Episode 13-Takot

834 90 31
                                    

Mitch's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Nagising ako dahil sa pag-ring ng aking cellphone. Bumangon ako at kinusot
ang dalawang magang mata dahil sa kakaiyak. Kinuha ko ang cellphone na nasa lamesa at tiningnan kong sino ang tumatawag.

30 missed call
Bebe James

"Siguro alam niya na ang nangyari kay Gena," pabulong kong sabi sa hangin. Nang tumawag ulit si James, sinagot ko na ito.

"James si Gena sa hospital at malala ang condition niya!" walang habas kong sabi.

"Oo, alam ko sinabi sa akin ni Carlo, Okay ka lang ba? Kumain ka na ba?" rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.

"Not yet, kagigising ko lang love," matamlay kong sambit sa kanya.


Napatingin ako sa wall clock, pasado alas nwebe na pala ng umaga.

"Sige punta kami diyan ni Carlo ngayon. Dala na rin ako ng foods para makakain ka," nag-aalalang sabi ni James

"Sige hintayin ko kayo."

Nang matapos ang pag-uusap namin ni James. Tumayo ako at nagsimulang mag-unat-unat ng katawan. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos.

Sa bawat dampi ng tubig sa aking mukha, naramdan ko na parang may mga matang nakasilip. Napahinto ako sandali nang biglang bumukas ang pinto nang bahagya. Tumingin ako sa salamin sa banyo na tanaw ang pinto.

"Sino 'yan?" tanong ko ngunit wala akong narinig na sagot

Nagulat na lang ako sa isang malakas na tili galing sa ibaba. Kaya dali-dali akong bumaba ng kuwarto at tumungo sa kusina kung saan galing ang sigaw.

"Ay! Jusko po!" malakas na sigaw ni Manang Pisa.

Kahit ako ay napasigaw din at napatakip ng bibig nang makita ang naghihingalong pusa,
na nasa sahig habang sumusuka ito ng malalapot na dugo. Bumaba rin si mama dahil na rin sa ingay na nalikha namin. Napansin ko na kagigising lang niya dahil sa magulo niyang buhok.

"Jusmiyo! Kay sinong pusa 'yan!" malakas na wika ni mama.

"Ewan nga teh, paggising ko nakita ko na lang 'yan," tugon ni Manang Pisa na nanginginig.

"Sige manang palinis na lang po! Ano ba 'yan," inis na sambit ni mama. na agad ding bumalik
ng kuwarto.

"Naku, kawawa naman baka nalason 'yan," sabi ko habang pinagmamasdan ang nag-aagaw buhay na pusa.

Natakot ako nang biglang tumayo ito, at akmang lalalakad palapit sa akin ngunit agad ding natumba, at tuluyang namatay.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa nangyari. Maya-maya biglang tumunog ang doorbell.

"Baka sina James na 'yan." Kaya nilisan ko ang kusina at nagmamadaling pumunta sa
gate.

"James! "sabi ko nang buksan ko ang gate. 

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon