Episode 4- salo-salo

1.1K 117 44
                                    

Mitch's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Hinatid kami ni James sa bahay. Nawala ang stress ko nang pagbukas ko ng pinto, nakita ko si mama

"Ma!" Sabay yakap ko sa kanya.

"Na-miss ko talaga 'tong bunsong anak ko!" sambit ni mama at yinakap ako nang mahigpit. Mabilis naman na napatingin ito sa direksyon kung saan nakatayo si James.

"Magandang hapon po tita," magalang na bati ni James na nagmano kay mama.

"Ma, sina pinsan dumating na rin ba?"

"Ay Oo, dito nga sila maghahapunan mamaya."

"Na-miss talaga kita ma!" malambing na sabi ko kay mama.

"Mitch, tita, alis na po ako." Pagpapaalam ni James.

"Oh, James, dito ka na lang kumain ng hapunan." Pamililit ni mama.

"Salamat po! Kaso my group project pa po kami sa school. Kaya hindi po ako p'wede ngayon. Next time na lang po tita," nahihiyang sabi ni James, at nagpaalam na ito nang tuluyan.

Pagsapit ng gabi, abalang-abala kami sa paghahanda ng mga pagkain sa kusina.

Tumunog ang doorbell.

"Oh, baka si Tito Milo mo na 'yan Mitch," sabi ni mama habang naglalagay ng plato at kubyertos sa mesa.

"Ah, sige po ma ako na." Nilapag ko muna ang kanin sa mesa, bago tumungo sa main door upang buksan ito. 

Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng galak ni Tito Milo.

"Kumusta na, Mitch? Parang ang liit mo pa lang dati ah, tapos ngayon dalagang-dalaga ka na!" Tinap niya pa ang ulo ko.

"Hello po tito, pasok po kayo," nakangiting wika ko sa kanya. Sa likuran ni Tito Milo ay ang pinsan kong si Gena.

Si Gena lang naman ang long lost sister ko, kasi sa tagal namin magkasama hanggang magkadalaga, parang kapatid ko na ito. Apat na taon ang pagitan niya sa akin, kaya nang grumaduate siya sa kolehiyo agad itong nag-Saudi para sundan si Tito Milo.

"Cousin!" sabay naming tawag. Mabilis kaming nagyakapan at nagbeso-beso.

"Oh, musta ang Saudi?" masiglang bati ko sa kanya.

"Naku! Ang hirap, cousin. Namiss ko bigla ang Pinas," malungkot niyang tugon.

Napangiti na lang ako nang sinabi niya 'yon, habang inaakay sila papasok sa kusina. Sinalubong sila ni mama at pinaupo. Habang si Manang Pisa naman ay abalang-abala sa paglalagay ng mga putahi sa mesa.

"Cousin, always ko pinapanood mga vlog mo," mahinang sabi sa akin ni Gena.

"Salamat, cousin!" nakangiting tugon ko sa kanya.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon