SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I dedicated this story to msyooki Salamat sa pagbabasa at pagsuporta sa story ko. ♥♥♥
************************************ Mitch's POV
Patuloy ang buhos ng ulan ngunit hindi na ito gaanong malakas katulad kanina.
Dahil hindi kami mapakali, palinga linga kami sa side mirror baka diyan na ang mga suspek. Pasalamat ako na matulin ang sasakyan ni Chris, kung hindi kanina pa kami nahabol.
Sumandal muna ako sa balikat ni James samantalang siya naman ay akbay ako.
Narinig ko na may katawagan si Carlo.
"Talaga po!" masiglang sambit niCarlo.
Naagaw niya ang atensiyon namin.
"Salamat at nagising na si Gena!" Biglang nabuhayan ang aking diwa, gano'n din si James nang marinig niya ang pangalan nito.
"sige po Tito..Opo.. Hello Gena.. kiss. Kiss?Gusto mo kiss kita pagbalik ko sa Manila?"
Nakita ko pang kinikilig si Carlo habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Masaya naman ako na nagkamalay na si cousin. Isang linggo na rin siyang nakaratay at nagpapagaling sa hospital, kaya hindi pa rin mapawi ang ngiti ko nang marinig ko ang magandang balita. Nakita ko naman sa salamin ang pagkagalak ni Chris.
"Mitch, kausapin ka ni Gena. Sabi ni tito hindi raw siya makapagsalita ng diretso so ikaw na lang mag-intindi."
Inaabot sa akin ni Carlo, ang kanyang cellphone at agad ko namang kinuha 'yon.
"Okay. Hello Cousin? Kumusta ka?" masayang bati ko dito.
"Mi..sh.. kiss kiss" mahinang sabi niya sa kabilang linya.
"Kiss.. ki..ss sa fanay sa ngin" dugtong nito.
"Sorry Cous, hindi kita maintindihan?" Napahawak pa ako sa ulo dahil doon.
"Ahm, cousin nandito pala kami kay Chris sasakyan ngayon" pag-iiba ko nang usapan.
"Oo... o...o..oo," bulong ni Gena.
Hindi ko talaga siya magets kaya napayuko ako dahil masyadong maingay ang mga kasama ko. Nilapat ko pa masyado sa tenga ang cellphone para marinig ng mabuti ang sinasabi ni Gena.
"Cous, okay ka lang?" nag-aalalang sambit ko sa kanya.
"Kiss.. ki..ss sa fanay sa ngin" mabagal na sambit ni Gena.
"Chris malapit na ba tayo?" narinig ko ang boses ni Carlo.
Saglit na rumehistro sa utak ko ang sinabi niya.
Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo kay Carlo, na palingon-lingon sa bintana.