Mitch's POV
Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga binitawang salita ni Chris. Kung totoo 'yon malaking grupo ang binangga namin.
"I think we have to go, padilim na," nababahalang sambit ni Chris.
"Oo nga." Tiningnan ko ang wristwatch ko. Five thirty na pala.
Mabilis na binalot ko ang medalyon saka nilagay ko muli sa aking shoulder bag.
Tumayo na ako upang handa nang umalis.
"Tara guys nagsabi ako kay P01 Carpio na diyan lang tayo sa may café malapit sa school maghintay sa kanya," seryosong sabi ko sa kanila.
Nagsimula na rin silang tumayo. Napalingon ako sa gawi ni Chris nang magsalita ito."Bakit don pa Mitch, I offer my house total walang tao do'n ngayon maliban sa maid namin at security guard," sambit ni Chris.
"Besides I want all of you to bond with me kasi maghihiwalay na tayong magbabarkada. At mas malapit ang bahay namin sa school compare mo sa café na pupuntahan natin," dugtong niya pa.
"Are you sure?" tanong ko na nag-aalangan.
"Tara na Mitch sa bahay na ni Chris, at mamimiss ko to eh," masiglang sambit ni Carlo saka inakbayan si Chris.Bago kami umalis nagpaalam ako kay mama.
"Sabi ni mama, okay daw basta before 8 pm nasa house na ako," mahinang sabi ko sa kanila.
"Ano ba yan si tita! Parang elementary ka pa kung makabantay. Akala ko matatagalan
tayo sa bahay ni Chris. Sarap sana magwalwal do'n," inis na sambit ni Carlo."Love, dont mind him before 7 alis na tayo, para sakto 8 pm makauwi ka na sa bahay niyo," malambing na wika ni James.
Umalis na kami sa school at pumunta na nga sa bahay ni Chris.
Kinagabihan nasa sala kami at nakaupo sa pula nilang sofa.
"Anong oras ba darating 'yong pulis, Mitch? Ang tagal naman!" inis na sambit ni Carlo.
"OTW na. wait lang daw," seryosong wika ko sa kanila.
Tumunog ang doorbell.
"Oh, baka siya na 'yan!" masiglang sabi ni Carlo.
"Ah, hindi food panda 'yon nagpa-deliver kasi ako ng food," nakangiting tugon ni Chris.
"Sir Chris, dito na po 'yong food," sabi ng katulong.
Bitbit ng katulong ang malaking paper bag na puno ng mga pagkain at nilapag ito sa glass table.
"Thank you Inday. Oh, kain muna kayo. For sure gutom na kayo," malambing na sabi ni Chris na kinuha sa paper bag ang mga biniling pagkain.
Mag-aalas syete na ng gabi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tumunog ang doorbell.
BINABASA MO ANG
The Viral [Under Editing]
HorrorSI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media. Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...