SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Kinaumagahan dinalaw namin si Gena sa hospital. Tumambay muna kami sa labas ng room para magpahangin. Umupo kami ni James sa mahabang bakanting waiting bench. Kinuwento ko sa kanya ang naranasang kababalagyan kagabi.
"James, parang 'yong hallucination ko parang totoo na talagang nangyari. Hindi kapani-paniwala pero nararamdaman ko siya James. 'Yong pagkahawak niya sa paa ko, at pagkatumba ko, t-tapos nang makita ko 'yong demonyo sa ilalim ng higaan. Talagang kinilabutan ako," nanginginig nasaad ko habang nakatitig lang kay James.
"Naniniwala ka ba sa sinasabi ko?" malungkot ko na sambit sabay hawak ng kamay sa kanya.
"Oo, naniniwala ako sayo," seryosong tugon ni James. Yinakap niya ako at nadama ko ang mainit niyang katawan, kaya agad ko 'tong sinuklian.
Buti talaga nandito si James, kasi sa nangyayari sa akin ngayon, gusto ko lang nang may kausap at makakaintindi 'yong hindi ka huhusgahan.
Napabitaw kami nang pagkakayakap nang dumating si Carlo.
"Oh, ang aga naman ng ka-sweet-an ng love birds. Sana all!" saad ni Carlo na may bitbit pang supot ng prutas.
"Pre, Bakit nandito ka?" takang tanong ni James.
"Syempre dinadalaw ko mahal ko. Gusto ko pagmulat niya, ako unang masilayan," malambing na sambit nito.
"Talagang malakas ang tama mo kay cousin ah," sabi ko na nakangiti.
" Hays, sana gumising na siya, kasi hindi ako makatulog sa labis na pag-alala. Miss na mis ko na si Gena," malungkot na wika ni Carlo.
"Sana nga!" maikling tugon ko sa kanya.
Itong si Carlo, kahit medyo mayabang, mabait naman pala. Si cousin lang pala magpapalambot sa puso ng lokong 'to.
Napitigil kami sa pag-uusap nang mapansin namin sa malayo ang isang pamilyar na lalaki sa may information desk.
"Excuse me saan po ang room ni patient Gena Nicolas San Miguel?" sabi ng isang police sa nurse na nakaduty sa information desk.
. "Si PO1 Carpio di ba 'yon?" sambit ko sabay turo ng hintuturo sa gawi ni P01 Carpio.
"Oo siya nga," tugon ni James.
Nilapitan namin si P01 Carpio na nakatayo sa information desk.
"Oh, mabuti nandito kayo. Galing ba kayo kay Gena? Kumusta siya?" sambit niya na may pag-aalala.
"Comatose pa rin po," mahinang wika ko.
"Talaga, p'wede niyo ba ako samahan sa room niya, at may sasabihin din ako sa inyong importante," seryosong sambit ni P01 Carpio.
Ano kaya ang sasabihin niya? Kinakabahan na naman ako.