Finale

1K 62 39
                                    

Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mangyari iyon. Lahat ng matataas na membro ng Ortedma church ay hinuli ng mga police sa lahat ng panig ng bansa.

September 21, 2018 Alas kwatro ng hapon. Habang naghihintay si Mitch sa susunod na LRT.

"Mitch, ikaw ba iyan?"

Napalingon si Mitch nang may tumatawag sa bandang likuran niya.

"Ha?" gulat na tugon nito. Hindi niya kilala ang babaeng nasa kanyang harapan, ni pangalan man lang, wala siyang ideya. Kung siya ang tatanungin. Hindi lalayo ang edad ng babae sa kanya. Nakamini skirt ito at t-shirt ng pink. May katangkaran, kung ikukumpara sa normal na babae.

"Hindi. hindi ako si Mitch," nagtatakang sambit ni Mitch. Hindi niya maiwasang kabahan bagamat patuloy pa rin ito sa pagtawag sa kanya. Sinawalang kibo niya ito. Kumunot ang kanyang noo at kinagat ang labi sa pagkairita ngunit hindi niya pa rin ito pinapansin.

"Hindi ako nagkakamali, ikaw si Mitch, ikaw yung nasa viral video sa facebook 'di ba?" napalakas ang sabi ng babae kaya narinig iyon ng mga tao sa paligid nila. Dahil doon, naging usap-usapan siya sa pila.

"Siya ba yan?"

"Oo nga siya nga."

Hindi rin nakawala sa kanyang pandinig ang mga bulong-bulungan

"Anong viral?"

"I-search mo nga, nakuwento sa akin iyon..."

Hindi na niya natiis ang mga pinagsasabi ng mga tao. Kinuyom niya ang kanyang palad para mapigil ang kanyang inis. Tinalikuran ni Mitch ang singkit na babae gayundin ang mga tao. Umalis siya sa pilahan ng LRT nang nakayuko ang ulo tila nahihiya. Sinundan ng mga tao ang kanyang paglisan.

Hanggang makalayo na siya ay dinig niya pa rin ang mga tao at ang mga pinagsasabi nila sa kanya. Ilang segundo siyang tumigil sa paglalakad at huminga nang malalim. Hindi siya magpapaapekto sa mga sinasabi nila. Kailangan niyang pigilan ang emosyon, kaya pinunasan niya agad ang luha. Kinuha niya ang shades sa kanyang bag. Isinuot niya ito kahit walang araw. Isinuot niya ito na parang artista o sikat na tao, na kailangan iwasan ang mga humuhusga sa kanya.

At sa bawat taong nadadaanan niya. Sinusuklian niya ito ng magagandang ngiti kapag naririnig niya ang kanyang pangalan. Dahil siya si Mitch.

"Nakita ko na naman siya."

"Si Mitch ba iyon. Diba siya iyon."

Ang viral sa Facebook.

Mitch's POV

Hindi ko maisip dahil sa gabing iyon na panghahalay sa akin. Kumalat ang video ko sa mga social media nang napakabilis. Putol ang video at hanggang paghalik ko lamang ang dulo ng video na 'yon. Dahil doon ginawan na rin ako ng kung anu-anong title sa facebook, at youtube, at sari-saring kuwento. Diyan 'yung 'blogger nagpakantot sa isang lalaki' 'potang babae na naglive sa facebook viral' o di kaya 'Vlogger sex scandal'. Ngunit nagkibit-balikat ako kahit sa loob ko nasasaktan ako! Wala silang alam sa pinagdaanan namin.

Nasa sala ako nakaupo kasama si mama at ate.

"Mitch, okay ka lang ba?" nag-aalalang sambit ni Ate Sarah habang hinahagod ang likod ko.

"Anak hindi mo naman kailangan gawin iyan! Sabi ng kuya mo, pinapadelete na lahat ng video mo sa social media ng mga police kaya huwag ka na mag-alala!" ani ni mama na binigyan ako ng tubig.

Ngunit buo na ang desisyon ko kailangan ko itong gawin para ikatatahimik ng lahat. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Ma, Ate. Nakapagdesisyon na po ako! Maglilive po ako bukas sa facebook. Gusto kong ikuwento ang lahat ng nangyari sa akin!Para matapos na 'to." Agad akong yinakap nina mama.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon