Episode 15 - Matanda

776 76 47
                                    

Mitch's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Nasa malawak na playground ako ng school, nakaupo sa bench habang naghihintay kay James. Sabi niya kasi sa akin doon daw kami magkikita.

"Tagal naman ni James." Tiningnan ko ang oras pasado ala una na ng hapon. Abala ang mga tao sa paglalalakad, ang iba naman ay katulad ko tumambay lang sa playground upang magmuni-muni. Dala nang pagkabagot, pinagmasdan ko ang mga atletang naglalaro ng soccer.

Maya-maya biglang tumunog ang cellphone ko sa bag. Mabilis ko
'tong kinuha at binasa ang text.

From unknown number
Kung hindi niyo maibalik ang medalyon sa loob ng tatlong araw.
Uubusin namin ang pamilya niyo!

Natakot ako at kinabahan sa nabasa. Kaya taranta akong nag-chat sa group namin sa
messenger. Ngunit mas nagulat ako nang nagmessage din sina Chris at Carlo.

Carlo Sandibal: Guys may nagtext sa akin na need na natin ibigay ang medalyon sa loob ng tatlong araw!

Chris Fuentes: Nakarecieved din ako niyan

(ako) Same, ako din

Carlo Fuentes: Si James ba Mitch nakareceived din ba?

(ako) hindi ko pa alam

Napatigil ako sandali nang may tumawag sa likuran ko. Dahil dito mabilis kong iginalaw ang aking ulo upang tingnan kung sino 'to.

"Mitch!" sigaw ni James at patakbong pumunta sa akin .
"Nakatanggap ka ba?" prangkang sabi ko sa kanya.

"Oo, yong death threat," tugon niya, kita ko sa mga mata nito ang pag-alala.

"Paano 'yan kinakabahan na ako James.  Anong gagawin natin? Kahit pamilya natin madadamay!" madiin kong sabi habang hinihimas-himas ko ang aking mga palad dahil
sa sobrang ligalig at pangamba.

Nagbuntong-hininga si James.

"Tawagan natin si P01 Carpio baka makatulong siya," mungkahi niya sa akin.
Tumango lang ako.

Dialling P01 Carpio.

"Sir, nakatanggap kami ng death threat paano kaya 'to," sabi ko habang ang mata ko ay
nakatitig lamang kay James. 



"Sabihin niyo sa mga magulang niyo na magfile sa polisya para makakuha kayo ng proteksiyon.
Mas maganda umalis na rin kayo sa tinutuluyan niyo. Magtago-tago muna kayo. Hayaan niyo tutulungan ko kayo."


"Sir may update na ba doon sa girl?" mabilis kong wika sa kanya.


"Oo, dito sa manila ngayon ang nag-aalaga sa kanya. Lalaki 'yong nasa contact number niya. Actually, pupuntahan ko siya ngayon."


The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon