SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Nasa loob ako ng classroom ngayon habang nakaupo sa gilid, kung saan may bintana.
Dahil dito tanaw ko sa labas ang playground ng campus namin. Wala akong maintindihan sa tinuturo ng professor ko. Sadyang lumalayag ang isipan ko, na hinihintay lang matapos ang klase na 'to. Mula sa bintana, tahimik ko na pinagmamasdan ang mga tao sa labas.
Napatingin ako sa dalawang babae na masayang naglalakad papasok sa building. Naalala ko bigla si Marie, madalas sabay din kaming pumasok sa school. Napalingon din ako sa bakanting upuan na katabi ko.
Sinariwa ko ang mga alaala namin ni Marie sa classroom na 'to. Napapikit ako, at pinipilit na huwag lumaglag ang namumuong luha sa aking mga mata. Isang buwan na rin ang nakalipas, pero parang kahapon lang ang nagdaan.
Ito pala ang pakiramdam na mawalan ng pinakamatalik na kaibigan. Ang pakiramdam na ang sakit-sakit na ang lungkot-lungkot!
Bumalik ang diwa ko nang biglang tumunog ang alarm ng school na hudyat na tapos na ang klase.
"Okay class see you next week. Enjoy your long weekend!" sabi ni Ma'am Jackie, professor ko sa statistics.
Nakahinga ako nang malalim dahil natapos na ang paghihintay ko sa nakakabagot na klase na 'to.
"Salamat naman at tapos na," pabulong kong sabi.
Kinuha ko ang shoulder bag, at isinabit sa balikat. Natanaw ko sa labas ng pinto na naghihintay si James.
"Oh, bakit parang malungkot ka na naman?" sabi nito nang lumabas na ako ng silid.
Nagkukwentuhan kami habang naglalakad kami sa malawak na corridor ng paaralan.
"Alam mo kasi nitong mga nakaraang araw daming nangyayaring di ko mapaliwanag James," mahinang tugon ko sa kanya.
"Katulad nang?"
"Nakita ko si Marie, James sa C.R namin duguan siya!" seryosong sambit ko sa kanya.
"Totoo ba yan? I mean baka stressed ka lang?"
"Hindi ko na alam ang nangyayari. Ewan, kung stressed lang ba 'to o puyat lang talaga ako! Pero parang totoo talaga na nangyari!" Napahawak pa ako sa ulo nang sabihin ko 'yon.
"Hayaan mo total may long weekend naman tayo, baka gusto mo mamasyal bukas?" Naramdaman ko ang init ng palad niya nang hawakan niya ang kamay ko, at agad ko namang ginantihan iyon. Kaya nakaholding hands na kami habang palabas ng building.
"Ano ka ba! Grounded nga ako 'di ba? School at bahay lang routine ko ngayon," pantataray na saad ko.
"How about this day! Total maaga pa naman." Sabay tingin niya sa kanyang wrist watch.