Chapter 14: Blue Hearts

464 27 1
                                    

Thank you po sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa kwento. God bless po and keep safe 😘 ❤
















Marco's POV:

"Pare siya nga pala si Bryan, isa sa matalik kong kaibigan. Magkaibigan na kami nito since high school kaya vibes na vibes na kami nito" pagpapakilala nito saka nakipagkamay ako

"Marco pare"

"So ano, pupunta daw ba yung mga kaibigan mo?" - Melvin

"Ahh Melvs, di daw makakapunta si Jackoy kakatext lang niya. May importante raw siyang lalakarin." - Bryan

"Takte naman oh, kung kailan tayo may bagong tropa tsaka pa siya aabsent" - Melvin

"Naku okay lang pare, masaya na ako na tayo tayo lang muna"

Masaya kaming nag-uusap habang nag-iinuman tsaka ko tinext sina James na papunta na rito tapos hindi parin alam kung saan papatungo kahit ilang beses ko ng na send ang address.

"Pagdating niyo ay may makikita kayong maraming puno na may ilaw sa gilid tapos derecho lang tsaka nakabukas na ang pinto kaya pasok na lang kayo"

Pinaliwanag ko talaga ng maayos ang direksyon at binigay sa kanila ang insaktong lokasyon. Kahit paman ang desenyo ng bahay at mga katangian nito ay ibinigay ko na din sa kanila.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas, may narinig akong ingay sa labas. Siguro, sila na nga iyon.

At hindi nga ako nagkamali sa aking kutob. Kaagad pagpasok nina James at Nicole tila natigilan ang mga ito at nagulat sa nakita at sabay ding nagtayuan tong dalawa kong kasama at natigilan din sa pag-iinom.

"Oh James, Nicole nandito na pala kayo. Mabuti naman at hindi kayo naligaw" agad kong pagkasabi habang nagkatitigan lamang ang mga ito sa kinatatayuan nila.

"Ahh siya nga pala, James at Nicole sila pala yung mga tropa kong tinutukoy ko sa inyo kanina. Si Melvin tsaka si Bryan." Nakangisi kong pagpapakilala sa kanila


"Hindi nga kami nagkamali ng pinuntahan Marco, tamang-tama yung address na ibinigay mo" tanging nasabi ni Nicole


At natigilan na lamang ako . . .

End of Marco's POV










"Oh sige na, inom na tayo" sabi ni Marco at umupo na kami.

Tahimik parin ang lahat, hindi ko kasi alam kong anong sasabihin lalo pa at nakita ko ngayon yung mga taong tinakasan ako noong mga panahong gusto kong malaman ang katotohanan.


"Ah-h Ja-James oh" sabay abot ng baso ni Melvin

"Ah, punta muna ako ng banyo saglit. San ba dito yun pare?"

"Derecho ka lang, tapos makita mo si manang dun paturo ka lang" nakangisi nitong tugon

Nabasag ang katahimikan ng biglang umalis si Marco

"Kamusta na? Ang tagal niyong nagtago ah. Teka, Nagtago nga ba kayo?" - Nicole

"Ahh magpapaliwanag kami, ganito kasi yun James. Noong umalis si Jack papuntang America ay umalis na lang din kami. Tsaka James, maniwala ka man o hindi, sinubukan ka naming kontakin pero wala."

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon