Episode 1- Bintana

3.2K 193 136
                                    

THE VIRAL
Isinulat nina Mig at Doh


September 23, 2018 Alas kwatro ng hapon. Habang naghihintay si Mitch sa susunod na LRT.

"Mitch, Ikaw ba iyan?"

Napalingon si Mitch, nang may tumawag sa bandang likuran niya.

"Ha," gulat na tugon nito.

 Hindi niya kilala ang babaeng nasa kanyang harapan, ni pangalan man lang, wala siyang ideya. Kung siya ang tatanungin hindi lalayo ang edad ng babae sa kanya. Nakaminiskirt ito at t-shirt na pink. May katangkaran, kung ikukumpara sa normal na babae.

"Hindi. Hindi ako si Mitch!" nagtatakang sambit ni Mitch.

 Hindi niya maiwasang kabahan bagamat patuloy pa rin ito sa pagtawag sa kanya. Sinawalang kibo niya ito. Kumunot ang kanyang noo at kinagat ang labi sa pagkairita, ngunit hindi niya pa rin ito pinapansin.

"Hindi ako nagkakamali, ikaw si Mitch. Ikaw 'yung nasa viral video sa facebook hindi ba?" napalakas ang sabi ng babae kaya narinig iyon ng mga tao sa paligid nila. Dahil doon naging usap-usapan siya sa pila.

"Siya ba 'yan?"

"Oo nga siya nga." 

Hindi rin nakawala sa kanyang pandinig ang mga bulong-bulungan.

"Anong viral?"

"I-search mo nga, naikuwento sa akin 'yon."

Hindi na niya natiis ang mga pinagsasabi ng mga tao. Kinuyom niya ang kanyang palad para mapigil ang kanyang inis. Tinalikuran ni Mitch ang singkit na babae. Umalis siya sa pilahan ng LRT nang nakayuko ang ulo, tila nahihiya. Sinundan ng mga tao ang kanyang paglisan.


-Flashback-

Mitch's POV

"Hi, welcome to my vlog. My name is Mitch De Guzman, and I will show you what inside of my sister's bag. As you can see-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko paano naman kasi epal din itong ate ko.

"Mitch, ano ba! Kahit ba naman bag ko kailangan mo i-vlog. My gosh!" Nakita iyon sa video ko. Buti na lamang hindi ako naka-live. Sobrang nakakahiya kapag ginawa niya iyon.

"Ate alam mo naman na dagdag ito sa vlog ko. You know naman I have 12k subscribers sa youtube at kailangan nila ng update sa akin everyday," gatong ko naman sa kanya, ngunit hindi niya ako pinansin at kinuha niya ang kanyang bag. 

Like hindi ba siya nainform na uso iyong bag raid challenge.

Wala akong magagawa ate ko iyon. At dahil nga roon kinuha ko na lang 'yong camera ko. Sad to say, wala akong ma-upload today.

Nasa loob ako ng kuwarto. Kulay light blue ang wall at may design itong dahon, at tiles naman ang sahig.
Kung pagmamasdan ang loob ng kuwarto, napapaligiran ito ng mga paintings.

Mahilig kasi ang ate ko sa pagguhit actually passion niya iyon. Kaya hindi ka rin mabobored sa room namin, kasi puno ito ng mga art works, art crafts, mga portrait sa wall at mga nature na gawa sa canvas.

Kaya nga Fine Arts ang kinuhang kurso ng ate ko, para raw align sa talent niya. Sa ngayon third year student na siya. Mabait naman ang ate ko, masungit lang kapag wala sa mood mostly, kapag pinapakialaman ang gamit niya nang hindi nagpapaalam.

Sa bandang kaliwa naman ang kama ko malapit sa bintana. Doon may white study table, nakalagay dito ang mga gamit ko sa pagvovlog. Katulad ng camera, ang paborito kong video recorder na regalo pa sa akin ng tito ko sa Saudi, at Asus na laptop.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon