Episode 6- babae

1K 107 46
                                    

Mitch's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Kinabukasan namasyal kami sa Municipal ng Lucban, Quezon. Pumunta kami sa souvenir store.

Vini-video-han ko ang bawat madaanan namin na shop. May mga taong tumitingin sa ginagawa ko, ngunit hindi ko sila pinapansin. Ang importante may ma-upload ako next week na video. Alam kong sabik na ang mga followers ko sa next content ng vlog ko. 

Napatigil ako sa isang souvenir store na nagtitinda ng mga bag.

"Ay ang ganda naman nito." Hinawakan ko ang isang shoulder bag na gawa sa niyog habang vini-vedeo-han ito.

"Ay ang ganda! Cousin, bili ka para same tayo na may shoulder bag," masayang sambit ni Gena.

"Sige-sige." Binili namin ni Gena ang shoulder bag na gawa sa niyog. Bumili rin kami ng mga souvenir items na pampasalubong namin pagbalik sa Manila.

Nang makabalik kami sa mansion nangyaya si Marie, na magpiknik sa bundok.

 Kaya nagtungo kami sa malawak na kagubatan sa likod ng bahay nina Chris. Tanaw ang isang kapilya at iilang mga bahay sa malayo. Maaliwalas ang paligid at maganda sa pandinig ang mga huni ng mga ibon.

"Wow, ang ganda naman dito bes! I think maganda rito mag-vlog!" masiglang sambit ko kay Marie.

Kinuha ko ang shoulder bag na gawa sa niyog at hinanap ang camera. 

"Gosh! naiwan ko 'yong camera sa house nila Chris," malungkot ko na sabi kay Marie.

"Sige camera ko na lang gamitin mo."  Ibinigay niya sa akin ang Nikon camera na nakasabit sa kanyang leeg.

"Ay, thank you bes!" masayang wika ko sa kanya. 

  "Ahm, bes p'wede mamaya ikaw na rin videographer ko?" nahihiyang pakiusap ko kay Marie.

"Sure bes. No hay problema mi amiga[No problem my friend]," masiglang sambit niya na may pagkadiin pa ang spanish na word, kaya natawa kami sa isa't isa. Naalala ko si Dora sa kanya.

"Hola! Soy Dora [Hello! I'm Dora]," inipit ko pa ang boses ko para magmukhang  katunog ni Dora, na lalo kaming humagalpak sa tawang dalawa.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapalingon ako sa gawi ni James, na tahimik lang, na animoy may hinahanap. 

Samantalang sina Gena, Chris at Carlo ay abalang- abala sa pag-aayos ng picnik mat at mga pagkain.


James' POV

"Ang baho naman dito! Parang amoy dugo," mahina kong sabi sabay yuko at hinahanap ang pinagmumulan ng masangsang na amoy. Wala ba silang naaamoy na malansa? Malayo na ang linakad ko.
Hindi ko pa rin matagpuan ang pinanggagalingan ng amoy.
Patag lamang ang lupain at pinalilibutan ng mga damo. Pinagmasdan ko ang buong paligid.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon