SI Mitch De Guzman, isang college student at vlogger na humangad na mag-viral ang bawat video na pino-post niya sa social media.
Sa kanyang simpleng nakasanayan na pamumuhay bilang isang masayang dalaga, kasama ang kaniyang mga kaibigan, ay magbab...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mitch's POV
Nasa gitna kami ng Edsa at 4 minutes na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin umuusad ang sasakyan.
Dahil na rin sa sobra naming pagkabagot. Nagpatugtog si James ng music.
"Mitch, ngayon ko lang to sasabihin sa'yo. Matagal na ba kayo sa bahay niyo?" seryosong sabi ni James sa akin.
"Why are you asking that?" Tumingin ako sa kanya at talagang seryoso siya.
"Just answer me." Pamimilit ni James.
Nakita kong malikot ang mata niya, tila may hinahanap na sagot.
"Huwag mong sasabihin 'yong nakita mo?" inis na sabi ko sa kanya .
"Alam mo naman di ba na-"
"Na may third eye ka. Na nakakakita ka ng mga ghost gano'n. Alam mo ang weird mo talaga. Tinatakot mo naman ako. I hate you!"
Sumimangot na ako at sinandal ko ang ulo ko sa upuan habang buntong-hininga ako na naghalukipkip ng braso. Nang lumingon ako kay James ay tahimik lang ito. Sige-sige fine! sasagutin ko na lang nga tanong niya.
"Oo, matagal na. If I'm not mistaken, 2000. 18 years na rin kami nariyan. Sabi ng mama ko, kamamatay lang 'yon ni papa at ako ang dinadalala ni mama bago sila lumipat ng bahay. Pero 'yong bahay panahon pa 'yan ng hapon, buti nga na-renovate kasi nakaka-creepy. Pero kahit vintage iyang bahay namin wala naman diyang multo!" Nawala ang focus ko nang mapansin ko na hindi makadaan ang ambulansiya sa kasunod nitong sasakyan.
"You know what mas maraming namamatay daw dahil sa dead on arrival. Wala man lang nag-gi-give way. Sa sobrang traffic din kasi, buti pa sa ibang bansa like japan as in disciplined sila at respectful sa mga ambulance."Nakatingin ako sa salamin ng kotse namin habang nag-re-retouch.
"Ay palaka!" Nagulat na lang ako nang may kumakatok sa window ng sasakyan. Isang lalaki nasa kwarenta ang edad. Humihingi ng pagkain. Binigyan naman ni James ito.
"Kailan kaya mamawala ang traffic dito sa Pinas? Usadpagong tayo rito sa Edsa,"wika nito.
"Kahit kailan hindi na 'yan masasagot. Wait, wait maganda 'tong i-vlog," sabi ko, kaya excited kong hinahanap ang cellphone na nasa bag.
"Seriously?" sabi ni James na napailing nang makita ang ginagawa ko.
"Huwag ka nga. This is my happiness to make vlog," sabi ko sa kanya habang pinindot ko ang live button sa facebook.