Kurt's POV:
Mag aalas kwatro na ng madaling araw ng marating namin ang sinasabing ospital ng doktor. Medyo may kalakihan kaya paniguradong maraming pasyente dito. Sana naman maasikaso kaagad tong anak ko.
Dinala kaagad sa emergency room ang anak ko. Habang naghihintay kami sa labas, naglalakad ako ng naglalakad at hindi mapakali hanggang sa may nakabangga ako
"Sorry po, sorry"
kinuha ko kaagad ang nahulog na ballpen at dala dala niyang envelop ng bigla kaming natigilan at nagkatitigan dalawa.
"Ku-Kurt?"
"Nicole?"
Tangi kong nasabi at ibinigay sa kanya ang mga gamit
"Ahh eh kamusta ka na?"
"Heto, okay naman"
"Tara kape?" Nakangiti niyang paanyaya na hindi ko naman matanggihan
"Okay, sure!"
*Sa Canteen
"Doctor ka na pala dito nic"
"Ahh oo, actually bago lang kami dito na assign" sagot niya na ikinabigla ko
"Kami?" Pagtataka kong tanong
"Ahh oo Kurt kasama ko nga pala si James dito" mahinahon niyang pagkasabi.
Natigilan naman ako, ito na ba yung oras na magkikita kaming muli ni James sa loob ng anim na taon?
"Wag mo na sanang dalhin pa yung sama ng loob mo kay James hanggang ngayon Kurt, matagal na yun diba? Tsaka maayos na ang kalagayan ng buhay niyo pareho"
Sabi niya habang nakatulala lang ako
"At kahit ano pang galit ang ibuntong mo sa kanya Kurt, tandaan mo na hindi na mababago pa ang iyong nakaraan." Dagdag nito at umalis na
Naliwanagan ako sa sinabi ni Nicole sa akin, totoo, alam kong wala na ngang magbabago kahit pa man suntukin ko ng paulit-ulit si James. Habang tinutungo ko ang ER ay biglang nag text si Mama na nalipat na daw si Abby sa ward kaya dumeretcho na ako. Eksaktong pagkadating ko sa nasabing room ay naririnig kong may kausap si Mama sa loob kaya hindi muna ako Pumasok at nakinig muna sa naging pag-uusap nila.
"Ahh si Abby, siya ang anak ni Kurt. Hindi mo ba natatandaan James?" Sabi ni mama at nabigla ako nang tinawag ni mama ang pangalang James.
Ibig ba sabihin, nasa loob si James?
"Ang ganda po niya mama" tugon nito
"Alam mo James, ang swerte namin jan kay Abby, biruin mo naging Engineer ang Kurt natin dahil sa kanya" sabi ni mama
"Ahh ganon po ba?"
"Eh asan po si Kurt ngayon?" Tanong niya kaya hindi ko na napigilan pang makinig na lamang kaya pumasok na ako sabay sabing
"Ako ba hinahanap mo, Doctor James Sarmiento?" Sabi ko, napatayo siya bigla at nagkatitigan kaming dalawa.
End of Kurt's POV
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...