Episode 23-Takbo

636 50 24
                                    

I dedicated this story to Kathy_Zaynie13 salamat sa pagsuporta. ♥♥♥
************************************

 ♥♥♥************************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Napatigil kami sa pagtakbo nang biglang tamaan ng liwanag ng flashlight ang isang puno na katapat namin.

Kaya mabilis kaming napaupo at dahan-dahan kaming gumapang upang hindi kami makita.

Napatago kami sandali sa isang malaking bato na pinalilibutan ng matataas na damo. Pinipilit namin pinagkakasya ang aming sarili.

Narinig ko ang nakakatakot na boses ni Chris, na hindi kalayuan sa puwesto namin.

"Tumago lang kayo pero pag makita ko kayo. Sabog ang ulo niyo!" sigaw na pagbabanta ni Chris habang tinitingnan ang bawat punong dinadaanan.

Lalo akong natakot sa narinig. Napahawak pa ako sa dibdib sa matinding kaba ng akmang lalapit siya sa amin.

Tinakpan na ni James ang bibig ng bata upang hindi marinig ang hagulgol nito. Panigurado katapusan na namin kapag marinig niya ang iyak nito.

Nagkatinginan pa kaming tatlo ng ilang metro na lang ang pagitan niya sa amin. Jusko po! Nanginig na ang mga labi ko at katawan sabayan pa ng basang damit. Tinakpan ko na rin ang aking bibig para hindi rin marinig ang iyak ko sa matinding takot.

Napabaling ako kay Carlo na dahan-dahang kinuha ang bato na nasa sulok.

"Nandiyan ba kayo?" sigaw ni Chris, na inilawan ang batong pinagtataguan namin. Narinig ko ang mga yabag niya dahil sa mga dahon at sangang natatapakan niya.

Napalunok na ako.
Mabilis na ang pintig ng puso ko.
Pigil na ang hininga ko.
Umaasa akong may himala. Nagsimula na akong magdasal.

Maya-maya nakita kong dumapa si Carlo at hinagis ang bato sa ibang direksyon. Dahil dito nakagawa ito ng ingay. Agad iyon sinundan ng flashlight ni Chris at patakbong tumungo sa direksyon na 'yon.

Myghaad muntikan na 'yon!
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nang tumalikod na si  Chris at malayo na sa puwesto namin. Wala kaming inaksayang minuto at binilisan na namin ang pagtakbo habang hindi niya pa kami napapansin.


Takbo dito. 
Takbo doon.


Pigil kami at napahawak sa tuhod dahil sa matinding pagod. Napansin namin na lumiliwanag ang mga dahon sa matataas na puno. Alam namin na malapit kami sa
highway, at hindi nga kami nagkakamali dahil sumalubong sa amin ang nagliliwanag na
street light at mga ilaw ng bahay .

Sa hindi kalayuan ay may bukas na maliit na tindahan. Nakasilong dito ang limang nakaupong mga lalaki na pawang nag-iinuman.

"Guys, humingi tayo ng tulong tara!" hingal na sabi ni James. 

Tumawid kami ng kalsada at tumungo kami sa may tindahan kung saan may nag-iinuman.

"Sir, p'wede niyo po ba kaming tulungan." Pagod na sabi ko.

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon