Marco's POV:
Andito na ako sa Park na sinasabi ni Melvin, tumitingin ako sa paligid pero ni anino niya ay hindi ko makita. Naghintay ako ng mga ilang minuto at umupo muna sa may bench sa ilalim ng malaking puno ng bigla akong inabutan ng Ice Cream sabay sabing
"Oh palamig ka muna, baka kanina naiinitan ka na. Kanina ka pa ba?" ani Marco na sobrang bihis kala mo naman kung saan pupunta.
"Ah hindi naman, sakto lang. Bat bihis na bihis ka ata ngayon?" tanong ko sa kanya
"Bakit? Gwapo ba?"nakangisi niya sagot na para bang nang-aasar
"Gwapo mo mukha mo"
"Eh bakit hindi ba?" tanong niya.
Ganito ba talaga siyang klase na tao? Hindi siya titigil hanggat hindi niya masisira araw mo. Kala niya dahil dun sa nangyari sa amin nung nakaraang araw eh kayang kaya na niya akong utuin.
"Hmmmm, hindi!" sabi ko at kaagad umalis. Sumunod naman siya at naglakad lakad na muna kami dito sa Park
"Ano nga pala sadya mo at bakit mo gustong makipagkita sa akin?"
"Ahh wala lang,
"I find you cute kasi" bigla niyang sabi at nagulat naman ako
natawa lang ako sa mga pinagsasasabi niya.
"Bat ka naman natatawa jan ha?mas lalo akong mafa fall sayo niyan" sabi niya
Luh, di ko to inexpect na moment ha!
"Gago ka ba ha, hahahaha eh sino ba di matatawa eh ang lakas ng trio mo ngayong araw" tawang tawa padin ako sa mga pinagsasasabi niya ng bigla niya akong ninakawan ng halik sa pisngi.
Nabigla ako tsaka hinapas siya sa balikat at nagkaharap kaming dalawa
"Gago ka b . . ."
"Shhh, seryoso ako Marco. Hindi ko alam pero Gus . ."
natigil siya sa kanyang sasabihin ng may biglang tumawag sa akin.
*phone ringing
"Hello?
"Hi King, pasensya ka na ha. Pwede ba akong makahingi ng favor sayo ngayon?
"Pleasee kahit ngayon lang sana, hindi ko kasi masundo sina James at lola ngayon kina Kurt eh. Pwede bang ikaw na lang kumuha sa kanila dun. Di ko pa kasi natapos work ko ngayon eh."paliwanag niya
"Ahh ganun ba, ito ba yung Friend niyo dati?"
"Oo siya, birthday kasi ng anak niya at inimbita kami kaso bigla akong tinawagan ni dad at need kong matapos tong work ngayong araw"
"Ahh okay sige, pupunta ako ngayon dun sa kanila ngayon. Wag ka ng mag-alala."
"thank you talaga King, maaasahan ka talaga
"tsaka di niya alam na ikaw magsusundo kasi alam kong di yung papayag pag nalaman niyang ikaw magsusundo sa kanila. Tawagan mo nalang siya kapag malapit na ka na para hindi na siya makapag hindi pa"
"okay, walang problema"
"Maraming salamat talaga King, see you soon" at napatay na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...