Episode 18 -Hospital

665 67 44
                                    

Mitch's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

"Hayop na 'yon mamatay ako sa nerbiyos!" sigaw ni Carlo sa loob ng sasakyan.

"James, anong plano niyo?" seryosong sabi ni Chris habang tutok sa pagmamaneho.

"Hindi ko alam," matamlay na tugon ni James.

lahat kami ay nanlumo sa sinabi ni James.

"Kailangan ko tawagan si mama," sabi ko sa kanila. Pipindutin ko na sana ang cellphone ko, nang biglang tumawag si P01 Carpio.

"T-Tumatawag si P01 Carpio!" tarantang sabi ko sa kanila, bagamat hindi ako makadesisyon kung sasagutin ko ba ang tawag.

"Huwag mong sagutin! 'Di ba ikaw lang may contact number niya. Patayin mo phone mo baka ma trace tayo niyan." Nakita kong kumunot ang noo ni Chris, sumang-ayon rin naman si Carlo at James.

Kaya sumunod ako kay Chris at agad kong pinatay ang cellphone.

Tila lalong lumalakas ang buhos ng ulan habang tintatahak namin ang madilim at malawak na kalsada.

"Malayo na tayo sa Manila, Laguna na to."-James

"Do you think na dapat bumalik na tayo?" sabi ko na nag-aalala habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga sasakyan, at street light na nalampasan namin.

Saktong paglingon ko sa side mirror ay may napansin akong van na itim. Nakita rin ito ni Carlo, at naprapraning na sinabi pa sa dalawa naming kasama.

"Hala! Nakasunod na sila," sabay-sabay na sabi naming apat.
Kaya mabilis na pinaharurot ni Chris ang sasakyan. Kinakabahan kami tila walang katapusan ang karera namin.

Nakita namin na binilisan na rin ng mga suspek ang kanilang paandar.
Ilang oras din kami na naglalaro ng patintero sa kanila.

"Paano tayo makakabalik nito kung sinusundan tayo ng mga suspek!" nababahalang sambit ni James.

"Ako bahala ililigaw ko sila!" seryosong tugon ni Chris, na binilisan lalo ang sasakyan at lumiko kami kung saan-saang kanto. Nakita namin na hindi na nga nakasunod ang mga papatay sa amin.

"Wala na ata sila," sabi ko, kaya nakahinga na ako nang maluwag.

"Guys stop muna tayo doon." Turo ni Chris sa isang gas station.

"Salamat naman, ihing-ihi na ako,"  mahinang sabi ni Carlo na agad bumaba ng sasakyan at tumakbo patungong  C.R.

Dahil doon bumaba na rin kami ni James. Bumili ako ng maiinom kasama si James sa malapit na convenience store.

"James, nasaan na ba tayo?" baling ko sa kanya habang kumukuha ng mineral water sa refrigerator.

"Hindi ko din alam, Teka magtanong tayo," tugon nito, na tinulungan akong magdala ng mineral water.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon