SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
One month later. Saturday, 1:00 pm.
Mitch's POV
Dahil gusto kong mawala ang kalungkutan ko sa pagkawala ni Marie, naisipan kong mag-vlog ulit. Nasa kwarto ako at nag-live sa youtube.
"Hi guys. Sobrang busy this past month. Kaya ngayon lang ulit naka-vlog. I just want to share my saddest story when you lose someone like friends." Hinawakan ko at ipinakita ko ang picture frame namin ni Marie na magkasama.
"Siya po 'yong bestfriend ko si Maire," mahinhin kong sabi sabay turo sa larawan ni Marie.
Shinare ko sa mga viewers ang mga memories together with Marie. May part na hindi ko napigilan ang luha ko, pero at the same time nagbigay rin ako ng advice.
"So that's the end guys. Salamat po pala sa 10k viewers ko ngayon! By the way, kung mayro'n po kayong ipapayo just comment down below po. Lahat po 'yan pagtitiyagaan kong basahin! At sa mga bago lang po diyan please subscribe to my channel para updated po kayo sa mga latest videos ko,"nakangiti kong sambit.
May ilang nag-comment, nire-reply-an ko naman ito. Sa sobrang dami hindi ko na alam, kung saan ang uunahin ko. May parte sa puso ko na maligaya na kahit papaano mayroong nagmamahal sayo, kahit hindi kayo magkakilala. Gusto ko ang mga sinasabi nila sa comment section.
Just pray lang ate Mitch, we're here for you
I miss Ate Marie din, lagi niyo po siyang kasama sa mga vlog niyo ate.
Ano pong nangyari Ate Mitch, hindi ko pa rin magets?
Pa'no ko ba ito mae-explain. Magre-reply na sana ako nang may biglang nagcomment sa akin.
Mitch kumusta bakasyon niyo sa Quezon Province?
comment ng isang subscriber, ang pangalan ay "PokerFace" at ang profile picture nito, ay ang mismong picture ko.
Kumusta ka na?
Kumusta bakasyon mo sa Quezon?
Kumusta bakasyon niyo sa Quezon?
Tuluy-tuloy pa rin ang pag-type nito
Hoy! Sagot naman.
Hindi ko ma-igalaw ang daliri ko. Hindi ko sinabi sa vlog ko ang tungkol doon. At imposible naman na makilala nila kami. Hindi ko nga na-upload sa Youtube ang video namin sa outing, kasi karamihan ng videos ay nasa camera ni Marie. Kaya imposibleng may nakakaalam nito. Nang dahil sa tanong na iyon. Lalo akong ginatungan ng iba pang netizen.
Anong quezon ate, saang quezon po? Sayang hindi ka namin nakita.
Andaya naman Ate Mitch. Nakapag meet to fan ka sana.