Chapter 7: Unplanned Motions

496 34 0
                                    


Jack's POV:

"So, anong plano mo ngayon bro na andito ka na sa Pilipinas?" tanong ni Melvin habang nagsasalin ng alak

"Well business naman talaga ang focus ko dito sa bansa pero pare hindi parin ako pinapatigil ng konsenya ko. Gabi-gabi ko nalang napapanaginipan ang lahat kahit 6 years na yung lumipas"

"So anong balak mo" - Bryan

"Tulungan niyo naman ako oh" sabi ko habang nag-iisip ng paraan kung papaano ako haharap ulet kay James.

"Kamusta na kaya siya?" Pasimple kong tanong habang nakatulala

"Sino pare si Cheska? Si Jane? Si Andrea?" Naging sagot ni Melvin at sabay silang nagtatawanan ni Bryan

"Ano masaya na? Baka gusto niyo pang idagdag si Angelica at Eunice?" Pilosopo kong sagot sa kanila

"Nagbibiro lang naman kami pare eh" - Melvin

"Alam naman naming si James ang tinutukoy mo. Pero wag kang mag-alala pare patuloy parin naming binabantayan yung ex-boyfriend mo" banat ni Bryan

Simula kasi noong nasa Amerika pa ako ay pinababantayan ko na si James sa dalawang ito kaya alam ko kung ano yung mga nagyayari sa buhay ni James kaso nawala yung koneksyon ko sa kanya ng lumipat sila ng bahay, kaya sa social media nalang ako kumakapit.

Natigil ang sandaling katahimikan ng

"Pare, pare may naisip ako" biglang hirit ni Melvin at lumapit naman kami sa kanya

Sa mga ilang sandali matapos ang aming pagpulong . . .

"Sure ka ba talaga sa gagawin mong yan? Baka walang pupunta at mapapahiya lang tayo" tingin ko sa naging plano ni Melvin

"Ano ka ba, sure ako lalo pa at halos lahat ng mga naging kaklase natin noon ay big time na ngayon" sagot ni Bryan

"Sabagay"

Tama nga naman ang kanilang naging plano. Baka ito na siguro ang tamang oras upang malaman nila ang buong katotohanan. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sa pagkakaroon ng hustiya at paglalantad sa katotohanan. I have never been in a peaceful sleep.

Gusto ko nang matulog na walang iniindang sakit!

End of Jack's POV



Kurt's POV:

Alas onse na at pauwi ako galing trabaho ng madatnan kong nagkakagulo sa loob ng bahay.

"Ma anong nagyayari sa kanya" agad kong pagsabi at hinawak hawakan si Abby kung bakit ito nanginginig

"Kaya nga eh, nalaman ko lang noong chineck ko yung kwarto na. Tinatawagan kita hindi mo naman sinasagot kaya si Ivan nalang tinawagan ko. Paliwanag niya

"Ma ang taas taas po ng lagnat niya" pag-aalala kong sabi at kaagad ko siyang kinarga sakay sa kotse kasama si mama at Ivan at agad dumerecho sa pinakamalapit na Hospital

Sa mga ilang sandali lamang,

"Doc kamusta po ang lagay ng anak ko?" Kaagad kong tanong

"Ahh nagka dengue po ang anak ninyo kung kaya ay mataas ang kanyang lagnat tsaka nagkakaroon siya ng mga mild rashes sa katawan" Sagot ng Doktor

"Ganun po ba Doc, eh magiging maayos naman po ang kalagayan ng anak ko diba?"

"Yun na nga, ikinalulungkot ko po na hindi po sapat ang mga kagamitan namin dito baka hindi siya matututukan ng husto. Pwede ko po kayong irefer sa Regional Hospital po natin, medyo malayo-layo pa nga po pero sure akong mabilis na gagaling ang anak niyo dun" sagot ng doktor

"Sige po doc, maraming salamat"

Umalis na ang doktor at naghahanda na kami ngayon para ilipat sa ibang hospital si Abby.

"Dala mo ba ang mga gamit ma?"

"Ako na bahala Kurt, sama nalang kayo ni Tita dun sa lilipatan tapos text mo nalang address, ako na ang kukuha ng mga damit niyo." Nakangisi niya sabi

"Naku Ivan sure ka ba?"

"Ano ka ba Kurt, ayos lang sa akin basta para sa iyo at kay Abby" sagot niya at tsaka niyakap ko siya ng mahigpit

Umalis na si Ivan at kami nalang ni Mama ang magkasama patungong ospital. Alalang-alala ako sa kalagayan ng aking anak lalo pa at first time itong nangyari sa kanya.

Mag aalas kwatro na ng madaling araw ng marating namin ang sinasabing ospital ng doktor. Medyo may kalakihan kaya paniguradong maraming pasyente dito. Sana naman maasikaso kaagad tong anak ko.

Dinala kaagad sa emergency room ang anak ko. Habang naghihintay kami sa labas, naglalakad ako ng naglalakad at hindi mapakali hanggang sa may nakabangga ako

"Sorry po, sorry"

kinuha ko kaagad ang nahulog na ballpen at dala dala niyang envelop ng bigla kaming natigilan at nagkatitigan.

End of Kurt's POV




Alas kwatro na ng madaling araw at inaantok na talaga ako dito ng biglang tumawag si King.

"Anong oras ka uuwi mamaya James?" - Marco

"Mga 6am out ko kita nalang tayo mamaya mga 10am may sasabihin din kasi ako" sagot ko

"Sige susunduin kita diyan mamaya"

"Naku! Wag na sasabay nalang ako kay Nicole." Pagtatanggi ko

"Basta susunduin parin kita sa ayaw at sa gusto mo bye" sambit niya tsaka bigla na lang ako pinatayan.

May pumasok na Nurse

"Doc need po kayo sa Emergency room ngayon din" sabi niya at napatayo ako bigla at agad tinungo ang ER

"May kararating lang kasi Doc, Abigale Santillan, 6 years old, diagnosis Dengue, may 39° temperature tapos mild rashes"

Narating na namin ang Emergency room at nadatnan ko ang isang batang napakapamilyar sa akin. Habang chini-check ko Vital signs niya ay naalala ko na siya yung batang nabangga ako sa Mall at binilhan ko ng Milk tea.

Kinaumagahan, ipinalipat na siya sa Pedia Ward upang ipagpatuloy ang paggamot sa kanya at dun nakita ko ang isa sa mga taong naging malapit sa puso ko.

"Ja mes . . ." Sabi niya

"Mama Raquel" bigla kong sabi ng bigla niya akong nilapitan tsaka niyakap

"Kamusta ka na? Doktor na doktor ka na talaga ahh. Natupad mo talaga pangarap mo lalo na ng mga magulang mo" sabi niya at niyakap niya ulet ako ng mahigpit.

"Namiss po kita mama" tanging nasabi ko na lamang

"Eh teka po, kaano-ano niyo po yung bata?" Bigla kong tanong

"Ahh si Abby, siya ang anak ni Kurt. Hindi mo ba natatandaan James?" Nakangiti niyang sagot

Nabigla ako at natigilan

Nilapitan ko ang bata at hinawakan ang kanyang mukha

"Ang ganda po niya mama" naluluha kong sabi

"Alam mo James, ang swerte namin jan kay Abby, biruin mo naging Engineer ang Kurt natin dahil sa kanya" sabi niya

"Ahh ganon po ba?"

"Eh asan po si Kurt ngayon?" Natanong ko ng bigka bumukas ang pintuan

"Ako ba hinahanap mo, Doctor James Sarmiento?"




Don't forget to vote and comment ❤
Follow me on
Twitter: @JustMarkDaniel
FB: Mark Daniel

Thank you, All 😘
Keep Safe Everyone

End of Chapter 7

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon