Episode 24- Dilim

720 45 45
                                    

I dedicated this story to luckynadine gusto ko mga story niya.
************************************

************************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Bumangon ako at kinusot ang dalawang mata.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Nakakulong kami sa isang selda kung saan ang pader,kisame, sahig at ang rehas na bakal ay kulay ginto at tanging sulo lamang ang nagpapaliwanag ng silid. Napabaling ako sa tulog pa rin na sina James at Carlo.


"James, Carlo gising!" Yinuyugyog ko pa silang dalawa hanggang sa magising.

Napukaw ang atensiyon namin nang may narinig kaming boses.

"Oh, gising na pala kayo!" sabi ng isang matandang lalaki.

 Hindi ko pa makita ito sapagkat nasa madilim itong parte nakatayo.

Nang lumapit ito nakita kong ama ito ni Chris.

Agad kaming napaatras nang makita siya. Napansin ko na marami na rin ang pumunta sa silid lahat sila ay nakatoga ng puti.

"Ano bang kasalan namin sa inyo!" inis wika ni James.

"Wala noon, pero ngayon mero'n na!" sabi ng ama ni Chris.

"Pamilya kayo ng mga demonyo! Dahil sa inyo maraming inosenteng namatay! Mga mamatay tao kayo! Wala kayong puso!" madiin na pagkakasabi ko sa kanya. 

Hindi ko na makontrol ang aking emosyon. Takot, kaba, galit lahat na naghalo na sa nararamdaman ko ngayon.

"Huwag mong sisigawan si Pastor Gabriel! Matapang kang babae ka!" aambang sasampalin ako ng isa sa mga lalaking alalay ng ama ni Chris.

 Ngunit isang boses ng matandang lalaki ang nagpatigil dito.

"Huwag mong saktan ang magandang dalaga!" sigaw ng matanda.
Napalingon ako sa kinaroroonan nito.

Nakita kong nagbigay galang ang ama ni Chris, at iba pang nasa likuran niya. 

Binigyan nila ng daan  ang matandang naka-wheelchair, habang akay-akay ng isang matandang babae upang makapasok sa loob. Pansin ko napakatanda na nito batay sa kanyang balat.

"Pasyensiya na kayo. Hindi maganda ang pagbati nila sa inyo. Ako si Pastor Adalfarus Fuentes ang kalolololohan ni Chris. Ako ang namumuno sa religion sect namin," mahinahon niyang saad na nakangiti

Great great grand father?

"Alam niyo naman bakit kayo nandito. Napakahalaga ng medalyon na ninakaw sa amin."

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay Marie at kay Gena, lalong kumukulo ang dugo ko sa kanila.

Parang wala silang ginawang masama at napakakalmado pa niya magsalita.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon