SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Medyo padilim na rin nang makauwi ako sa bahay.
"Bye ingat kayo!" kumaway pa ako sa kanila, bago ko isara ang gate.
Napansin ko ang isang nakaparadang itim na van hindi kalayuan sa bahay nina Gena.
Biglang umulan, kaya dali-dali akong pumasok sa bahay.
Gena's POV
Alas onse na ng gabi at malakas ang buhos ng ulan.
I'm busy calling Carlo in my cellphone. Nakadapa ako sa bed ko with pillow sa dibdib.
"Please kumanta ka na para i-record ko?" pamimilit ni Carlo.
"What? Why do you have to record it? Because of that I don't want to sing," maarting tugon ko sa kanya.
"Sige hindi na. Basta kumanta ka lang, para mahimbing ang tulog ko ngayon please?"
Bakit kasi ang cute ng boses niya, para akong kumakausap ng DJ sa radio. Hindi ko tuloy matanggihan.
"Tssk, Ano bang gusto mong kanta?" sambit ko habang nilalaro ko ang hibla ng buhok ko.
"Kahit ano," malambing na boses ni Carlo.
"Sige na nga! I will sing kahit ayaw muna by this ban." I started to sing the song.
"Kahit ikaw ay magalit, sa'yo lang lalapit, sayo lang aawit Kahit na ikaw ay nagbago na, iibigin pa rin kita, kahit ayaw muna-"
Isang malakas na pagkatok sa pinto sa sala ang nagpatigil sa aking pagkanta.
"Wait lang Carlo!" I go outside and knock the door of our schoolboy which is in front of my room.
"Beks, 'yong pinto pakitingnan kung sino kumakatok! Baka si papa 'yan lasing na naman siguro!" yamot kong pakiusaphabang hinihintay na bumukas ang pinto.
"Ay sige teh papunta na." Pakinding-kinding itong bumababa ng hagdan habang ginagalaw nito ang kulot at mahabang buhok.
"Oh, ito nasaan na nga ako! Uulitin ko ba?" mahinhin kong tawa habang sinuot ang earphone.
Babalik na sana ako ng k'warto nang isang malakas na kalabog ang narinig ko sa baba. Nagulat din ako nang biglang nag-brownout.
'O-M-G!" malakas nasigaw ko.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Carlo.
"Oo, nag-brownout kasi rito," mahinahon kong tugon sa kanya.
Narinig ko ang naglaglagang mga bagay sa sala.
Nakaramdam ako ng kaba dahil doon.
"Beks, ano 'yon!" pasigaw ko na sabi, habang kausap ko pa sa linya si Carlo.