HINDI MAKAPANIWAL SI ISAAC HABANG KAHARAP SI ROCKY SA LOOB NANG PRESINTO. SIYA KASI AY HINULI NANG MGA PULIS KANINA AT PINAPARATANGAN SA PAGKAWALA NI RUBY.
"Mr. Monteverde umamin ka nalang kung saan mo dinala si Ms. Ruby Alcantara" pagpapa-amin sakanya nang isang pulis.
"Sir, hindi ko po talaga alam kung nasaan siya wala po akong kinalaman sa--"
"Ikaw ang kikitain niya kagabi! Iyon ang sinabi niya sakin hanggang sa hindi na siya nakauwi!" Sigaw ni Rocky sakanya.
"Totoo..dapat magkikita kami kagabi dahil may mahalagang bagay akong sasabihin sakanya pero tatlong oras akong naghintay at hindi siya dumating. Baka kako hindi siya sisipot" paliwanag niya sa mga pulis at sa kaibigan ni Ruby.
"Kung totoo iyang sinasabi mo, nasaan si Ruby ngayon?!"
"Isaac!"
Napatingin silang lahat sa bagong dating na si Matthew. Nagmamadali ito at tila nawawala sa sarili. "Matthew! Anong problema? Saan ka ba nanggaling?" Tanong dito ni Casper.
"Alam ko kung nasaan si Ruby"
Lahat sila ay nabigla sa sinabi nito. "Nasaan si Ruby?" Hysterical na tanong ni Rocky.
"Patawarin mo ako Isaac, pero kinailangan kong gawin ito dahil sa banta ni Creek. Kagabi pinasundan ka niya at nung malaman niyang magkikita kayo ni Ruby ay ginawa niyang opportunity iyon para makidnap si Ruby. At iyon nga ang ginawa namin--pero kailangan nating magmadali! Nasa panganib si Ruby, balak siyang gawan nang masama ni Creek!"
"Ano?! Nasaan siya ngayon?"
"Alam ko kung saan" sagot ni Matthew sakanya.
"Peter! Iligtas mo ang kaibigan ko!" Kakilala pala ni Rocky ang pulis na kaharap niya.
"Huwag kang mag-alala Rocky ililigtas namin si Ruby. Men! Move!"
Nakuyom niya ang kanyang kamao nang maalala ang sinabi ni Matthew na gagawan ni Creek nang masama si Ruby. Umigting ang kanyang panga at ilang ulit na sinuntok ang manibela.
"Hayop ka Creek! Napaka hayop mo talaga!"
"Himinahon ka Isaac. Magiging okay din si Ruby" pagpapagaan ni Casper sa kanyang nararamdaman.
**********
Hubad ang pang-itaas na damit ni Creek nang muli itong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Nakatayo siya ngayon habang nakagapos siya sa poste. Sa isang lumang warehouse siya dinala nito at tinago. Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang kanyang mukha nang iwasan niya ang halik ni Creek. Nalanghap niya ang alak na ininum nito."Oh..Ruru..napakaganda mo pala talaga sa personal. Alam mo bang napakagaling mong sumayaw? Ang indayog nang iyong balakang ay talagang nakakapagpatigas sa akin"
"Uhmmmmp!!"
Ngunit wala siyang nagawa nang hipuin ni Creek ang kanyang balakang at pumaibaba sa kanyang pang-upo at makailang ulit nitong pinisil iyon. "Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya habang nakagapos. Pero tanging tawa lamang ang sinagot ni Creek at inilabas nito ang maliit na kutsilyo.
"A--anong gagawin mo?"
Hindi ito nagsalita at walang sabi-sabing sinangsang nito ang kanyang damit. Nalantad dito ang kanyang dibdib na natatakpan pa nang bra. "Wow! Ruru! Uhmmm..napaka--napakalaki nang hinaharap mo"
"Itigil mo yan! Huwag!!!"
Nakakaloko si Creek para itong baliw kung kumilos. Pagnanasa ang nasa mga mata nito at tila laway na asong naghihintay nang makakain! Laway ito sa kanyang katawan. Napaiyak na lang siya nang pisilin nito ang kanyang hinaharap gamit ang dalawa nitong kamay. At wala itong sinayang na sandali at sinibasib nang halik ang kanyang labi. Itinikom niya iyon habang umiiyak.
Dumausdos ang labi nito pababa sa kanyang leeg. "Pakiusap tama na! Tama na!" Pigil niya dito pero wala itong naririnig at pinagpatuloy ang panghaharass sa kanya.
"Gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam habang pinapaligaya kita! Ehehehe!!! Ang ganda nang katawan mo Ruru, akin ka ngayon! At hindi mo ako mapipigilan"
Tinaas muli nito ang kutsilyo at pinutol ang isang strap nang kanyang bra. Sumigaw na lamang siya habang umiiyak puputulin nito ang isang pang strap niya nang makarinig sila nang putukan mula sa labas na siyang nakapagpatigil kay Creek.
"Ano iyon?!" Malakas niyang tanong sa kanyang mga bata.
"Sir, pinasok tayo nang mga pulis! Kasama nila ang kaibigan mo si Matthew!"
Dumura si Creek sa sahig at nanlilisik ang mga matang tumuon sakanya. "Sige! Salubungin niyo! Patayin niyo silang lahat!"
"Ito na ang katapusan mo! Pagbabayaran mo lahat nang kasalanan mo!" Sigaw niya lalaki ngunit di yata ito tinatablan nang takot. Nagawa pa nitong ngumiti sakanya na para bang walang nangyari.
"Hindi iyan mangyayari! Papatayin muna kita--"
"Subukan mong gawin iyan at baka makalimutan kong kaibigan kita--baka mapatay kita Creek"
Inalis ni Creek ang pagkakatali niya pagkatapos ay hinostage siya nito. Tinutok nito ang maliit na kutsilyo sa kanyang leeg habang nakapulupot ang braso nito sa kanyang leeg.
"Huwag kang pakakasiguro Isaac, mas matalino parin ako sayo! Alam mo bang kung hindi lang kayo dumating eh napagsawaan ko na itong pinakamamahal mo? Hahahahaha!!!! Uhmmm!" Dinilaan nito ang kanyang taenga..
"Masarap siya Isaac"
"Damn you Creek! Wala kang kwentang kaibigan!" Hasik ni Isaac dito at nanlilisik ang mga mata nitong nakatuon kay Creek.
"Ruby! Diyos ko! Ruby!" Tili nang kanyang kaibigan na si Rocky na sumama rin pala doon.
"Creek..pag-usapan natin ito--"
"Pag-usapan! Wala tayong pag-uusapan Casper! Lalo ka na Matthew! Hayop ka pinagkanuno mo ako?! Ikaw ang walang kwentang kaibigan!" Malakas na sigaw ni Creek sa mga ito.
"Ginawa ko lang ang tama Creek. Hindi tama ang ginagawa mong pagkidnap kay Ruby! Sumama lang ako sayo dahil sa banta mo sa pamilya ko pero bukod doon wala na, labag sakin ang pinapagawa mo. Hindi ko kaya. Hindi ako mamamatay tao!" Balik dito ni Matthew.
"Oo nga naman! Ako lang pala ang masama sa ating apat di ba? Dahil ako kaya kong pumatay nang tao! At kung kikilos kayo nang masama ngayon hindi ako magdadalawang isip na tuluyan ang babaeng ito! Huwag kayong susunod!"
Humakbang si Creek patalikod at nang makakuha siya nang tiyempo inapakan niya ang paa nito at siniko sa tiyan. Nabitawan siya nito at nakatakbo siya. Ilang hakbang lang iyon nang takbuhin siya ni Isaac. Ngunit dahil nakatalikod siya hindi niya nakita ang papalapit na si Creek.
"Ruby! Sa likod mo!" Sigaw ni Rocky. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang kutsilyong malapit nang bumaon sa kanyang katawan ngunit biglang nagbago ang kinalalagyan niya nang yakapin siya ni Isaac at inikot siya nito.
"Isaac!!!!!" Malakas na sigawan sa kanyang paligid at kitang kita niya kung paano ilang ulit na bumaon ang kutsilyo sa likuran nito. Isa, dalawa, tatlo at madami pa..
Bumalandra sa sahig si Isaac at duguan ang katawan nito. Nakarinig siya nang ilang putok ngunit wala na doon ang kanyang atensiyon kundi kay Isaac.
"Isaac.." yugyog niya sa katawan nito pero hindi ito umimik kundi nakatuon lang ang mga mata nito sakanya at pinagmamasdan ang kanyang mukha. Hindi niya mapigilang mapaluha habang pinapanood na nahihirapan ito sa mga saksak na tinamo.
"Ruby--pa--patawarin mo ako"
Ngumiwi siya nang unti-unti itong pumikit. "Hindi! Isaac! Gumising ka! Gumising ka! Huwag mong ipikit ang mga mata mo! Tumingin ka sakin pakiusap!!! Gumising ka! Isaac!!!!!!"
-itutuloy-
Joden15
![](https://img.wattpad.com/cover/226211467-288-k111957.jpg)
BINABASA MO ANG
HER LITTLE SECRET (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG| MATURE CONTENT| - GAGAWIN LAHAT NI RUBY PARA SA KANYANG PAMILYA. HANDA ITONG MAGSAKRIPISIYO. HANDA NIYANG LUNUKIN LAHAT. NA KAHIT ANG PAGSASAYAW SA CLUB AY NAGAWA NA DIN NIYANG PASUKIN. SHE NEED TO ENDURE IT IN ORDER TO SUPPORT HER F...