CHAPTER 4

2.1K 84 1
                                    

NANGINIG ANG KANYANG KATAWAN PAG-APAK NIYA SA ENTABLADO. MABUTI NALANG AT MADILIM ANG PALIGID AT HINDI NAKIKITA ANG KANYANG MUKHA. SIYA NGAYON AY NAKASUOT PA NANG SATIN NA ROBA AT NANG MAGSIMULA ANG NAKAKAALIW NA TUGTOG AY INALIS NIYA ANG DAMIT NA NAKATAKIP SA KANYANG KATAWAN.

Narinig niya ang hiyawan nang lahat sa loob. Mapalalaki, babae, mga binata o may asawa. Pumikit ang kanyang mga mata nang igalaw niya ang kanyang balakang upang sabayan ang musika. Bawat sigawan nang mga tao, bawat mura sa mga bibig nang mga ito ay tila duming dumidikit sa kanyang balat na siyang umiiba sa kulay nang kanyang pagkatao.

Biglang umagos ang luha sa kanyang mga mata habang sumasayaw siya. Diring diri siya sa kanyang sarili at tila hindi na matagalan ang kanyang ginagawa na para bang inaakit at pinupunan nito ang sexual na pangangailangan nang mga kalalakihan doon..

Nang matapos na ang kanyang pagsayaw at aalis na sa stage ay narinig niya ang sigawan nang ilan sa mga lalaki na ang dating sakanya ay para siyang binabastos nang mga ito. Bagay na hindi niya matanggap sa kanyang sarili.. Hindi siya ganoon!

Noon at hanggang kahapon lamang iyon..ngayon ay iba na..

"Ruby--"

Tumakbo siya sa dressing room niya at doon ay binuhos ang sakit sa kanyang kalooban. Nandidiri siya sa kanyang sarili. Ang kanyang katawan ay mistulang pinagpiyestahan nang sino sinong lalaki sa labas kanina wala na siyang ipinagkaiba sa mga babaeng bayaran sa Club na ito..

Inalo siya ni Rocky at pinapatahan sa kanyang pag-iyak nang pumasok mula sa pinto si Amber at nakita siyang umiiyak. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha sa pisngi at napatayo para salubungin ito.

"Congrats! Successful ang pagsayaw mo. Maganda ang feedback nang mga customer at madaming nanood sa Show mo. Ang totoo nga niyan ay may nagbook sayo para sa isang Exclusive Show.."

"Ahhh--Amber okay lang ba kung sa susunod na lang ang Exclusive Show ni Ruby? Kasi alam mo na bago palang naman siya at nag-aadjust pa kumbaga"

Tinignan siya ni Amber at siya'y napayuko. "Oo naman ayos lang--ako na ang bahalang kumausap sa nagbook sayo ngayong gabi. Huwag ka nang umiyak..ganyan lang talaga sa umpisa hindi ka pa kasi sanay kaya pakiramdam mo hindi mo kaya pero isipin mo nalang ang nanay mo at ang kapatid mo dahil para din naman sakanila ito, oh siya! Pwede ka nang umuwi--eto nga pala"

Iniabot ni Amber ang limang libong pera sakanya. "Para sa pagsayaw mo ngayong gabi sa stage, at eto tatlong libo"

"A--ang laki naman yata niyan Amber.." wika niya na ikinangiti nito sakanya.

"Iyang limang libo para yan sa pagsayaw mo tonight at ang tatlong libo naman ay tip mo na nanggaling sa mga customer natin. Mas malaki pa diyan ang makukuha mo kung papayag kang sumayaw sa Exclusive Show pero sa ngayon..umuwi kana muna parang nabibigla ka pa kasi sa trabaho"

"Salamat Amber"

"No Worries hindi ka naman iba sakin..ako na bahalang magsabi sa may-ari. Sa likod nalang kayo dumaan walang tao doon mga empleyado lang ang gumagamit sa daanan doon. Ingat kayo sa pag-uwi see you bukas nang gabi"

Tinanguan niya ito. Nagpalit siya at sa likod dumaan para makalabas nang Night Pearl Club. Alas Onse na nang gabi nang makarating sila sa kanila. Dumaan sila sa bahay nina Rocky dahil doon niya iniwan ang kanyang kapatid sa ina ni Rocky.

"Rocky sayo pala" inilagay niya ang dalawang libo sa palad nang kanyang kaibigan.

"Naku Ruby! Huwag na--ano ka ba! mas kailangan mo ito para sa nanay mo"

Ngumiti siya dito "ayos lang..may natira pa naman sakin tsaka..pasasalamat ko na din sa pagsama mo sakin ngayong gabi at sa pag-aalaga nang nanay mo sa kapatid ko"

Bumukas ang pintuan nina Rocky at sumilip doon ang ina nito. "Nandiyan na pala kayo"

"Tita si Ivan po?" Tanong niya sa ina ni Rocky

"Nakatulog na.,halina kayo pumasok na kayo"

Umupo siya sa maliit na silya at pinaghanda sila nang nanay ni Rocky nang makakain. Pagkatapos ay naupo ito paharap sakanila.

"Aling Tinay maraming salamat po sa pag-aalaga sa kapatid ko..pasesnsiya na po kayo at nadadamay kayo sa problema ko" hingi niya nang paumanhin sa ina ni Rocky dahil sa laking abala na ginagawa niya dito sa pag-aalaga sa kanyang kapatid.

"Ano ka ba Ruby! Hindi ka naman iba sakin iha. Napakabait nang mga magulang mo sakin noon at kaibigan ko ang inay mo. Kaunting bagay lamang ang pag-aalaga ko kay Ivan hindi naman siya mahirap bantayan gaya nang iba. Siya nga pala--kumusta ang trabaho mo sa Club?"

Napatigil siya sa kanyang pagkain at maging si Rocky ay napatingin sa kanyang mismong ina. "A--ayos lang naman po..naninibago pa lamang po ako"
Matamlay niyang sagot dito.

"Hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay at sa gusto mog gawin Ruby pero--baka kasi mapahamak ka sa ginagawa mo iha, hindi naman sa ayaw ko sa klase nang trabaho mo pero kung may iba pa sana--"

"Iyon na nga po--kahit gusto kong maghanap nang magandang trabaho sino naman po ang kukuha sakin? Di ako nakapag-aral isa pa kahit ayoko ang trabahong ito wala po akong magagawa. Kailangan kong sunggaban ito dahil ito lamang ang makakapagsalba sa buhay ni Inay, kay Ivan at sa pag-aaral ko"

Hindi nakapagsalita ang kanyang mga kausap kaya pinagpatuloy niya ang pagkain.

"Naiintindihan ko iha..pero sana ay palagi kang mag-iingat"

"Maraming salamat Aling Tinay. May isa lang po sana akong ipapakiusap sa inyo.."

Napasulyap sakanya si Rocky "ano iyon Ruby?"

"Sana po ay huwag niyo nang babanggitin pa ang klase nang trabaho ko kay Ivan"

"Makakaasa ka iha"

-itutuloy-

Joden15

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon