CHAPTER 12

2.1K 93 5
                                    

"HINDI MO NAMAN SINABI NA DITO KA PALA NAGTATRABAHO"

Napangiti siya habang inaayos ang order nang kanyang kaibigan na si Jacky. Nasa counter sila at doon nag-uusap.

"Wala na kasi akong oras para sabihin pa Jacky pasensiya na."

"Kaya naman pala nagmamadali ka kaninang umalis after class kasi papasok ka pa dito sa work mo. Sige usap nalang tayo bukas Ruby baka maistorbo pa kita"

"Sige Jacky ingat ka"

Lumakad siya papuntang Rest Room nang harangin siya nang isa niyang katrabaho. "Ruby pwede bang pakuha naman nang cups sa stock room?"

"Sige C-cr lang ako Detdet"

"Salamat Ruby"

Pagkatapos niya sa Rest Room at agad siyang nagtungo sa Stock Room para kumuha nang mga disposable na cups. Napakagat siya sa kanyang kuko nang makitang nasa pinaka-itaas ang mga cups.

Wala naman siyang makitag hagdanan doon o pwedeng tung-tungan para makapunta sa itaas. Hirap na hirap siyang abuti iyon nang may biglang magsalita sa kanyang tabi.

"Anong ginagawa mo?"

"Ay pusa!!"

Nabangga nang kanyang likuran ang kabilang stante dahil sa pagkabigla at naphawak pa ito sa kanyang dibdib.

"Nagmumukha ba akong pusa sa paningin mo?"

Napakagat labi siya nang makalapit ito sakanya lalo pa nang magkaharap sila at magkalapit ang kanilag katawan.

"Ako na ang kukuha"

Napaatras siya at sumandal ang kanyang katawan sa stante nang dumikit ang dibdib nang binata sa kanyang mukha. Para siyang kinakapos nang hininga lalo na nang maamoy niya ang mabangong pabango nito.

Pakiramdam niya ay nililipad siya nang hangin nang magpantay ang kanilang mukha at mapatitig sa mga mata nito. Parang bumalik ang eksenang ito sa napanood niyang 'Hello, Love, Goodbyes' nina Kathryn at Alden.

"Here"

Ibinigay ni Isaac sakanya ang cups na hindi man lang inaalis ang pagkakatitig nito sa kanyang mga mata.

"Sa--salamat Sir..aalis na po-ayyy!"

Pumulupot ang braso ni Isaac sa kanyang bewang at dahil doon ay para siyang napaso nang maramdaman ang matitigas nitong muscle sa kamay.

"You okay?"

Muntikan na siyang napasubsob kung hindi siya nasalo nito. Nagiging clumsy kasi siya kapag nasa harapan nito.

"A--ayos lang Sir"

Tinanggal niya ang braso nito sa kanyang bewang at nagmadaling lumabas mula sa Stock Room. Pagkalabas niya ay doon lang siya nakahinga nang mabuti. Feeling niya na-suffocate siya sa loob.

"Ruby asan na ang cups?"

"Eto na.."

Inabala niya ang kanyang sarili sa pagpa-puch nang mga orders at pagse-served sa mga costumers. Hanggang sa sumapit ang oras na maga-out na siya. Nagpaalam siya sa kanyang mga kasama at umuwi.

Pagdating sa kanilang bahay ay naligo siya agad at nagpalit para pumunta nang Club. Nakakahinga siya nang kaunti dahil Final Show nalang ang kanyang iniisip ngayon. Mas magaan sa kanyang utak ang isiping wala na siyang Exclusive Show na siyang pinakadelekado at pinaka-mahirap na sitwasyon sa lahat.

Napatigil siya sa pagsusuklay at napatitig sa kanyang sarili mula sa salamin. Naitanong niya sa kanyang sarili kung bakit nga ba huminto si Isaac o mas kilala bilang Mr. Monteverde sa Club sa paghabol sakanya nitong mga nakaraang linggo. Magmula nang may mainit silang pinagsaluhan ay hindi na ito nagawi aa Club.

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon