Lumipas ang isang linggo
Araw ng lunes, 6:20 pm
Mitch's POV
Abalang- abala ako sa paggawa ng assignment sa Business Management na subject. Nakaupo ako sa study table, habang nagsusulat sa aking notebook. Si Ate Sarah naman ay nag-ske-sketch sa kanyang drawing table.
Napatigil ako sa paggawa nang bumukas ang pinto.
"Mitch, tumatawag si Marie sa telepono!" sabi ni Manang Pisa.
"Ah, sige po manang bababa po ako!"
Agad akong tumayo upang bumaba ng kuwarto at pumunta sa sala, kung saan nando'n ang telepono.
"Oh, bes bakit napatawag ka?"
"Bes Mitch, hindi ako makatulog. Nakokonsyensiya na ako. Ano gagawin ko?" Ramdam ko ang nanginginig na boses niya.
"Tungkol pa rin ba ito sa nangyari sa Quezon Province?" pabulong ko na sabi, nang makita ko si mama na nanonood ng TV.
"Kasi nakita ko talaga sa video bes yong mga suspect!" tarantang sambit ni Marie.
"Wait, alam ba 'yan ni Chris?" Lalo ko pang hininaan ang boses ko nang lumingon si mama sa akin.
"Oo. Siya nga nagsabi na tawagan ka, kasi may balak kami na pumunta ng police station
bukas para sabay-sabay na tayo pumunta," seryosong sambit niya."Sige! Hayaan mo bes. Bukas na bukas kausapin ko rin sina James at-"
"Ahhh tulong... Ahh." Narinig ko ang isang malakas na kalabog. Kaso hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Marie.
"Bes? Marie? Hello! Hello!" malakas na sabi ko sa kabilang linya.
Toot...
Toot...
Toot...
O-M-G bakit parang may nangyari kay Marie. Parang masama ang hinala ko. Kinabahan ako bigla. Huwag naman sana.
"Anak okay ka lang?" Sabi ni mama na napalingon at nagtaka sa reaksiyon ko.
"Ma, parang may nangyari kay Marie?" nanginginig kong tugon.
"Ano?" sabi ni mama, sabay hininaan ang tunog ng TV.
"Ma, alis muna po ako? Puntahan ko lang si Marie!" naprapraning na ako. Ang besfriend ko, ang bestfriend ko!
"Huwag ka umalis mag-isa! Magpasama ka sa Ate Sarah mo!" sigaw ni mama nang makita niya akong patakbong umakyat ng hagdan.
Mabilis akong pamunta ng k'warto. Kinuha ko ang Jacket na naka-hanger sa cabinet, at dali-daling sinabihan si Ate Sarah. Sumakay kami ng taxi papunta sa apartment ni Marie. Hindi mawala-wala ang kaba sa aking dibdib. Hindi mapakali ang
aking mga kamay, paulit-ulit ko itong hinimas-himas."Ano ka ba Mitch! Relax ka lang nga, kahit ako nate-tense sa'yo" sabi ni Ate Sarah, na nasa harap katabi ng driver ng taxi.
"Hindi ko kasi ma-contact si Marie teh! Iba talaga kaba ko promise!" sabi ko sa kanya habang dina-dial ang cellphone ni Marie. Patingin-tingin ako sa bintana, inaalam ko, kung
nasaan na kami.*Your number is out of coverage area please check the number and dial again*
*Your number is out of coverage area please check the number and dial again*
"Manong! Pw'de pakibilisan niyo po ang pagmamaneho!" sigaw ko sa driver
"Mitch, huwag kang mag-panic!" nababalisang sambit ni ate.
Kaba at takot- 'yan ang aking nararamdaman. Hindi ko na alam ang gagawin, napapaiyak
na ako.Bumibigat ang aking dibdib nang malapit na kami sa street ng apartment ni Marie. Ngunit lumaki ang dalawa kong mata nang tumambad ang kumukuti-kutitap na mga ilaw ng sasakyan ng police. Maraming tao rin ang nagtipon-tipon na tila'y may pinapanood. Jusko! Huwag naman sana!
"Manong dito lang!" pasigaw kong sabi.Huminto ang sasakyan. Binuksan ko agad ang pinto at hindi na hinintay si Ate Sarah na bumaba.
"Mitch, wait lang," sabi ni ate habang inaabot ang bayad sa driver. Ako naman ay patakbong tumungo sa maraming mga tao.
"Kawawa naman ang nakatira diyan."
"Linooban daw!"
"Excuse me, excuse me" sabi ko sa bawat taong dinadaanan.
"Ano ba 'to, bastos namang tao 'to!"
Hindi ko pinansin ang mga taong nababangga ko, kahit ano pang sabihin nila, kaibigan
ko ang nakatira sa apartment na ito!Nakita ko si Chris, sa isang sulok na kinakausap ng mga police.
Lumapit ako sa kanya."Chris, anong nangyari?" balisang tanong ko sa kanya.
"Mitch, Si Marie- patay na siya!" lumuluhang tugon ni Chris.
Parang binagsakan ako ng yelo sa likod sa mga binitiwang salita ni Chris.
Napatakip ako sa bibig at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Chris. Paano? At bakit?
"Ha? Paano?" nanginginig na tanong ko sa kanya sa labis na pagkabigla.
"Nakita ko siya sa Cr. May tama ng baril sa ulo!" Hinawakan pa ni Chris ang batok habang umiiling na nakatingin sa kalawakan.
Hindi! Anong nangyayari! Magka-usap lang kami kanina. Wala na ang bestfriend ko. Si Marie ang bestfriend ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili, lumambot na ang tuhod ko. Dumampi sa akin ang malamig na hangin, kaya napayakap ako sa sariling katawan. Napaupo ako sa labis na panghihina habang patuloy sa pagluha.
"Hindi, hindi, hindi!" Tuluyan na akong napahagulgol sa binitiwang salita ni Chris. Sa sobrang lakas ng hagulgol ko, pinagtitinginan na ako ng mga tao.
Nakarating si Ate Sarah sa p'westo namin at nilapitan ako.
"Mitch, anong nangyari?" nag-aalalang sambit ni ate, na hinawakan ako sa balikat.
Mabilis akong tumayo at yinakap si Ate Sarah nang mahigpit.
"A-ate, p-patay na si Marie! Patay na siya!" hagulgol kong tugon sa kanya.
PAALAM MARIE!
to b continued...
BINABASA MO ANG
The Viral [Under Editing]
УжасыSI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media. Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...