Chapter 3: He is for me

579 26 0
                                    

KURT'S POV:

"James patawarin mo na ako. Nabulag lang talaga ako sa pagmamahal ko kay Jenefer at pinagsisihan kong mas pinaniwalaan ko pa sila kaysa sayo, James huhuhuhuhu" maiyak-iyak kong sabi habang lumuluhod ako sa harapan niya at humihingi ng tawad

"He don't deserve your forgiveness James, wag na wag mo siyang patawarin. Siya ang puno't dulo ng lahat." Sabi ni Jack na nasa tabi niya na may halong galit na makikita sa kanyang mukha


"Ja . . . mes" basag na pagkasabi


"HAHAHAHAHAHA" Mga tawang maririnig ko na umaalingawngaw sa kadiliman.

"You will be suffering Kurt, HAHAHAHAHAHA" Para akong nasa kabilang mundo na pinipilit ang sarili na makabalik sa tunay na mundo.

"Kurt, gising. Gumising ka Kurt. KURRRRT!!!!" pilit na paggising sa akin ni Ivan ng biglang kong nadilat ang mga mata ko at bumangon

*Catching his breath






"Okay ka lang Kurt?" tanong ni Ivan habang hinimas-himas ang likuran ko. Hinahabol habol ko parin ang hininga ko sa mga segundong ito.

Bakit ko ba ito patuloy na pinapaginipan? Matagal na panahon na ang nakalipas pero bakit parang may tinik parin na tila di matanggal tanggal sa lalamunan ko?

"Anong araw ngayon?" Tanong ko kay Ivan na puno ng pangamba at takot sa mukha

"Sabado ngayon Kurt, wag kang mag-alala" sagot niya na siyang ikinagaan ng loob ko

"By the way, ano na naman ba ang naging panaginip mo? Si James na naman ba?" tanong niya at tumango lang ako

"Di ko alam bakit napapanaginipan ko siya sa mga panahong ito at tila humihingi pa ako ng kapatawaran sa mga nangyari" Sabi ko ng matigilan ito

"Pilit akong ginugulo ng nakaraang di na dapat bumalik pa. Sumasakit na ulo kooo" Sabi ko tsaka pinapalo ang ulo

"Ah-ahh . .. Why not mamasyal tayo Kurt total sabado naman ngayon tsaka sama natin si Angela. Let's have some fun para naman gumaan gaan yang pakiramdam mo" nakangiting anyaya nito sa akin

Siguro pagod lang ang lahat ng ito. Andami kasing school works lately tsaka abala pa sa thesis ko so I think this will be a good escape for me and let go of everything.

"Oh Sige, anong oras tayo aalis?" sabi ko ng bigla itong tumayo

"YES! 11:00 am tayo aalis. Tawagin ko lang si Angela. Magbihis ka na dali" sabi nito na puno ng kasiyahan tsaka siya umalis at agad pinuntahan si Angela.

Hayst, sana mawala na ang lahat ng ito. Gusto ko nang matulog ng maayos na walang ibang iniintindi.

END OF KURT'S POV

















"May lakad ka apo?" biglang tanong ni lola habang inililigpit ko ang pinagkainan namin

"Ah oho, si Nicole po nagyaya sa akin, samahan ko lang po siya sa mall" paliwanag ko ng mabantayan ni lola ang pagtawag ni Nicole sa akin.

"Oh siya, ako na ang maghuhugas ng mga yan, magbihis ka na dun alam mo naman bigla bigla nalang yung dumarating dito." Nakangising sabi ni lola habang tinatahi ang napunit kong kurtina

Agad kong nilapitan si lola tsaka siya niyakap ng mahimbing

"Napakaswerte ko talaga sayo lola, thank you thank you jud ng marami" Sabi ko sabay kiss sa kanyang pisngi tsaka niyakap ko ulet

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon