Episode 22- Pamilya

666 54 38
                                    

I dedicated this story to unbreeeykable thank you sa pagsuporta. 
************************************

 ************************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

"Nay sino sila!" madiin na sambit ng binatang lalaki. Tila nakainom ito, nakasandal pa ang balikat nito sa pintuan. Kung titingnan nasa bente uno pataas ang edad nito dahil sa kanyang katawan.

"Mga taga Maynila, tinulungan ko kasi may papatay daw sa kanila,"  seryosong tugon ng kanyang ina.

"Lintik!" Pinalo pa nito nang malakas ang pinto, dahil doon nagulat ako.

"Baka madamay tayo diyan nay! Paalisin niyo 'yan ngayon na!" Lasing na pagkakasabi nito.

"Saan naman sila pupunta Rat? Matulog ka na nga sa k'warto mo lasing ka na naman. Pupunta na si Kapitan para sunduin sila rito,"  bulyaw ni Ginang Berta. Pumunta pa ito sa lalaki at nagpatuloy sa pagsasalita.


"Hays, dapat ikaw kumuha ng kamote para sa pagkain ng mga baboy hindi ang tatay mo! Kung saan-saan ka pumupunta. Batugan ka talaga!" sermon pa niya habang dinuduro ang lalaki sa sobrang inis.

"Tssk, malas, malas mga 'yan!" wika ng lalaki at pasuray-suray itong naglakad at umupo sa upuan ng lamesa kasama namin, saka naghalumbaba ito upang matulog.

"Sorry, natakot ba kayo? Nakainom kasi kaya ganyan, pero mabait naman ito." Napakamot pa ang ginang sa ulo at inalalayan ang anak upang ihatid sa kuwarto.

Ngumiti lang kami bilang tugon. Kahit sa kaloob-looban namin, natakot kami at kinabahan. Akala namin si Chris na.

Nagbuntong-hininga ako at sinimulan ko ng i-dial ang number ni mama na naudlot kanina. Pasalamat ako at sinagot naman ni mama ang tawag ko.

Mommy Vicky's POV

Nakaupo ako sa sofa sa sala habang naghihintay na dumating sina Brayan at Sarah. Pumunta kasi sila sa presinto upang i-report na nawawala ang bunsong anak ko.

Nang bumukas ang pinto, agad akong napatayo upang salubungin sila. Bakas sa mukha nila ang kalungkutan.

"Ano nakita na ba si Mitch?" sabi ko na naghihintay ng magandang balita.

Umiling lang silang dalawa bilang sagot. Kaya nalungkot ako at nanghina na napaupo sa sofa.

"Hinahanap pa ng mga pulis ma. Tumulong na rin sa paghahanap si P01 Carpio, kahit siya hindi raw sinipot ni Mitch kaninang hapon," sambit ni Brayan na nababahala. 

"Sina Carlo, James din hindi rin macontact, nakapatay din ang cellphone," malungkot na saad ni Sarah na agad lumapit sa akin upang hagurin ang likod ko.

"Jusko, paano na ito," naiiyak na ako sa matinding kaba at ligalig. Anak saan ka na! Napahawak pa ako sa ulo pakiramdam ko nahihilo ako. Mabilis naman na binigyan ako ng isang basong tubig ni Manang Pisa.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon