SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa pangyayaring naganap kagabi. Dama ko pa rin ang takot at pangamba na dala ng medalyon na nasa akin ngayon.
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock.
"Myghadd, sakit pa ng ulo ko!" Kinusot ko ang dalawang mata at napilitang bumangon upang patayin ang alarm.
"Kailangan malaman ito nina James," bulong ko sa hangin.
Kaya nag-chat ako sa kanila na magkita sa playground mamayang hapon pagkatapos ng huling exam ko.
Nang matapos ko silang i-chat tiningnan ko ang medalyon na nasa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito at isinilid sa shoulder bag.
Inayos ko na ang sarili at handa na akong pumasok sa school. Ngunit bago ko pa masara ang pinto, napansin ko ang pepper spray na nasa ibabaw ng lamesa, kaya dali-dali ko itong kinuha at nilagay sa bulsa. Mahirap na sa lagay namin ngayon mas magandang may proteksiyon.
Biyernes sa ganap na alas kwatro ng hapon.
Nasa room ako ngayon at seryosong sinasagutan ang pagsusulit sa subject na statistics.
Ilang oras ang nagdaan pero hindi ko pa ito natatapos, kailangan ko na ito ipasa agad. Napatingin ako sa orasan, 15 minutes na lang ang natitira kaya naman sinulit ko na ito. Hindi ko na ito ni-review, binigay ko na lamang sa proctor.
Bumalik ako sa upuan upang kunin ang shoulder bag ko. Ngunit napukaw ang atensiyon ko nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag, dahil doon umalingawngaw ang tunog nito sa loob ng silid aralan.
"Miss, if you're done please leave the room right now!" pagalit na sabi ng lalaking proctor na nagbabantay.
"I'm sorry sir," nahihiyang sabi ko, habang mabilis kong kinuha ang cellphone at umalis ng classroom.
"Hello sino 'to?" takang sambit ko sa kabilang linya.
Narinig ko ang malalim na boses ng isang lalaki.
"Pinapaalala ko sayo. Dalawang araw na lang ang natitirang palugit para sa pamilya niyo-"at naputol na ang tawag.
Nagulantang ako sa narinig. Gumapang ang takot at kaba sa aking dibdib. Nanlalamig ang aking mga palad dala ng matinding ligalig na nararamdaman ko ngayon.
Kaya patakbong-lakad akong lumabas sa building at tumungo sa playground.
Hinahabol ko ang aking paghinga nang nasa playground na ako. Napahawak pa ako sa tuhod dahil sa matinding pagod. Natanaw ko sa malayo sina James at Carlo, na nakatayo at naghihintay sa akin sa ilalim ng puno ng Narra, kaya naglakad na ako palapit sa kanila.
"Si Chris, saan na?" sabi ko at tumayo ako ng tuwid.
"Wait lang daw galing lang siya ng registrar," sabi ni Carlo.