Episode 27- Kapilya

686 45 11
                                        

Mitch's POV

Aalis na kami nang mapansin kong huminto si Dalia sa paglakad.

"Dalia, sumama ka na sa amin iwanan mo na ang lugar na 'to! Para makita mo na si Cristina!"

"Hindi p'wede! Paano ako makakaakyat diyan" at tinuro nito ang mabigat na kadena sa paa. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya malisan- lisan ang lugar na ito.

Nag-isip ako ng paraan ngunit wala akong mahanap na bato o bagay na p'wede wasakin ang kadena. Hindi rin siya makaakyat dahil sa laki ng pagitan ng mga naglalakihan na bato.

"Kaya p'wede ba sabihin mo sa kapatid ko na mahal na mahal ko siya! Na hinihintay ko siya na bumalik dito. Ibigay mo rin sa kanya ang medalyon." Pahikbi na tugon niya sa amin. Nalulungkot ako para sa kanya. sinagot ko siya ng yakap.

Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap. Tinapunan niya kami ng ngiti sabay bumalik ito sa butas na linabasan namin.

"Ano bang pinaggagawa niyong dalawa! Umalis na tayo!" wika ni Carlo na naiinis, na kanina pa pala naunang umakyat.

"Dalia wait," sabi ko. Akmang hahabulin ko ang babae ngunit pinigilan ako ni James.

"James ano ka ba! Tinulungan niya tayo dapat tulungan din natin siya makalabas!" Nadismaya ako kay James sa pagpigil niya sa akin.

"Matutulungan natin siya kung makakalabas tayo rito ng buhay! Wala na tayong oras love. Umalis na tayo rito!" sabi niya sa akin.

Hinila niya ako at maingat na inalalayan sa pag-akyat. Wala na rin akong magawa kundi sumunod.

Nang makaakyat kami. Nasilaw ako sa liwanag ng araw dahil na rin sa katagalan namin sa ilalim ng lupa.

"Ligtas na tayo guys! Akala ko mamatay na talaga tayo sa loob!" sabi ni Carlo na napaiyak sa tuwa. Dahil doon nagyakapan kami sa labis na galak.

 *******************

Sa kapilya ay nagluluksa si Pastor Gabriel sa pagkamatay ng asawa at anak niya.

Nakabalot ito ng telang puti na nakapatong sa ibabaw ng malapad na mesa.

Ang singkuwenta na miyembro naman nito, ay nakaluhod at sumasabay sa hagulgol ni Pastor Gabriel. Pinagdadarasal naman ng pinuno nila na si Pastor Adalfaruz ang dalawang bangkay.

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nagpagulat sa dalawang pastor at sa mga miyembro nito.

"My warrant of arrest kami sa inyong lahat sa kasong kidnapping sa tatlong estudyante na sina Mitch De Guzman, James Lopez at Carlo Santibanez," sabi ng isang police.

Laking gulat ng dalawang pastor na napatingin sa isat-isa.

"Kaya sumuko na kayo!" sabay tutok ng mga police sa mga tauhan ng dalawang pastor, na nagbabantay sa bungad ng kapilya.

"Hindi niyo man lang ginalang ang simbahan namin! At pagkamatay ng anak ko at asawa ko!" may galit na sigaw ni Pastor Gabriel.

"May karapatan kayong magpaliwanag sa presinto at kumuha ng abogado," balik na sagot ng parak.

"Gabriel, bakit ano ito?" Papalit-palit ang tingin niya kay Pastor Gabriel at sa mga pulis

"Lo, ako bahala. alam ko ito," mahinang tugon nito sa matanda. Binalikan niya ang pulis.

The Viral [Under Editing]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon