INIABOT NITO SAKANYA ANG ISANG MAKAPAL NA SOBRE NA SIYANG MAGDUDUGTONG PA SA BUHAY NANG KANYANG INA.
"Maraming salamat Amber..kung wala--hindi ko alam kung saan kami pupulutin ngayon"
"Thirty thousand iyan gaya nang sinabi mo. Bayaran mo nalang kapag nagkasweldo ka na. Kung tutuusin--basta't masipag ka lang sa club at sa pagsasayaw yang thirty thousand kikitain mo lang nang ilang araw"
Ngumiti siya nang sapilitan kay Amber hindi naman talaga niya gustong gawin ito wala lang talaga siyang pagpipilian. Kailangan niya nang pera!
"Kelan ako magsisimula?"
"Ikaw--pwede na rin kahit mamayang gabi naabisuhan ko naman na ang may-ari at natutuwa siyang malaman na may bata na namang nakapasok..mga ganyang edad kasi ang patok sa mga customer" humithit ito sa sigarilyong hawak at ibinuga iyon sa hangin.
"Sige--asahan mo Amber darating ako bukas nang gabi"
"Oh siya..mga 10 nang gabi ang performance mo bilang Main Show pero mas maganda kapag mag maaga kang dumating para makapaghanda ka nang maigi. Ahm--Rocky pwede kang sumama para may kasama doon si Ruby kung gusto mo lang naman" baling nito sa kanyang kaibigan na nasa kanyang tabi.
"Kung gusto ni Ruby bakit hindi Amber.."
"Siya sige--asahan kita Ruby ha..bukas nang gabi" pagkaalis nito ay agad siyang kinausap nang kanyang matalik na kaibigan na si Rocky.
"Ruby--sigurado ka ba talaga diyan sa desisyon mo? Hindi biro ang pinapasok mo.."
Napabuga siya nang marahas at tumitig sa perang nasa loob nang sobre na kanyang hawak hawak. Malaking halaga ito at dahil sa perang iyon ay pwede nang mapanatag nang kaunti ang kanyang kalooban.
"Wala akong pagpipilian Rocky..hindi ko basta pwedeng pabayaan at hayaan na lang na mamatay si inay. Wala akong nagawa nang mamatay si itay pati ba naman ngayon ay wala parin akong kagagawa para kay inay? Si Ivan--hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya..desperado na ako Rocky--pero kailangan kong gawin ito alang ala sa pamilya ko"
Inakbayan siya nito at marahang hinaplos ang kanyang braso. "Andito lang ako Ruby..kaibigan mo ako at kung anuman ang maitutulong ko ay sabihin mo lang--may kaunting ipon din ako--"
"Rocky--kikita ako nang pera kaya hindi mo kailangang ibigay sakin ang ipon mo alam kong kailangan niyo din nang inay mo iyon. Pero may ipapakiusap sana ako sayo"
"Ano iyon?"
"Kung pwede ay sa inyo muna mananatili si Ivan habang nasa Club ako. Ilang oras lang naman iyon kung okay lang sa inyo.."
Ngumiti ang kanyang kaibigan at hinawakan ang kanyang kamay. "Oo naman Ruby bakit hindi. Matatanggihan ba naman kita? Iiwan nalang natin siya kay inay--"
Napakunot noo siya at hindi maintindihan kung bakit iyon nasabi nang kanyang kaibigan "bakit iiwanan natin.."
"Sasamahan kita sa Club..hindi pwedeng hayaan lang kitang mag-isa lalo pa at hindi magandang lugar iyon--isa pa ay baguhan ka pa lamang..ako mag-aayos sayo"
Hindi niya mapigilang ngumiti at agad na nagpasalamat sa kaibigan. Mula pagkabata ay sila na ang matalik na magkaibigan. Lalaki man ang kasarian ni Rocky ngunit malambot ito kung gumalaw. Inaamin naman nitong isa siyang dugong berde at tanggap iyon nang pamilya ni Rocky.
********
Nanlalamig ang kanyang kamay habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa repleksiyon nang salamin habang inaayusan siya ni Rocky sa buhok. Tuwid at mahaba ang kanyang buhok ngunit ngayon ay nag-iba ang postura nito. Medyo umikli ito dahil sa pagkakakulot nito.
"Kaya mo ba talaga?"
Umangat ang kanyang tingin sa salamin para salubungin ang tingin sakanya ni Rocky. Alanganin siyang sumagot dito.
"Makaka-ayaw pa ba ako? Nandito na ako Rocky..kailangan kong panindigan ito"
Nasa ganuong pag-uusap silang nang bumukas ang pintuan nang kanyang maliit na kwarto. Mula doon ay iniluwa nito si Amber na malawak ang pagkakangiti sakanya.
"Ang ganda mo Ruby!" Lumapit ito at sandali siya nitong inikutan at binusisi ang kanyang katawan. Kapagkuwan ay humalukipkip ito sa kanyang harapan at pinagmasdan siya.
"Hindi ka magsisisi sa pagparito mo Ruby. Siya nga pala pagkatapos nang Main Show mo gusto mo bang magkaroon nang Exclusive Show?"
Umayos siya nang tayo at napatingin sa gawi ni Amber. Sa totoo lang ay wala siyang ideya sa sinasabi nitong Exclusive Show..
"Ano ang Exclusive Show? " tanong ni Rocky na nasa kanyang likuran at nakahawak pa nang suklay.
"Ang Exclusive Show ay ang pagsasayaw mo nang sa isang kwarto kasama ang magiging kliyente mo"
Nakita niyang ibinaba ni Rocky ang suklay mula sa kanyang buhok at hinarap si Amber. "Ibig mo bang sabihin ay si Ruby at kliyente lamang nito ang maaaring nasa loob nang isang kwarto? Hindi ba delikado iyon sakanya?"
Ngumiwi si Amber sakanila tsaka ito umupo sa pinakamalapit na silya at nagsindi nang sigarilyo nito. "Hindi naman delikado iyon sakanya. Magtatalaga ako nang malalakas at malalaki ang katawan na bouncer para sakanya para bantayan ang kliyente nito sa loob habang nagsasayaw siya."
"Isang kliyente lang ba ang makakasama ko sa loob?" Hirit niyang tanong
"Oo..kaya huwag kang mag-alala..hindi siya makakalapit sayo habang nagsasayaw ka. Alam iyon nang mga kliyente natin..pero kung prefer mo din ang mag-lap dance sakanila ay makakakuha ka pa nang tip mula sakanila--"
"Hindi--ayokong gawin iyon" agad niyang tanggi dito. Hindi siya komportable sa ganoong gawain. Nahihirapan na nga siyang tanggapin ang pagsasayaw niya sa Main Show ang gawin pa kaya ang lap dance?
"Five Thousand ang magiging sweldo mo ngayong gabi sa pagsasayaw mo sa Main Show at iba lamang ang makukuha mong bayad kapag nagsayaw ka para sa Exclusive Show at siyempre kapag nagustuhan ka nang kliyente mabibigyan ka pa nang tip.." napangiti ito sakanya.
"Pag-iisipan ko" sagot niya dito..
"Sige pag-isipan mo mag-usap ulit tayo pagkatapos nang Show mo..ang kagandahan nang pagsasayaw mo sa Exclusive Show kapag nagustuhan ka nang kliyente pwedeng ikaw ang kunin nila gabi gabi..ayaw mo nun madami kang kikitaing datong..--siya nga pala ito ung maskara mo..isuot mo sa Main Show..pwedeng iyan din ang gamitin mo sa Exclusive Show mo"
Napatingin siya sa maskarang nakalapag sa maliit na lamesa. Kinuha niya iyon at pinakatitigan.
Siguro nga--ito ang trabahong nakatadhana sakanya para maisalba ang kanyang pamilya.
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
عاطفية-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...