SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
I dedicated this story to Kokoykolokoy salamat sa pagsuporta.
***********************************
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Nanlumo ako sa lahat nang sinabi ni Chris. Alam kong hindi siya nagbibiro. Ito na talaga ang katapusan namin.
Nabigla ako nang naramdaman ko ang mabigat niyang kamay sa aking buhok at agad niya itong sinabunutan. Napangiwi ako sa sakit.
"Kaya Mitch, lahat nang nangyayari sa inyo ngayon ay kasalanan mo!"
Pigil ang aking hininga nang linublob niya ang mukha ko sa putik.
"Mitch!Tama na Chris please," sigaw ni James.
Binitawan ni Chris ang buhok ko at pumunta sa puwesto ni James. Habol ko ang aking paghinga. Wala akong lakas para pigilan siya, tumingala ako upang hugasan ng ulan ang putik na tumabon sa talukap ng aking mata.
"Ang sweet naman pre." At malakas ang tadyak nito sa dibdib ni James, kaya namilipit ito sa sakit.
Unti-unting tumigil ang ulan. Mga tunog na lamang ng mga palaka ang naririnig namin. Umaasa kaming may tutulong sa amin kahit maliit lang ang tiyansang mabubuhay kami.
Nilagyan na kami ni Chris ng duct tape sa bibig habang nakaluhod kami sa putikan.
"Sino gustong mauna? Ano ladies first?" At mabilis na sinabunutan ako ni Chris, samantalang umiiling sina Carlo at James habang umiiyak na nakatitig sa akin.
Unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa. Tila ito na ang katapusan namin.
Bigla na lang napukaw ang atensiyon naming lahat nang may naaninagan kaming liwanag na tumama sa kotse ni Chris. Parang nabuhayan ang kaluluwa ko dahil doon.
Narinig kong kinasa niya ang baril.
Sh*t!
"May tao ba riyan?" malakas na sigaw ng isang lalaki.
Nakita kong papalapit na ito, dahil lalong nagiging maliit ang sakop ng liwanag ng kanyang flashlight.
Alam kong nasa likod na ng sasakyan ang lalaki, at malapit na ito sa amin sapagkat narinig ko ang normal na tuno ng boses niya.
"Ay, hala kay sino naman sasakyan ito? Ang layo ng highway para i-park dito."
Nakita kong tumago si Chris sa harap ng sasaktan na hawak-hawak pa rin ang shutgun.
Nasilaw ako sa tumamang flashlight sa mata ko, dahil doon napapikit ako. Nang hindi na ito nakasentro sa aking mata , dumilat na ako. Narinig ko ang boses ng lalaki palapit ito sa amin.
"Anong nangyari sa inyo?" takang sambit ng lalaki.
Natanaw ko ang isang may edad na lalaki, nakasuot ito ng raincoat na transparent, sa loob nito ay ang damit na kulay white at ang pang-ibaba ay maong na pantalon na tiniklop hanggang tuhod, nakasabit ang bulo sa kanyang baywang, at maputik ang suot nitong tsinelas.