I dedicated this chapter to someone special in my heart who was a victim of a sexual assault.
WARNING(SPG)
Mitch's POV
Abalang pinagsasamantalahan ako ng adik na kapatid ni Chris. Kailangan ko nang makawala sa demonyong ito. Walang tutulong sa akin dito kundi sarili ko lamang.
Nang maramdaman ko nang dumampi ang palad niya sa balat ng aking hita, doon na ako nag-panic. Bahala na kung umepekto ito.
"Puwede tanggalin mo ang pagkakatali sa kamay ko. Paano tayo mag-eenjoy
niyan. Gustong-gusto naman talaga kita," malambing na sabi ko sa kanya.Kailangan ko siyang utuin. Sana umepekto ang plano ko please!
"Masunurin ka naman pala,"aniya at ngumisi. Tinanggal ng adik ang
pagkakatali sa kamay ko. Tila mas lalo itong naging hayok sa laman.Mabilis niyang hinawakan ang aking pisngi, at sinimulan ang marahas na paghalik sa labi ko sabay hawak sa dalawa kong kamay.
Pilit kong pinapatatag ang aking sarili. Sinabayan ko siya ng halik. Pilit kong hindi masuka dahil sa pandidiri, pero kailangan ko itong gawin upang mahulog siya sa aking patibong.
Nang nadadala na siya ng bugso ng damdamanin, dahilan upang lumambot ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
Dahan-dahang kinapa ko ang kutsilyo sa ibabaw ng mesa, na katabi ng cellphone habang abalang-abala pa siya sa ginagawa sa akin.
Naramdaman ko pang pinasok niya ang dila niya sa bibig ko.Nang mapansin kong parang lilingon ito. Hinawakan ng kanang kamay ko ang batok niya upang hindi niya maramdaman ang kaliwang kamay ko sa pag-abot sa kutsilyo.
Nang mahawakan ko ang kutsilyo. Agad kong kinagat ang dila ni Ronan.
Dahil doon napasigaw siya sa matinding kirot. Lumaki pa ang mata niya sa pagkagulat sa ginawa ko. Mabilis niya akong sinuntok sa pisngi.
Napabangon siya dahil sa sobrang sakit.
"Hayop ka!"mariin at malakas kong sambit.
Walang alinlangang sinaksak ko siya sa dibdib. Pagkasaksak ko sa kanya mabilis ko siyang itinulak upang makaalis ako sa pagkakadagan niya.
Nahulog siya sa kamang nakabaon pa ang kutsilyo. Patuloy pa rin nag-pla-play ang music.
Nang umalis ako sa kama, at akmang tatakbo bigla niya akong hinawakan sa paa, kaya napasubsob ako. Sinipa ko siya at swerteng nabitawan niya ang paa ko. Dali-dali akong umalis sa kama. Natigilan ako nang tumayo si Ronan.
Walang atubili niyang kinuha ang kutsilyong nakasaksak sa dibdib habang bumumuhos ang dugo sa kanyang katawan.
Tumaas ang aking mga balahibo sa balat nang ngumisi ito. Iba talaga ang isip ng lulong sa droga.
BINABASA MO ANG
The Viral [Under Editing]
HorrorSI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media. Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...