Episode 8 - Kalungkutan

893 101 24
                                    

Mitch's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's POV

Kinabukasan nagising ako sa liwanag ng araw na tumagos sa salamin ng bintana. Dumadampi ito sa aking mukha. Bumangon akong malungkot at hindi makapaniwala sa nasaksihan kagabi. Bagsak ang buo kong katawan sa labis na panghihina. 

Napatingin ako sa wall clock ng k'warto namin. Mag-aalas syete pa lang ng umaga at ang pasok ko alas dyes, kaso wala ako ganang pumasok ngayon. Parang gusto ko lang magmukmok at maghintay na lumubog ang araw.

"Hindi ka ba papasok ngayon?" nalulungkot na sabi ni Ate Sarah, nang makita ako na nakahilata lang at tulala.

"Masama pakiramdam ko te," matamlay kong tugon sa kanya.

 Tumagilid ako ng p'westo para iwasan ang mga tingin niya. Narinig kong umalis siya sa kanyang kama.

"Sige magpagaling ka muna. Ako na lang magbibigay ng excuse letter sa mga professor mo." Habang hinahagod niya ang likuran ko. Ramdam din niya siguro ang kalungkutan na nadarama ko sa araw na 'to.

Pagkatapos niya iyon sabihin, umalis na siya ng bahay. Naiwan ako sa k'warto na tulala. Kapag ina-alala ko ang mga nangyayari, naluluha ako.

Narinig kong may nag-notification sa cellphone ko. Hindi ko na iyon tiningnan pa. Alam kong sina James iyon, kagabi pa nila ako tinatawagan. Wala talaga akong ganang mag-reply or kumausap ng iba.

Wala akong ganang kumain ng almusal, kahit na dinalhan na ako ng pagkain sa k'warto ni Manang Pisa.

Dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang labas. Narinig ko ang doorbell sa gate. Agad iyon pinuntahan ni Manang Pisa. Nagulat na lang ako nang pumasok ang
dalawang police na naka-uniform.
Nakita kong tinatawag ni Manang Pisa si mama. Lumabas naman si mama kasama si Kuya Bryan. Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan, pero ramdam ko ang pag-aalala nina mama. Ilang minuto ang nakalipas, pumasok sila sa loob ng bahay kasama ang dalawang police.

Nagulat ako nang buksan ni Manang Pisa ang pinto.

"Mitch, baba ka tawag ka ng mama mo," walang buhay na sabi nito.

"Bakit daw po?" sabi ko na kinakabahan.

"Basta! Bumababa ka na lang at hinihintay ka ng mama mo!"  sambit ni Manang Pisa sabay sarado ng pinto.




Napilitan akong lumabas ng kuwarto.
Hindi na ako nag-ayos or kaya nagpaganda. Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking kamay.
Patakbo kong tinahak ang daan, bumagal din pagkadating sa hagdan. Naririnig ko ang boses nila, ngunit hindi gaanong malinaw. 

Bumibilis ang pintig ng puso ko sa bawat yapak sa baitang ng hagdan. Tumigil ako saglit, humugot ng hangin at iniyuko ang aking ulo. Nang dumampi ang mga paa ko sa sahig ng sala, unti-unti akong tumingala. Bigla akong namutla nang makita ang dalawang police na seryosong napatitig sa akin.

 Ang isang police ay medyo nasa 30's na, at medyo mataba. Samantalang ang isang police naman, ay medyo bata pa, siguro kaedaran ni Kuya Bryan o ni Gena. May itsura ito, matangos ang ilong at matipuno ang pangangatawan. 

Tumahimik ang lahat nang umupo ako sa tabi nina mama at kuya.

"Ma, bakit po?" takang tanong ko sa kanya, kahit may side sa utak ko tungkol ito sa nangyari kay Marie.

Tumingin lang 'to sa akin ng masama at hindi sinagot ang tanong ko. Nakita kong sumalubong ang kanyang dalawang kilay.

Napalingon ako sa mga police nang magsalita ang isa sa kanila.

"Ikaw ba ang tinutukoy ni Chris, na si Mitch De Guzman ang bestfriend ni Marie Rodriguez?" sabi ng matandang police.

"Opo," mahinang sambit ko.

"Ako po si P01 Arthur Marasigan, at ito po ang partner ko si P01 Kim Dominic Carpio. Ma'am dito lang po kami para kunin ang statement niyo, upang makatulong sa kaso ni Marie Rodriguez," seryosong sabi ng pulis.

Kinuwento ko sa mga police ang nangyari sa amin sa Quezon, at ang huling tawag ni Marie sa akin nang gabing 'yon. Alam kong galit sa akin si mama ngayon. Dahil hindi ko
sinabi sa kanya ang lahat pagkauwi namin sa Manila.

"May mga personal na gamit ang nawala sa loob ng apartment ng biktima, kung sinasabi mong may kinalaman ito sa nangyari sa inyo sa Quezon. Hindi niyo po ba namukhaan man lang ang mga suspek?" sabi ni PO1 Carpio.

"Hindi po! Si Marie lang nakakita. Wala po kaming alam! " Naiiyak ako habang binabanggit ang mga salita na lumabas sa aking  bibig.

Nang matapos ang pagbigay ko ng statement, agad namang umalis ang mga pulis sa bahay. Hinatid sila ni Manang Pisa sa gate.

"Bakit ngayon lang 'to namin nalaman Mitch!" malakas na bulyaw sa akin ni mama. Hindi na ako nagtaka dahil alam kong sasabihin ito ni mama.

"I'm sorry ma! Hindi ko alam na mangyayari 'to!" Takot ako ngayon dahil sa boses ni mama. Unti-unti nang namumuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"Kung wala pa lang police na pumunta rito. Hindi mo na sasabihin!" galit na sambit ni mama at akma akong sasampalin. Buti napigilan siya ni Kuya.

"I'm sorry po t-talaga, s-sasabihin ko naman po talaga! H-Hindi ko po talaga na ine-expect na magiging ganito pala!" Doon na ako umiyak. Sa dami-dami pa kasing tao bakit sa akin pa, bakit ko dinaranas ang lahat ng ito!

"Mitch, kung may problema ka! Problema rin namin kasi pamilya mo kami! " sabi ni mama
na kinukumos ang dalawang braso sa sobrang pagkainis.


"Mitch, bakit ngayon mo lang sinabi sa amin na may nakita pala kayong gano'n. Paano kung balikan kayo?" nag-aalalang sambit ni Kuya Brayan


"Sorry po kuya, natakot lang po kami. Pero wala po talaga kaming nakita! Si Marie lang
ang nakakita ng mga suspek!" pinilit kong pigilan ang aking hikbi.

Doon na sumigaw si kuya sa sobrang galit.

"Oo, pero sana sinabi mo pa rin! Hindi ka ba nagtataka bakit alam nila kung saan kayo nakitira. Mag-ingat ka! Baka tinitiktikan na kayo!" dugtong ni kuya.


"Simula ngayon Mitch! Bahay at school ka lang. Bawal ang party o hang-out sa mga friends mo! Ala-sais impunto dito ka na dapat sa bahay! Mahirap na hindi pa nahuhuli ang pumatay kay Ma!-" pasigaw na sabi ni mama.

"Mitch! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita," sigaw ni mama.

"Let her calm ma."- Kuya Bryan.

Hindi ko alam kung bakit tumakbo ako papasok sa aking kuwarto. Ayaw ko silang pakinggan. Gusto ko munang mapag-isa. Pabagsak kong sinarado ang pinto at doon na
ko umiyak nang umiyak.




Dalawang lingo na ang nakalipas.
Sa School sa Cafeteria

"Nami-miss ko pa rin si Marie, James. Sana mahuli na 'yong pumatay sa kanya. Saan pala si Chris?" malungkot kong sabi habang walang ganang nilapag ang binili naming pagkain sa mesa. Saka umupo sa plastic na upuan.

" Ayon inom nang inom sa bar sabi ni Carlo. Iyak nang iyak daw, hindi niya matanggap na wala na si Marie. Mahirap talaga 'yon!" sabi ni James na kumuha ng kunting slice ng leche flan at pinasubo sa akin.

"Puntahan kaya natin siya." Sabay inom ko ng juice.

"Nagkita kami kahapon sabi niya gusto raw niya munang mapag-isa. Bigyan muna natin
siya ng time," seryosong tugon ni James.

Tumango na lang ako na pagsang-ayon kay James. Kita sa mga mata ko ang labis na kalungkutan. Nami-miss ko pa rin ang bestfriend ko.

to be continued... 

The Viral [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon