SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Dahil maaga kaming aalis papuntang Quezon province. Inihanda ko ang mga OOTD's ko for pictorial. Nilagay ko na rin ang mga gamit pang-vlog sa backpack ko. Nire-review ko ang mga dadalhin mahirap nang may makalimutan, kasi first time naming magbabarkada mag out of town.
"Nandiyan na ang sasakyan bumaba ka na Mitch!" sigaw ni mama.
Hinatid pa ako ni mama hanggang sa labas ng bahay.
"Mitch, na-double check mo na ba gamit mo? Baka may nakalimutan ka pa?" seryosong sabi ni mama.
"Wala na po ma. Nandito na lahat sa bag ko!" masayang tugon ko sa kanya.
Si mama talaga isip niya fifteen pa rin ako.
"Basta text me! Kapag nando'n ka na!" nag-aalalang sambit niya.
"Yes po ma!" Niyakap ko pa siya.
"Ingat ka do'n ha! Pray bago umalis!"
"Opo ma," sabay halik sa pingi ni mama. "Bye ma!" Pumasok na ako sa van.
"Bye tita" sabi ng mga kaibigan ko na nakadungaw sa bintana ng sasakyan.
Insert music: Shape of you- Ed Sheeran.
Si Chris ang nagmamaneho ng van, katabi niya si Marie.
Tumaas naman ang kilay ko sa suot ng new couple na ito. Couple shirt ang dalawa 'She's mine' at He's mine, ang nakasulat ewww ang checheesy naman! Talo pa kami ni James, na ang tagal na magjowa.
Sa likod naman ay ako, si Gena, at James. Nakayellow t-shirt, gray na jacket, at skinny jeans si Gena. Samantalang si James naman, naka-long sleeves na white at brown na short. Ako syempre, white t-shirt, green na jacket, at short na black.
Sa pinakalikod naman ay si Carlo, ang bestfriend ni James, nakasuot ito ng itim na leather jacket, at black na ripped jeans, dala nito ang hinding-hindi mabitaw-bitawan na gitara, medyo arogante ito, dahil na rin sa kanya sigurong image na bad boy.
"Pre, mga anong oras kaya tayo makakarating sa province niyo?" tanong ni Carlo na naiinip habang nakasandal ang isang paa sa katabing upuan.
"Nandito pa lang tayo sa Cavite baka mga 5 hours pa"- Chris.
"Ang layo pa pala," dugtong nito habang sinandal ang ulo sa upuan.
Napansin kong medyo masama ang pakiramdam ni Gena.
"Cousin, okay ka lang?"
"Nahihilo ako cous, may menthol ka ba na dala o pang haplas?" sabi nito na hindi maipinta ang mukha.
"Mero'n, wait lang kunin ko sa bag." Naku parang susuka pa ata. Agad kong kinuha ang medical kit ko.
Buti may dala akong ganito, paano na lang kung wala.