Isang malawak na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Isaac--hindi ko rin kayang mawala ka pa sakin ngayon kaya..oO! Oo!!! Tinatanggap ko!"
Agad na isinuot ni Isaac ang singsing sa kanyang daliri at tumayo upang yakapin siya at gawaran nang halik sa kanyang labi kapagkuwan ay sumigaw at nagtatatalon sa gitna nang ulan.
"Yes! Ikakasal na kami ni Ruby! Ikakasal na kami!"
Hindi na rin siya makapaghintay na dumating na araw na iyon. Ang makasal sa taong iyong minamahal ay isang napakagandang tagpo nang kanyang buhay.
Masasabi niyang handa na siyang harapin ang mas makabuluhang buhay sa piling ni Isaac. Masaya siya dahil sa wakas ay nabigyang hustisiya na din ang pagkamatay nang kanyang ama. Higit sa lahat, sa paghahanap nang hustisiyang iyon ay doon pala niya mahahanap ang kanyang totoong pag-ibig.
Mahirap makahanap nang lalaking kagaya ni Isaac na tanggap ang kanyang buong pagkatao. Binago nito ang kanyang puso, ang lahat sakanya. At wala na siyang mas mahihiling pa.
Dahil kay Isaac at sa pamilya niya..
Masasabi niyang..Kuntento na siya.
-WAKAS-
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Storie d'amore-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...